"PANANDALIANG LANDIAN"

21 1 0
                                    

By: Patreng

Madaling makuha
Madaling mawawala
Yan ang sabi nang madla
Ngunit hindi ako naniwala

Nadala nang iyong pananalita
Natangay nang salitang akala
Saksi ang buwan at tala
Sa sumpaang pabigla bigla

Mga pangakong pinanghawakan
Mga pambobolang binitawan
Pinanghawakan..
Binitawan..
Pinanghawakan sabay
Binitawan..

Andaling banggitin
Tulad nang pag iibigan natin
Sabi mo'y hahawakan
Bakit biglang binitawan?
Parang isang goma na hawak nating dalawa
Malayo pa ang tatahakin ngunit bumitaw ka na

Nag uumpisa palang ngunit parang patapos na
Ganun na lang ba ang pagsasamahan nating dalawa?
Ginawa ko ang tulang ito upang buwagin ang salitang tayo
Mayroon na lamang ikaw at ako

Ikaw na nangako
Pangakong napako
Ako na naniwala
Naniwala't nabalewala

Pinaambunan lang nang kilig
Ang puso kong matamlay
Dininig lang ang tinig
Nang hiling ko na sana'y pang habangbuhay

Pang habangbuhay na pag ibig
Hindi kape na agarang lumalamig
Hindi bula na mawawala nalang bigla
Hindi rin ambon na biglang nalang titila

Ngayon alam niyo na kung gaano ako katanga
Na magtiwala sa taong di ko pa lubos na kilala
Ngayon alam niyo na
Sana'y wag nang gayahin pa
Ngayon alam niyo na ang panandaliang landian naming dalawa..

-08/26/17

(So this one is originally mine, I presented it infront of our class with shaking voice and Sweating hands hahahaha... It was intended for my classmate and her bf that lasts for only a weeks i guess..)

Dear No OneWhere stories live. Discover now