Chapter 1

512 6 0
                                    

Nathalia's POV

Nakatayo ako habang pinagmamasdan ko yung crush ko na nakaupo sa ilalim ng puno. Nasa field kami, nakaupo ako sa bench habang siya naman ay nasa damuhan. Malayo yung pagitan namin, baka kasi mahalata niya ako na tinitignan ko siya.

"Wag mo titigan baka matunaw yan" bulong ng besrfriend ko sa tenga ko. Tinignan ko naman siya ng masama habang umuupo siya sa tabi ko. "Oh, kumain ka muna" sabi niya at binigay sakin yung burger na hawak niya. Kinuha ko naman ito at nakanguso kong kinain. Nakakainis kasi siya, seryoso ako sa pagtanaw sa poging crush ko tapos biglang sisingit si gago.

"Ayusin mo nga yang nguso mo! Hihilain ko yan eh!" Pasigaw niyang sabi sa akin. Si Alexander yung tipo ng lalaki na walang arte, ang swerte ko nga simula ng dumating siya sa buhay ko. Lagi siyang nasa tabi ko tuwing malungkot ako at Lagi rin niya akong pinagtatanggol sa mga bully rito sa school. Kaya kahit na ganiyan yan mahal ko yan bilang bestfriend ko.

"Tumigil ka jan! Epal ka kahit kelan eh." Sabi ko habang masamang nakatingin sa kaniya. "Salamat pala dito" saad ko na tinutukoy yung burger na kinakain ko ngayon.

Hindi kami mayaman, hindi kami mahirap. Sakto lang, kumbaga 'may kaya' sa madaling salita. Pero hindi lahat kaya ng pamilya ko. Oo nga at sa private school ako nagaaral. Dahil lang naman yan sa scholarship na nakuha ko. Yung pamilya nila Alexander mayaman, kaya nga ang swerte niya dahil lahat ng gusto niya nakukuha niya. Kaya lagi kong pinapaalala sa kaniya na magsikap siya magaral para hindi nasasayang yung perang pinaghihirapan ng magulang niya.

Natanaw ko naman si Rex na tumayo sa pagkakaupo niya sa damuhan kaya dali dali akong tumayo at hinila si Alexander sa kamay.

"Dalian mo Alex! Hindi natin siya maaabutan!" Mahinang sigaw ko kay Alex habang hinihila ko siya. Nakita ko naman si Rex na lumabas ng campus. Uuwi na siguro to, magdidilim na rin kasi. Kaya binagalan ko na ang paglakad ko.

"Ehem! Baka gusto mo ng bitawan kamay ko Nat? Abuso ka na ha" nakangising sabi ni Alex sa akin kaya dali dali ko namam binitawan kamay niya at kinurot siya sa tagiliran. Napangiwi naman siya sa sakit.

"Kapal ng mukha mo. Kagigil ka ha. Balaka nga jan. Uuwi na ako. Ingat ka" sabi ko at tumalikod na. Magsasalita pa sana siya pero tinaas ko yung kamay ko, ibig sabihin nito wag na siyang magsalita.

Naglakad ako palabas ng campus at dahan dahan tumawid sa pedestrian lane. Magaabang na ako ng jeep pauwi sa bahay namin.

Habang nagaabang ako may tumabi sa akin na tatlong babae, naririnig ko silang nagkukwentuhan. Kesyo ang saya daw sa dummy, marami ka daw makikilala na iba't ibang ugali, at higit sa lahat marami ka daw pwede makarelationship. Nagulat naman ako doon dahil parang ang dali lang sa kanila na pumasok sa isang relasyon.

Nang may huminto na jeep sa harap ko sumakay na ako, sumakay rin yung tatlong babae na nagkukwentuhan. Tahimik lang ako sa gilid at tinatanaw yung bawat bahay na madadaanan namin. Nagkukwentohan parin sila, kaya nakinig na lang ako.

"Sobrang saya talaga sa dummy girl, makakalimutan mo yung mga problema mo. Kasi wala kang ibang iniisip kundi ang kasiyahan lang. Kaya kung ako sa inyo itatry ko pumasok sa pekeng mundo" napaubo naman ako sa narinig ko. Wtf, pekeng mundo? Pauso puta. Ano naman yun? Parang tanga lang. Pekeng mundo tapos tunay na mundo? Yak naman.

Napaayos naman ako ng upo ng sabay sabay nila akong tinignan. Dahil yata sa pag ubo ko kaya tinignan nila ako. Para kasing tanga, sino hindi mapapaubo don. Pekeng mundo? Watdapak.

"Para po manong!" Medyo malayo pa ako sa kanto pero pumara na ako dahil sa hiya na naramdaman ko. Pagbaba ko ng jeep naglakad na ako papalapit sa kanto namin. Nadaanan ko pa yung bakery na puro mamon yung tinda, paborito ko yan eh. Kaso wala na akong pera kulang pa nga ng piso pamasahe ko mabuti na lang at hindi binilang ni manong yung barya na binayad ko.

Binilisan ko na lang yung lakad ko para hindi ako matakam sa mga mamon na nasa bakery, bukas na bukas bibili ako jan. Kingina niyan. Habang naglalakad ako napaisip ako sa pekeng mundo. Masaya ba talaga doon? Paano kung subukan ko? Napailing na lang ako sa iniisip ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa gate ng bahay namin. Kaya binuksan ko ito at pumasok sa loob. Sinalubong naman ako nung dalawa naming aso na nangangalang hot dog at noodles. Hindi ko ba alam sa ate ko bakit ganiyan pangalan nila.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at nagmano sa papa ko. Nanunuod siya ng tv kasama yung ate at pamangkin ko. Para akong invisible sa lagay ko, walang pumansin sa akin. Hindi na bago iyon, sanay na sanay na sanay na ako.

Umakyat na ako sa kwarto at binaba yung bag ko sa kama. Nagbihis na ako ng pambahay at nahiga saglit. Magpapahinga lang ako ng ilang minuto. Napagod ako ngayong araw na to.

Hindi mawala sa isip ko yung pekeng mundo na sinasabi nila, should i try it? Wala naman mawawala kung itatry ko to. Pagkatapos ko na lang kumain at gagawa agad ako ng pekeng facebook account ko.

Sa sobrang atat ko, bumaba ako at mabilis na kumain. Sakto naman at nakabukas ang wifi kaya inon ko ang wifi sa cellphone ko. Pagkatapos ay gumawa na ako ng account. Nakita ko naman na puro WP ang surname nila dito. Kaya add lang ako ng add. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas marami na rin nag add sa akin. Kaya ako tong si gaga accept lang ng accept.

------------------*

Sorry sa mga bad words. Ganiyan talaga ako. Kung ayaw mo sa bad words di naman kita pinipilit na basahin tong story ko. Thank you

My Dummy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon