Chapter 2

17 0 0
                                    

Nagising si Anka sa sinag ng araw na dumadampi sa kanyang muka "Anka! Gising na! Dadaanan tayo ng Tito Paul mo isasabay na raw niya tayo bilisan mo na dyan!" "Mhmhmm ma, antok pa po ako" sabay takip nito ng paborito niyang unan na palaka sa kanyang muka. "Mamaaaaa anobaaaaa antok pa ko huhuhu" wika nito nang hilahin ng mamaya niya ang kumot na gamit niya. "Sabi ng bumangon ka na nakakahiya sa Tito..ta Paul mo" "Tits nga mama para di na tayo malito" palihim na napatawa ang mamaya dahil hindi nito alam kung pano ipapaliwanag ang kahulugan nito. "Bahala ka" Pailing iling na napahawak sa sentido ang mama niya.

-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/

"Gusto ko nito ma" sabay turo sa isang notebook na may disenyong ballerina "Sige pumili ka pa ng iba walo subjects mo" "Ayoko na ito lang gusto ko" pasimangot na sabi nito "Hindi pwede anak bawat sunject kailangan ibang notebook" sabi nito habang nakapamewang "Sige na nga! Oh ayan na mama hmp!" "Ano to? Bakit pare pareho?" "E gusto ko yan kaya yan nalang lahat" pagtararay nito sa mama niya "Naku ikaw talaga" natatawang sabi nito kay Anka.

Pagkatapos mamili ng mga gamit ay pumunta sila sa isang kainan sa loob ng mall sa may left side ng escalator tapos liliko tapos pangatlo sa hilera doon. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ng mama niya "spaghetti po mama tsaka sprite pati narin burger" "Osige antayin mo ko dyan" "Ay! Teka lang mama! Pasabi po walang mayonnaise yung burger ha! :>" Wika ni Anka "Alam ko na yon makakalimutan ko ba e nagmukmok ka nung nakaraan nung may mayo ang inorder ko" sabi ng mama niya habang tumatawa.

"Ay wala po e" Wika ni Anka sa isang ale na nanghihingi ng barya. "Hingi nalang po kayo kay mama pagdating :)" sabi niya sa ale. Saktong paparating na ang mama niya ng sumigaw ito "Mama! Pahingi daw barya naiihi na daw kasi siya e wala naman akong pera naiwan ko yung sampung piso na binigay mo saken kahapon" "Ah ganon ba oh siya sige eto oh" sabay abot sa ale ng limampisong barya. Umalis na ang ale, tsaka lang nila napagtanto na wala namang bayad ang CR sa mall.

"Nako anak! Wag ka na ulit kakausap ng ibang tao pag hindi mo kilala ha! Tingnan mo nagoyo tayo buti nalang limampiso lang" Medyo pasigaw na sabi sa kanya ng mama niya "Sorry po ma hayaan mo next time piso nalang makukuha nila >:(" pabulong na sabi ni Anka sa mama niya. "Ikaw talaga! Napakapilyo mong bata ka kumain ka na nga dyan ayan na yung burger mo oh" Nanlaki ang mga mata ni Anka ng makita ang lahat ng gusto niyang kainin sa mesa. "YEY! THANKYOU MAMAAAA!" Tuwang tuwang sabi nito.

-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/

Mag aalaskwatro na ng hapon ng makauwi ang mag- ina hindi narin sila nasundo ng Tito Paul niya dahil may meeting daw ito sa trabaho. "Mama sabihin mo kay Tits pasalubong yung balot" "Wag na baka di na yon makadaan doon" "Sige ma ano nalang ice cream! Hehehehe" "Anokaba didiretso na yun sa bahay niya mamaya di na rin yon makakadaan dito siguradong pagod yon sa Cavite ba naman ang meeting" "Sige na nga ;(" nakasimangot na sabi ng bata.

Pumasok si Anka sa kwarto niya at itinuloy ang drawing niya na hindi matapos tapos. Hindi niya alam na sinundan pala siya ng mama niya sa kwarto "Ay muka kang kabayo— mama naman eh! Nagulat ako!" "Ano ba yang drinadrawing mo mukang walis tingting na may panyo, tsaka anong muka akong kabayo edi muka ka ring kabayo?" "Joke lang po yun mama drinadrawing ko yung binigaw sakin ni lolo na music box hihi" Ngumiti lang ang mama niya at lumabas na ng kwarto.

Long GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon