Chapter 3

10 0 0
                                    

Ankas POV

"My name is Anka Margarette Bellago, i'm 8 years old! I live in 26 B Hinulugang Puet St. Caloocan City! And Ayyyy! Thankyou!" Pagkatapos kong magintroduce yourself sa unahan bumalik na ko agad sa upuan. Buti nalang tinuruan ako ni Tits kung pano magpakilala dapat daw hindi ko ipahalata na kinakabahan ako kase maganda naman daw ako syempre alam ko naman yon. "My name is Dylan Mikael Yvares, 8 years old" Pagpapakilala ng isa kong kaklase. Anobatong isang to parang ewan ang pangit magpakilala ang boring. "Ang pangit mo naman magpakilala dapat energetic daw sabi ng Tits ko para magkaroon agad ng friends" inirapan ko siya. "I don't need friends, i have these" sabay turo niya sa mga libro sa desk niya. "They're my friends" walang ekpresyon na sabi nito. Ang weird naman neto paano niya kaya naging kaibigan yun, "hello libro im Dylan friends na tayo ha" ganon??? Tss. "HAY NAKO MAKALIPAT NGA NG UPUAN BAKA MAKAHANAP AKO NG MAAYOS NA KAUSAP" Pinaparinggan ko ang katabi kong alien pero wala man lang siyang ekspresyon. Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si teacher "Okay class, don't bother to change your seats cause that would be your final seating arrangement for the whole school year random na kung random i expect na matutunan niyo ang "friendship"" ngumit pa siya pagkatapos niyang sabihin kala mo nakakatuwa e. Ang malas mo Anka ANG MALAS MO. Bakit kasi dito pa to umupo pwede naman dun sa dulo. "HAY NAKO ANG MALAS KO TALAGA" Pagpaparinig ko ulit kay Dylan? Ba yon. "Excuse me, can you please keep quiet?, the class is about to start gusto kong makinig" sabi sakin ni Dylan habang nakangiti luh, kala mo nakakatuwa siya eh. Inirapan ko siya at inusong ko ng konti palayo yung upuan ko baka mamaya mahawaan pa ko neto.

Recess na magisa akong nakaupo sa canteen aba syempre gutom na ko excited na ko kainin tong baon kong Zesto at fudgee bar. "Ay anobayan! Mango flavor?! Sana orange nalang o kaya apple si mama talaga eh" Hindi ko namalayan na pasigaw ko palang nasabi iyon. May lumapit tuloy saking bata. "Hi! Ikaw si Anka diba?" Sabay ngiti nito akala ko aawayin na niya ko eh T.T, "Ang galing mo kanina buti ka pa hindi nahihiya magpakilala sa unahan" Sabi sakin nung batang babae na kung di ako nagkakamali ay kaklase ko "Ah oo! Hellooo :) ikaw? Anong pangalan mo?" Tinanong ko siya with matching smiley face "Ha? Hindi mo ba narinig kanina? Sorry mahina ata boses ko kanina nahihiya kasi ako e" Sabi niya sakin habang napayuko at napakamot sa ulo. "Ah oo di ko nga narinig ang ingay kasi nung katabi ko" Hoo! Buti nalang di niya nahalata pano ba naman kase nakakabadtrip yung katabi ko nakatingin lang tuloy ako sa bintana buong klase Promise ko pa naman na mag aaral ako ng bonggang bongga para payagan ako ni mama magenroll sa ballet class. "Ako nga pala si Audrey" Sabay ngiti niya at inalok ako ng baon niyang watta tops "Gusto mo? Meron pa ko sa bag 5 pieces" "Wag na may fudgee bar pa ko 6 pieces" kahit na ang totoo e tatlong fudgee bar lang naman ang baon ko ewan ko ba bat ko sinabi yon. "Ah ganon ba sige! Sabay nalang tayo kumain palagi ha!" Nagulat ako ng sabihin niya yon pano ba naman pasigaw niya sinabi yon napatingin tuloy samin yung mga tao sa canteen HAHAHA "Sige! Bukas dito ulit tayo ha!" Sabay taas ng palad at hinihintay ang pag apir ni Audrey. "APIRRRRR" sige magsitinginan kayo wala kami pake.

Long GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon