“Paano kami nakarating dito?” inis na sabi ko saaking sarili.
Si Buwan pa ang nakabantay sa kalangitan.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at napagtanto ko na totoo ngang bumalik ako sa lugar na napuntahan ko noong isang araw. Hindi maaari-- nasa labas ako ng pader! Dapat pala ay hindi ko na sinundan ang aking kapatid. Isang Malaking palaisipan parin saakin kung bakit bigla na lamang siyang nawala at kung bakit dito kami lumapag ng aking Dragon. Siya nga pala.. Nasaan ang aking Dragon na si Saffy?
“Saffy!”
“Saffy Nasaan ka?” pagsigaw ko. Nakarinig ako ng isang boses sa aking isipan.
“Nandito ako” sabi ng boses saaking isipan.
“Saan?” sagot ko gamit ang aking isipan.
“Sa taas ng puno.” sagot niya.
Nilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang malaking ibon na nakadapo sa puno. Isang Agila.
“Halah!” singhal ko.
Ano ba talaga ang nagaganap? Kailangan ko ng eksplanasyon!
Dumapo sa balikat ko ang aking Dragon este ibon pala. Siguro naman kahit ibon na itong dragon na ito eh may pakinabang parin naman siguro to? Dahil kung wala na inasal na Agila ang sasapitin nitong pesteng Agila na ito!
Inaantok na ako.. Saan kaya ako matutulog? Pwedeng dito na lang sa ilalim ng puno pero baka tubuan ako ng ugat pag dito ako natulog. Arrgghh! Wala akong pagpipilian!
~•~•~•~•~
“Miss! Miss! Gising”Nagising ako sapagkat naramdaman kong may yumuyugyog saakin.
“Salamat naman at gising ka na! Akala ko patay ka na” sabi ng lalaki na gumising saakin. Lapastangan na lalaking to! Nakita nang nahihimbing pa ako eh.
“Sino ka?! Wag kang lalapit! Isang lingkis pa tutuhugin na kita!” inis na sagot ko sakanya.
“Isang salita pa akin ka na, isang sentence pa asawa na kita..”
“Ako si Ziel.. Ikaw?” pagpapakilala niya.Medyo makapal din ang mukha ng lalaking to. Pero pamilyar siya. Basta! Ngayon nandito na ako sa labas ng pader pwede ko ng hanapin ang kwintas ko.
“Astrid..” pagpapakilala ko rin.
“Is this yours?” sabay abot niya ng isang kwintas.
“Hindi ko naintindan ang iyong itinuran ngunit akin yang kwintas na iyan! Magnanakaw! Saan mo ito nakuha?” galit na sabi ko sakanya. Ano ba yung “is this yours?” pagkain ba yun?
“Easy Miss! Hindi ko iyan. ninakaw. Napulot ko yan noong una kitang nakita dito sa gubat. Siguro nahulog mo.” pagpapaliwanag niya.
Naku! Naku! Wag niya akong madaan-daan sa mga “Easy Miss” niya dahil una sa lahat hindi naman siguro yun pagkain. “easy miss?” diba yun yung kulay pula na bilog? Mali, mali! Kamatis pala yun. Magkatunog lang pala. Haha.
“Bakit ka pala dito natulog Astrid?” pagtatanong niya.
Sasagot na sana ako ng kasi hindi ako gising dito kaso naisip ko baka hindi niya makuha ang ipinupunto ko. Mahirap na no! Baka matuhog ako ng buhay.
“Nawawala kasi ako.. Nasan ba ako? Kailangan kong mahanap ang kapatid ko at saka salamat kasi ibinalik mo ang aking kwintas.” pagpapasalamat ko.
Pangalawang beses ko palang dito pero hindi ko talaga alam kung nasan ako pero ang ipinagtataka ko ay hindi ko makita pader na pumapagitna sa dalawang magkaibang mundong ito.
“Nandito ka sa Cedexia Astrid.. Mukhang bago ka ah.. Kakababa mo palang ba sa bundok?” sagot niya.
huh? Akala siguro nito sakin
“Ahh oo..”
“Pwede ka munang tumuloy sa bahay ko kung wala kang mapupuntahan.”
Alam ko na mahirap mamuhay sa lugar na hindi mo kinagisnan, kailangan mong gawin ang lahat para makaantos sa isang araw. Mahirap magtiwala sa isang tao, lalo na kung ito ay bagong kakilala. Wala tayong kakayahan na basahin ang isip ng taong nasa paligid natin. Hindi mo alam kung ano ang iniisip nila tungkol sayo. Minsan may mga taong mabait kapag nasa iyong harapan ngunit sinasaksak ka na pala patalikod sa hindi mo malamang dahilan.
Nagdadalawang isip ako, hindi ko alam kung sasama ba ako sakanya.
“Wag na, maraming salamat na lang.” saad ko.
“Naku, tara na! Wag nang maarte. Ganda ka? Ganda k?”
YOU ARE READING
Behind The Walls
AdventureMahirap kalimutan ang taong hindi mo lubos na maisip na mawawala sayo. Yung tipong akala mo kayo na forever pero hindi pala.. Marami ka pa palang hindi natutuklasan tungkol sakanya.. Mahirap paniwalaan pero hindi siya ang taong inaakala mong magmama...