Chapter 2

329 4 0
                                    

Nathalia's POV

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung gumawa ako ng dummy account ko. Masasabi ko na masaya nga doon at mailalabas mo lahat ng problema mo na walang sinuman ang manghuhusga. Marami akong nakilala roon at kapatid ang turingan namin sa isat isa.

"Miss Judger! Kanina pa kita tinawag ano ba yang iniisip mong bata ka!" Sigaw ng teacher namin kaya dali dali akong tumayo at tumingin sa kaniya. Lahat tuloy ng kaklase ko bumubungisngis at nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin.

"Sorry ma'am" nakayuko kong sabi at kinagat ko ang pangibaba kong labi.

"Ma'am masakit daw po kasi pakiramdam niya" singit ni Alex, napatingin naman ako sa kaniya at sinipa ko ang paa niya. Magkatabi lang kasi kami. In short seatmates kami.

"Ganon ba, go to the clinic Miss Judger. Mister Salonga samahan mo siya" ani ng Teacher namin. Kinindatan naman ako ni Alex sabay hinila palabas sa room. Nang nasa labas na kami hinila ko ang kamay ko at tinignan siya ng masama.

"Bakit mo naman sinabi yun?!" Pasigaw ko na sabi sa kaniya at masama siyang tinignan.

"Kung hindi ko gagawin yun masesermunan ka lang at mapapahiya sa mga classmates natin" masungit na sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama, napangisi naman siya at inakbayan ako. Hinila niya ako palayo sa room namin.

"Saan mo naman ako balak dalhin niyan?" Tanong ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay niya sa balikat ko.

"Sa canteen. Libre kita, wag mo nga alisin braso ko sa balikat mo!" Sabi niya at kinutusan ako sa ulo. Grabe tong lalaking to bakla ata ang gago.

"Aray ko naman!" Sigaw ko at siniko siya sa tagiliran, napangiwi naman siya pero tumawa rin ito.

Pagdating namin sa canteen lahat ng mata ng mga studyante nasa amin. Paanong hindi sila titingin naka akbay sakin tong si Alex, baka akala nila jowa ko to. Tsk tsk.

"Alex alisin mo na yang kamay mo, gigil ko na ako" bulong ko sa kaniya habang tinitignan yung mga studyante na nakatingin sa amin.

"Hayaan mo nga sila" Nakangiti niyang saad at nilagay ang kamay niya sa bewang ko at mas lalo niyang nilapit ang katawan ko sa katawan niya. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kaniya, uminit rin yung pisngi ko. Watdapak is going on with you Nathalia?

Hinila na niya ako at pumila na kami para magorder ng kakainin namin. Palabok at Coca cola lang inorder namin. Nakakahiya naman kung yung mahal pa ang pipiliin ko, libre na nga lang ih. Hihi

Naglakad kami palabas ng canteen para maiwasan yung mga masasamang tingin ng mga studyante, sino nga naman hindi mapapatingin samin kung ang ultimate crush ng school ay kasama ko, at ang malala pa ay nakaakbay sa akin.

Habang naglalakad kami patungo sa field napatingin ako kay Alex na seryosong nakatingin sa dinadaanan namin. Pogi si Alex at ang swerte ko dahil naging bestfriend ko siya, hindi naman siya mahirap magustuhan dahil gentleman siya at higit sa lahat may respeto.

Nagulat ako nang may tumama sa ulo ko at natumba ako sa damuhan. Natapon tuloy sakin yung palabok. The heck wala akong extra uniform.

"Miss sorry" mahinang sabi ng lalaking nakatayo sa harap ko. Hindi ko siya matignan dahil nahihilo ako, ang lakas ng pagkakatama sa ulo ko baka magkabukol ako nito.

"Gago ka pala pre eh!" Sabi ni Alex at narinig ko na lang na parang may sumuntok. Napatingin naman ako ar nakita ko si Rex na nakadapa sa damuhan, nagulat ako dahil hinarap siya ni Alex at kinwelyuhan ito.

"Hindi ka tumitingin! Masyado kang pabibo ulol!" Sigaw ni Alex sa mukha ni Rex, sa inis ko tinulak ko si Alex at tinulungan tumayo sa Rex, yung ultimate crush ko sinuntok ng walang hiyang Alex!

"Rex okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko at tinignan yung putok niya labi. Hindi ko na pinansin yung itsura ko, wala akong pakialam. Ang mahalaga okay lang si Rex.

"Huwag mo nga ako hawakan, di tayo close" sabi ni Rex at inalis ang kamay ko na nakahawak sa may panga niya. Napaupo naman ako dahil sa pagkakatayo niya at natulak niya ako ng bahagya.

"Pahiya ka na naman Nat? Ikaw na tong pinagtanggol ako pa yung nagmukhang masama sayo" masungit na sabi ni Alex sa akin habang tinitignan ako.

"Sana hindi mo na lang siya sinapak diba!" Sigaw ko sa kaniya at tumingila para makita ko siya. Nakakainis lang kasi bakit kailangan pa niyang suntukin si Rex kung pwede naman kausapin ng mahinahon.

"Sus pagtatanggol mo na naman yon, siya na lang lagi nakikita mo." Sabi niya at tinulungan ako tumayo, inalis ko naman yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako! Bwiset!" Sabi ko at tinalikuran siya. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin, dumeretso ako sa CR para maghilamos at tanggalin tong bihon sa ulo at katawan ko. Mukha silang bulate na nakasabit sa akin kaya natatakot ako.

Habang naghihilamos ako may pumasok naman na grupo ng kababaihan at tinignan ako ng masama. Grabe sila ha, ganda kayo teh? Ganda kayo? Nyeta.

"Kapal rin ng mukha mo Nathalia no?" Mataray na tanong sakin na pumuputok ang labi sa sobrang pula ng lipstick nito. Nagtaka naman ako, kaya tumingin ako sa likod ko kung ako ba ang kausap nila.

"Ako ba? Makapal naman mukha ng mga tao ah? Yung sayo kasi make up ang makapal" nakangiti kong sagot sa kaniya. Nakita ko naman na nainis siya sa sinabi ko dahil napairap ito.

"Noong una si Alex lang nilalandi mo, tapos ngayon si Rex na? Landi mo rin eh no?" Nangaasar na sabi niya sa akin habang papalapit ito. Ako naman na medyo natakot sa mukha niya umaatras ako.

"Hala teh wala akong nilalandi" inosenteng sabi ko. Totoo naman eh, hindi ko naman sila nilalandi. Bestfriend ko si Alex habang si Rex naman crush ko lang. Tss

"Maang maangan ka pang malandi ka!" Sigaw niya sakin sabay sinampal ako ng pagkalakas lakas. Natikman ko naman yung dugo sa labi ko. Shit.

"Wala akong ginagawang masama!" Sigaw ko sa kaniya at medyo naiiyak na akom habang ang mga alipores naman niya tumatawa lang.

"Lumayo ka na sa kanila Nathalia kung hindi, di lang yan ang aabutin mo" sabi niya at tumalikod na sa akin at malanding naglakad palabas ng CR.

Ako naman tong si gaga napaupo na lang sa sahig at napaiyak na lang sa sinapit ko. Sakit ng pisngi ko putaness. Wala naman akong ginagawa eh. Grabe sila.

My Dummy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon