Pasilip..

758 1 0
                                    

“Sa likod ng pader na iyan ay ang nakatagong lihim ng ating kaharian.”  saad ng aking Amang Hari.

Nandito kami ngayon sa labas ng aming palasyo. Nakatayo kami ng aking Ama kasama ang kanyang alagang dragon na mukhang isang bibe dahil sa haba ng nguso nito sa tapat ng isang malaking pader.

Hindi ko batid kung bakit may isang malaking pader sa gitna ng aming kaharian. Siguro maraming mga fafa dito sa kabila. Biro lang.
O kaya ang pader na ito ay gawa mula sa pinagsama-samang mga plat dito samin? Luhh kaya pala walang plat dito samin kasi ginawa silang pader. Biro lang ulit! Kayo naman sobrang seryoso ayan tuloy umasa kayo tas kayo lang din naman ang masasaktan sa huli.. So sad..

Ilang beses ng nabanggit saakin ni Ama ang tungkol sa bagay na iyan ngunit kahit kailan hindi ko parin maunawaan ang kanyang nais ipahiwatig. Maka-ilang libong beses na rin akong nagtanong sakanya kung ano ang dahilan kung bakit merong malaking pader dito sa gitna ng aming kaharian ngunit isa lang ang palaging sagot niya saakin “Hindi pa panahon para malaman mo Astrid”  Yan lamang ang tanging sagot niya saakin tuwing ako ay nagtatanong. Kahit hindi ko maintindhihan ay tumatango-tango na lamang ako.

Sabihin na natin na nang mga panahong iyon ay isa pa lamang akong batang ibon na kakalabas pa lamang sa aking itlog. Isang ibon na hindi pa kayang lumipad nang kasing taas katulad ng iba ngunit may mataas ng kuryusidad. Isang ibon na kahit alam niyang babagsak siya ay walang takot na ipagaspas ang kanyang mga pakpak.

Hindi na ako katulad ng ibon na iyon kagaya ng dati. Kaya ko ng lumipad nang kasingtaas nila o kaya naman ay mas mataas pa. Syempre wala akong pakpak pero may alaga akong dragon.

Sa ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit mayroong pader na gitna ng aming kaharian. Ngunit kung gusto niyong malaman kung ano ang meron sa likod ng pader ay basahin niyo ang mga susunod na kabanata... :>

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Behind The WallsWhere stories live. Discover now