Ikalawa

273 0 0
                                    

Ziel's

“Kung wala kang matinong sasabihin umalis ka na dito sa harapan ko Ziel!” bulyaw saakin ng aking Ama matapos kong ikwento ang nakita ko kahapon. 

Noong isang linggo ko pa siya kinukumbinsi na meron talagang ganun dun sa lugar na yun pero hindi talaga siya naniniwala.

Una kong nakita yung pader at yung kaharian na yun noong isang linggo. Paborito ko ang lugar na iyon kahit medyo magubat. Nagbabasa ako nun ng aking diksyunaryo nang makita ko ang isang maliit na butas sa pader. Noong una ay nagtataka talaga ako kung bakit bigla na lang nagkaroon ng ganun dito samantalang ilang taon na akong pabalik-balik dito pero ngayon ko pa lamang iyon nakita.Sinilip ko sa loob at isang malaking kastilyo ang aking nakita. Napatakbo ako sa takot ng may makita akong isang dragon. Sa aking pagmamadali ay naiwan ko ang diksyunaryo na aking binabasa.

“But Dad, I really saw it with my two precious eyes! There's a Kingdom and a big wall! May babae ring lumabas mula doon kaya sa tingin ko ay may mga taong naninirahan sa likod ng pader na yun.” pagpapaliwanag ko sa aking Ama.

Sa tingin ko kung hindi ko siya Ama ay matagal na niya akong ipinasok sa Mental hospital. Hindi kami masyadong malapit ng daddy ko dahil palagi siyang abala sa pag asikaso ng bansa na nasasakupan niya. Isa siyang Presidente.

“You know what Ziel?! Wala akong oras para makipag biruan sayo  marami pa akong mas importanteng gagawin. Alam mo bang mas lalong dumadami ang mga namamatay sa bansa natin? Kung ako sayo focus on your studies!” sigaw niya sakin.

Kahit kailan talaga walang tiwala saakin ang aking Ama. Naalala ko noong bata pa lamang ako, palagi niya na lamang akong ikinukumpara sa ibang mga bata. Kesyo mas matalino daw si ganito ganyan, gayahin ko daw si ganito ganyan. Kaya ngayon gusto kong patunayan sakanya na hindi ako mahina at ipinapangako ko na mapapatunayan ko sakanya na totoo ang aking sinasabi.

“But Dad..”

“No buts Ziel! Now, get out of my office!”

padabog akong umalis matapos akong ipagtabuyan ng aking ama.

Ako si Ziel Ion Coltz anak ni Mr. Zurin Ion Coltz ang Presidente ng bansang Cedexia.

Bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita ang malaking pader ngunit wala na ito doon. Bakit ba palagi iyong naglalaho? Nakakabad trip naman! Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong isang kwintas.

Pinulot ko ang kwintas. Ang ganda nito may pangalan na nakalagay sa kwintas

Astrid..” ang ganda ng pangalan. Posible kayang yung babaeng lumabas dun sa pader ang may ari nito?

Napangiti na lamang ako ng may ideyang biglang pumasok sa aking isipan.

“Kung talagang yung babaeng yun ang may-ari nito so pwede ko itong magamit bilang ebidensiya? Pero mukhang hindi kapani-paniwala kung ito lang ang ipapakita ko kay Dad. Kailangan ko ring dalhin yung babaeng yun para makatotohanan. Aabangan ko na muling lumitaw ang pader na iyon at lumabas muli ang babaeng iyon. Papaibigin ko siya upang magkaroon ako ng access sa mundong ginagalawan niya.” bulong ko sa aking isipan.

“Ang talino mo talaga Ziel! Crush na kita!” sabi ko sa sarili ko. Ano ba yan pati sarili ko nagkakagusto saakin.

Naghintay ako ng ilang oras pero walang lumitaw na pader. Paano kung nagkatawang tao yung pader at lumaganap sila? Jusq wag naman sana! Ayaw ko nang madagdagan ang mga plat dito sa dito sa Cedexia.

Napagpasyahan ko ng umuwi dahil feeling ko ilang oras na lang tutubuan na ako ng ugat dun kapag nag stay pa ako syempre hindi ako papayag no! Ako na lang ang nag iisang gwapo dito sa  Cedexia tapos tutubuan lang ako ng ugat?

Behind The WallsWhere stories live. Discover now