Chapter 2: ⚒️Reason behind the game⚒️

11 0 0
                                    

Nang umalis si thirdy ay agad namang napayukom ng kamao si Samara dahil napakatigas ng lalaking kaylangan nyang paibigin. Bakit nga ba?

Nang hinawakan ni samara ang braso ni thirdy ay bigla itong nasaktan dahilan upang malaman nyang anak ito ng babaeng kanyang pinatay sampung taon ng nakakaraan.

Nakipagkasundo kasi ang magulang nya sa isang manggagamot sa kanilang lugar na pinaghihinalahang may kapit ito sa isang demonyo kaya ito nakakapagpagaling. Dahil sa kagustuhan nilang magkaroon ng anak, sinubukan nilang lumapit mula rito. At ang sabi ng manggagamot, bibigyan lamang ito ng anak sa isang kondisyon, at 'yon ay kaylangan nilang pumatay din ng isang sanggol. At ang sanggol na 'yon ay ang pangalawang anak ni cruzet. Sakto namang isisilang na ni cruzet ang kanyang pangalawang anak sa gabing 'yon ngunit ito'y namatay. Pinalabas na patay na ang kanyang anak dahil kritikal ang lagay ng bata at kaylangan itong bawian ng buhay, pero hindi nya alam, 'yon ang naging kapalit upang mabuhay ang isang batang si Samara.

Napakasaya ng mag-asawang monteverde dahil sa wakas meron na silang napakagandang anak.

Simula ng isinilang si Samara hindi namamalayan ng kanyang mga magulang na sinusundan na ito ng demonyo. Mula noong bata pala mang sya hanggang ngayon, ito na ang kasama nya. Walang kalaro ang batang si Samara noon. Ang hinanakit nya sa kanyang magulang dahilan upang maging mistulang impyerno ang buhay nya. Lagi lamang itong nasa silid hanggang sa makatagpo ito ng bagong kaibigan---si luciya.

Inaya syang makipaglaro nito. Tuwang tuwa naman si Samara sa kanyang narinig, dahil sa wakas may kalaro na rin ito. Ngunit ang gusto ni luciya ay kakaibang laro. Gusto nya ng laro na papatay sa tao. Larong dadanak ng dugo.

Parang musika na lumalabas sa tinig ni luciya kay samara ang mga salitang 'yon. Gustong gusto nya ring subukan. Gusto nya ring makakita ng dugo. Ng patay. Ng mga pirapirasong katawan ng mga tao.

Ngunit may kondisyon ang kaibigan nito, ang unang papatayin nya ay mayroong kapalit para sa gagawing orasyon. Kapalit nito ang kanyang buhay. Buhay na papatay din sa kanya. Si cruzet ang gusto nitong unahing patayin kaya ang kapalit nito ay ang dugo at laman ni cruzet. Walang iba kundi si thirdy. Ang panganay na anak ni cruzet na ngayon ay labing pitong gulang na.

Sa kagustuhang patayin ni Samara si cruzet ay pumayag ito. Nalaman kasi ni Samara na may relasyon sila ng kanyang ama. Galit na galit ito sa kanyang natuklasan na nagsisiping ang kanyang ama at kasambahay dahilan upang magbunga ito. Pero hindi si thirdy ang bunga, dahil may asawa na kasi ito pero sadyang malandi nga, kaya pati ama nya ay pinatulan. Nasa sinapupunan palang ni cruzet ang batang iyon ng ito ay mamatay. Pinatay na kasi ni Samara ang dalawa. Labis ang kanyang tuwa ng magtalsikan ang dugo at laman ni cruzet sa kanyang buong katawan. Ninamnam nito ang bawat dugong tumatalsik sa kanyang katawan kasama ang batang kanya ring pinatay.

Hindi pweding patayin ni Samara si thirdy dahil pareho silang mamamatay. Kaya sabi ng kanyang kaibigan, kaylangan nya itong paibigin para mawala ang bisa nito. Kapag nalaman ni thirdy na sya ang pumatay sa kanyang ina at ama, tiyak na magagalit ito ng tuluyan at baka mapatay sya nito. Walang pweding pumatay sa kanya kundi si thirdy lang at ang nagsisilbing buhay sa kanya ay ang kanyang larong inilikha. Hindi ito pweding hindi pumatay sa isang araw kundi manghihina ito ng tuluyan. Kaya sya nakakapatay dahil may kapit sya sa demonyo at alam nyang hindi sya nito pababayaan.

Sa dami ng napatay ni Samara sa araw-araw na larong kanyang inilikha ay hindi sya makakapayag na sirain o wakasan lamang ng isang nilalang. Kaya gagawin nya lahat upang mapa-ibig ito. At sa puntong hulog na hulog na ito sa kanya, tsaka na nya ito papatayin.

Lumipat sya sa kanyang bagong paaralan dahil utos ng kanyang kaibigan na ubusin ang mga magiging kaklase nito at ang mga taong susubok sa kanya. Iisa-isahin nya itong papatayin. At kapag naubos na nya lahat, makukuha na nya ang kanyang minimithi. Walang iba kundi ang buhay ng walang hanggan. Walang hanggang buhay dahilan upang sya ay makapatay ng marami. Upang sya ay maging reyna sa kanyang magiging teritoryo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon