Ngayon ko lang napagtanto
Nadapat na pala akong makuntento
Sapat na, na magkaayos na tayo
Dahil naalala kong iyon lang pala ang hiniling koBilog ang buwan
Ang isip ko ay walang ibang laman
Ginugulo mo aking isipan
Ano ba ang dapat kong hilingin sa kalangitan?Biglang bumalik lahat ng nangyari
Ang puso ko ay biglang di mapakali
Nag-historical aking isip
At nag-comeback lahat ng sakitPinilit kong ipikit ang mga mata
Para pigilan ang butil ng tubig na kakawala na
Pinilit ko putulin ang isang drama
Na nasa aking isipan at sabihin "tama na"
Hey! Hindi ko na kayaPag-mulat ko ay okay na
Saka ko muling natanaw ang buwan na...
Na parang sinasabi sa'king "anong hiling mo sinta?"
At isa lang ang isinigaw ko "sana lahat ay maging okay na!"Tama. 'Yon ang hiniling ko.
Tama. Ang hiniling ko lang ay mag-kaayos na tayo
Hindi ko hiniling na "sana magustuhan mo nalang rin ako"Kaya naman dahil doon ay aking napagtanto
Hahimala ang maging tayo
At dapat na akong makuntento-Code no. 1