⚒️LET'S START⚒️

17 3 1
                                    

Taong dalawang libo't tatlo, ika-una ng nobyembre....

Isang babaeng nangangalang Samara ang isinilang ng isang kinikilalang pamilya sa lungsod ng lugar ng mga Monteverde. Ikinagagalak ng pamilya nito na ipakilala ang kanyang anak sa mga tao dahil ang kanyang ama ay isang gobernador sa lungsod na 'yon. Napakalaking pribelehiyo kasi na isinilang ang batang ito, dahil sa kadahilanang mahirap magbuntis ang kanyang ina.

Limang taon na ngayon si Samara, lumaki itong marangya ang buhay. Bagama't isa itong napakagandang dilag at nag-iisang anak, hindi ito pinapayagan ng kanyang mga magulang na lumabas o makipaglaro sa mga bata. Kaya lumaki ang batang ito sa kanya lamang silid. Hindi namamalayan ng kanyang mga magulang ang mga misteryo at nakakatakot na ginagawa ng kanilang anak. Limang taon pala mang ito pero ang kanyang pag-iisip ay kakaiba.

Isang araw, mayroong 'business trip' ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay abala sa pamumuno at pagbibigay serbisyo sa kanilang lungsod. Kaya kaylangan nilang umalis noong umagang 'yon. Tatlong araw din silang mawawala. Pero sa tatlong araw na iyon, hindi nila alam, mayroong hindi inaasang mangyayari sa tahanang iyon.

"Ikaw na muna ang bahala kay Samara, cruzet." ngiting abilin ni Amanda, ang nanay ni Samara.

Agad namang sumagot ang bente singko na anyos na kasambahay ng kanilang tahanan. "Opo ma'am. Makakaasa po kayo." ngiti nitong tugon.

Agad namang lumisan ang mag-asawa. Sa kabilang dako naman, si Samara naman ay abala sa kanyang ginagawa sa kanyang silid. Agad namang pumunta si cruzet upang alamin ang ginagawa ng bata.

Kumatok ito ng tatlong beses sa kwarto ng dilag at agad namang pinagbuksan ng pinto ni Samara ang kanyang bata pang kasambahay.

"Binilin ka saakin ng iyong mga magulang, aalagaan muna kita. Wag ka sanang lalabas ng bahay, samara." mahigpit na bilin nito.

Agad namang ngumisi ang bata. Nagtaka man ang dalaga sa pinakita nitong ekspresyon, ngunit hindi na lamang nya ito binigyan ng pansin. Aalis na sana ang dalaga upang ituloy ang kanyang gawain sa bahay nang magsalita ang bata. Hindi nya inaasahan na nakakapagsalita ito. Mayroon kasing sakit ang bata.

According to her doctor, she has
selective mutism (SM) is an anxiety disorder in which a person who is normally capable of speech cannot speak in specific situations or to specific people. Selective mutism usually co-exists with shyness or social anxiety.

"I want to play a game, cruzet." malamig na sambit ng batang ito.

Nagtaka man ang dalaga ay nagpatuloy pa rin siyang kausapin ito. Marahil nasa kanyang isipan ay komportable ang bata na kausapin sya nito.

"Wag kang mag-alala samara, darating mamaya ang iyong mga pinsan at ang aking anak upang kayo'y maglaro. Diba matagal mona silang gustong makita?" ngiti nito.

Masama namang tinignan ni Samara ang dalaga dahil hindi iyon ang ibig nyang sabihin.

"Not just an ordinary game, stupid cruzet. I want bloody game!" masayang sambit ng dalaga na dahilan upang mapa-upo si cruzet sa kanyang mga narinig dahil sya ay nanghina at ang takot ay nagsimula ng bumuo sa kanyang buong kalamnan.

"A..no ang iyong pinag..sasabi, samara? Hi..ndi ito nakaka..tawa." nauutal pa nitong saad.

Tumawa naman ng malakas ang bata. Nakakatakot na tawa. Tataasan ka ng mga balahibo kapag ito'y iyong narinig.

Humakbang ang bata upang maabot nya ang dalaga. Kahit nanghihina, pilit pa ring lumalayo si cruzet upang hindi nya ito maabutan. Ngunit sa hindi inaasahan, wala na itong mausugan. Kapag umusog pa ito, mahuhulog na ito sa kanilang hagdanan.

Game overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon