UMASA O PINAASA?

13 1 0
                                    

By: Patreng

"Ikaw lang babae ko sa buhay."
"Para sa 'yo, ako'y maghihintay."
"Hindi ako titingin sa iba."
"Sa iyo ko lang ito nadama."

Narinig mo na rin ba ang mga ganitong kataga?
Kanino?
Sa ex mo ba?
O sa kasalukuyan mong kinakasama?
O baka naman ikaw mismo na nagbabasa?

Mga linyang binitawan mo...
Mga pambobola na nilikha mo...
Mga salita na pinangako mo
pero inaamin ko...
umasa ako...

Umasa at nagtiwala sa iyo.
Umasang ikaw at ako sa dulo ay may TAYO.
Nadala nang pambobola mo.
Nauto nang pangako mo

Bakit ba ko umasa sa iyo?

Gusto kong bumalik 'yong oras
Yaong mga oras na 'di pa kita kilala
para doon palang alam ko na dapat iwasan kita.
Iiwasan ko ang mahulog sa 'yo
dahil kailanman ay hindi mo ko masasalo.
Iiwasan kong makasama ka sa kwento ko,
kasi natatakot akong masanay muli sa presensya mo.
Iiwasan kong ikaw ang magiging dahilan nang kantang isusulat ko,
kasi alam kong sa dulo ingay lang ang dulot nito.

Sabi mo ay maghihintay?
Tinawid ko ang tulay sa pagkakaakalang nasa dulo ka.
Hinarap ko ang takot ko dahil sabi mo'y maghihintay ka
Ngunit naasan ka na nga ba?
Kahit anino mo ay hindi ko nakita?

Sawang-sawa na kong isipin ang sakit na dulot mo.
Nakakasawang balikan ang mga panahong masaya pa tayo.
Nakakasawang panghinayangan ang mga pangakong binitawan mo.

Sabi ko'y hindi na ko gagawa nang tula patungkol sa iyo,
pero ano itong nagagawa ko?
Kaya ngayon ipinapangako ko..
Pangako ito na ang huling tula na isusulat ko para sa 'yo

At dahil ito na ang huli gusto lamang magpasalamat,
salamat sa dinulot mong saya,
salamat na din sa mga sakit at pagpapaasa...

Masaya na ko para sa iyo,
pero mas masaya sana ako kung naging tayo.

~08/08/17

Dear No OneWhere stories live. Discover now