Chapter 1: ⚒️Thirdy⚒️

10 2 1
                                    

"May bago tayong kaklase! Narinig ko kanina sa dean's office. Ang ganda nya!"

"Talaga? Anong pangalan nya?"

"Samaya? Ah.. Ewan. Malalaman natin yan mamaya."

Nagising naman ako sa aking narinig. Umayos ako ng upo dahil malapit na ring magsimula ang aming klase.

Bagong kaklase? Weird. May gusto pa palang pumasok sa impyernong paaralang ito.

"Oy thirdy! Gawin mo nga tong assignment ko! Hindi ko magets tong formula na to e. Bakit ba kasi may math!" kamot ulo pa nitong reklamo at utos.

"Ayaw mo sa math? Pero kung makapagbilang ka ng pera ay sobra yang saya mo." walang emosyon kong sagot.

"Sumasagot kapa?" angas nitong tanong.

"Wag kang feeling close. Hindi nga kita kilala." malamig kong sagot.

Kinelyuhan naman agad ako nito dahilan upang mapatayo ako.

"Gagawin mo tong assignment ko o pupuruhan ko yang mukha mo?" mag-aabang pa nitong suntok.

"Bibitawan moko o papatayin kita?" Pero nananatili pa rin akong walang emosyon. I always used to keep calm.

Agad naman itong napabitaw dahil sa kakaibang tensyon.

"Bakit may kakaiba akong naramdaman?" litong tanong nito.

"Stay away, bastard." sabay ayos ko ng polo shirt ko at umupo na rin. Agad namang tumunong ang 'bell' na nagsisimbolo upang pumasok at magsimula nang magsi-upo ang mga mag-aaral sa kani kanilang silid.

Agad namang pumasok ang aming guro.

"Okay class, may bago tayong makakasama." ngiti nitong sagot.

Agad namang pumasok ang magandang babae na para bang nagbigay din ito ng malakas na hangin. O ako lang ang nakaramdam?

Napaka amo ng mukha nito na para bang hindi ito mananakit.

Ngumisi ito saamin. Hindi ito ngiti, ngunit isang ngisi na parang nagbibigay babala.

Isa sa pinakamaganda saakin ay marunong akong mangilitis ng ekspresyon o damdamin. Pero sa babaeng nasa harapan namin, ay mahirap itong kilalanin o basahin dahil sa kanyang maamong mukha.

"Magpakilala ka iha," komento ng aming guro.

"My name is Samara Marie Monteverde. 15 years old. Nice to meet you all, my dear classmates!" Masayang masaya nitong bati. Ang kaninang ngisi ay napalitan na ito ng napakatamis na ngiti. Weird.

"Okay samara. Maghanap ka ng mauupuan para makapagsimula na tayo."

Agad naman itong tumango.

Nagsimula na itong maglakad. At tinignan ko ang bakante sa aking tabi na nag-iisa nalang. Kung mamalasin ka nga naman. Ayaw ko pa naman na may katabi, dahil gusto ko talaga ang mag-isa at higit sa lahat kaya ako pumwesto sa likod, para hindi ako gaanong mapansin.

Tulad ng inaasahan ko umupo na ito saaking tabi. Nilapag naman nya ang kanyang gamit at inayos ang kanyang napakahabang buhok. Agad naman itong humarap saakin. Binaling ko naman ang aking tingin sa harapan upang magsimula nang makinig.

"Hey, anong pangalan mo?" Tanong nito. Hindi ko naman ito tinignan at sinagot. Kinuha ko nalamang ang aking ballpen para magsulat.

"Hindi mo ba ako kakausapin? Look, bago palang ako dito e, wala pa akong friends." Pagpapacute pa nito atsaka ako hinawakan sa braso na agad din nyang binitawan.

Game overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon