ORIGINAL VERSION
Luha
By: laughtearss
Sa harap ng bulaklak, ako ay umiiyak
Aking pakiramdam, walang kay hapdi ng luhang pumapatak.
Sa dahil umaagos, ang tubig na kasing linaw ng ilaw
Dahil sa aking pag-iyak dahilan ko ay ikaw.Ano ba ang nagawa ko?
'Yan ang tanong ng sarili ko
Wala akong ibang hangad kundi kabutihan mo.
At nang dahil sa ginawa mo, Loob ko ay muntik nang lumayo sayo.Ang tulang ginawa ko ay para sa iyo
Dahil ikaw bigla ang nasa isip ko.
Hanga rin ako sa katalinuhan mo
Dahil lahat ng tanong ko ay lagging sinasagot moLagi rin tayong magkasama, kahit saan tayo pumunta
Kasi sabi ng Diyos hindi daw tayo pwedeng magkahiwalay
Kahit anong pagsubok ang dumating sa ating buhay
Tayo parin ang magkasama sa hirap man o sa ginhawa.
RESTORED VERSION:Luha
By: laughtearss
Edited by: CodeExx_01Sa harap ng mga a bulaklak, Ako ay umiiyak
Ang aking pakiramdam ay walang kasing sakit ng luhang pumapatak.
Luhang umaagos gaya ng tubig na kay linaw
Ang mga paghikbing dahilan ay ikaw.Ano ba ang nagawa ko?
'Yan ang tanong ng isip at puso
Wala na akong ibang hiling kundi ang ikabubuti mo
Pero nang dahil sa iyong kinilos, Loob ko ay muntik nang lumayo sayo.
Sumilip ang awang sa ating magkaibang mundo.Ang tulang ito ginawa ko ay para sa iyo
Dahil ikaw lagi ang laman ng isipang ito.
Isipan na hindi gaya ng iyo, Lamang ang kahusayan mo.
Dahil lahat ng bumabagabang sa akin ay iyong binubuo.Lagi tayong magkasama akin sinta,
kahit saang lupalop man tayo magpumunta
Dahil usal ng Diyos hindi tayo pwedeng magkahiwalay
Kahit anong pagsubok ang sumubok sa ating buhay.Tayo ang tanging magkahawak kamay,
Sa hirap man o sa ginhawa, sa kahit anong dagok na Kaniyang ibigay.-CODE no. 3