Mahal kita, Mahal mo ako
Pero bakit hindi pwede maging tayo?....
Ikaw at ako laban sa mundo
Magkalapit pero sobrang layo
Natatakot na may makakita
Sa ating tinginang parang isang gunitaKapag naaalala ko ang ating istorya
Parang nag-iimagine ako ng isang drama
Drama na kung saan mahal natin ang isa't isa pero mas iniisip natin ang mararamdaman ng iba'Yon tayo,
Ganun tayo,
Kaso walang tayo at ang meron lang ay ang ikaw at ako.
Pero pinapangako ko , wala nang papantay pa sayo.Handa akong maghintay hanggang sa wala nang nakatingin.
Hanggang sa ang atensyon ng mundo ay mag baling
Mabaling sa ibang hanggang sa hindi na nila tayo mapansin
Maghihintay hanggang sa ikaw ay maging akin.Dadating ang panahon
Mapapagod silang tutulan ang ating relasyon
at hindi na nating kailangang itago ang mga emosyon
Na nahulma na ng masakit at masayang kahapon.Nasabi mo nang "mahal kita"
At naamin ko na sayong ganun din ako sinta
Maaring sa kasalukuyan ay tutol sila
Sa pagmamahalan nating dalawa
Pero pinapangako ko, walang sino man sa kanila ang makakapigil sakin
Dahil sobrang mahal kita!