“Sampung Libo at Isa”
“Sampung Libo at Dalawa”
“Sampung Libo at tat-” hindi ko na naituloy ang aking pagbibilang ng biglang malakas na kumatok ang aking tagapag silbi.Ako si Prinsesa Astrid Xyrk, 18. Anak ako ng Hari. Tsk! Prinsesa nga diba?
“Prinsesa Astrid oras na po para sa iyong pagsasanay!” sigaw ng aking tagapag silbi mula sa pinto.
“Bukas na lang! Tinatamad pa ako!” sagot ko. Katamad kaya magsanay. Abala pa ako sa pagbibilang ng aking buhok eh! Nakakainis lang kasi halos mag-iisang taon ko na 'to binibilang hindi ko parin maubos!
“Ngunit mahal na Prinsesa noong isang linggo mo pa po yan sinasabi. Nagagalit na ang iyong Amang Hari!” tugon niya. Nais ko pa sanang paabutin ng isang taon ang pagsabi ko ng "bukas na lang!” Hays! Pag ako talaga nainis dito sa aking tagapagsilbi papabugahan ko talaga siya ng apoy dun sa alaga kong dragon.
“sige na nga! Gorabels na!!” sagot ko.
Well, siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ako magsalita? Noong nakaraang linggo kasi ay may napulot akong libro sa gilid ng malaking pader dito sa aming kaharian.Bukod sa pagbibilang ng aking mga buhok isa sa pinagkaka abalahan ko ay ang pagbabasa nun. Dun ko natutunan ang ibang mga salita na hindi pa ginagamit dito sa aming lugar at ako pa lamang ang nakakaintindi nito. Sa tingin ko ay isa itong maka-bagong diksyunaryo kasi ang laki ng pinagkaiba ng laman nito salita kaysa sa mga salitang nasa aming diksyunaryo.
“Huh? Ano ho yun? D ko po kayo maintindihan..” tugon niya na parang naguguluhan. Natatawa na lamang ako sa kanyang ekspresyon kamukha na niya yung alagang dragon ni Ama. Haha :> buti pa ang aking alagang dragon kasing ganda ko.
Marahil nagtataka na naman kayo kung bakit dragon ang meron samin? Well, feeling ko kasi hindi na namin kailangan ng Kabayo kasi mukha na silang kabayo :> Biro lang! Haha hindi kasi uso samin ang kabayo. Namulat ako sa mundo namin na dragon na ang gamit nila. Marahil ay mas gusto nila iyon kasi may pakpak ang dragon hindi gaya ng mga kabayo. Well, mas lalo namang hindi uso samin ang Unicorn.
Unicorn- isang uri ng kabayo na may pakpak at sungay sa kanilang harapan.
Nabasa ko lang yan dun sa librong aking napulot.
“Wala.. Wala! Tara na!” lumabas na ako ng aking silid at sumama na lamang sakanya.
Bago kami magtungo sa lugar na aking pagsasanayan ay nagtungo muna kami sa silid ng aking Ama. Nakita ko siyang abala sa pagsuri sa mapa.
“Astrid! Bakit ngayon ka lang?” tanong ng aking ama. Halatang pagod na ito.
“Paumanhin po Ama” paghingi ko ng tawad. Abala lang ako sa pagbabasa ng diksyunaryo na napulot ko at tsaka sa pagbibilang ng aking buhok.
“Alam mo bang nagbabanta na naman ang kaharian ng mga Orca!? Nais na naman nilang makipagdigma kaya kailangan mong maghanda para matulungan mo ating kaharian sa darating na digmaan! Bukas ang kanilang pagdating..” Halos malaglag ang aking panga ng marinig ko na bukas na ang digmaan. Kailagan ko pang magsanay!
Anim na buwan pa lamang ang nakakalipas mula noong nakipagdigma sila saamin ha? Natalo kami nun sapagkat hindi kami handa. Na sorpresa na lamang kami sa kanilang pagdating.
Malaki ang galit sa amin ng mga Orca sapagkat ang aming kaharian ay nasa magandang antas habang ang kanilang kaharian ay nalugmok sa kadiliman. Ang kaharian ng mga Orca ay malayo saamin nasa dulo sila ng bundok kung saan hindi sila nasisinagan ng araw sapagkat napapalibutan sila ng mga puno't halaman.Noong una akala ko na sila talaga ang nasa likod ng malaking pader ngunit sa pagdaan ng mga panahon ay dun ko napagtanto na hindi sila ang nasa kabila nun. Mas lalo tuloy lumakas ang loob ko na mga fafa ang nasa kabilang pader.
YOU ARE READING
Behind The Walls
AbenteuerMahirap kalimutan ang taong hindi mo lubos na maisip na mawawala sayo. Yung tipong akala mo kayo na forever pero hindi pala.. Marami ka pa palang hindi natutuklasan tungkol sakanya.. Mahirap paniwalaan pero hindi siya ang taong inaakala mong magmama...