Chapter 3

436 2 3
                                    

Nathalia's POV

Paguwi ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame at inaalala ang mga pangyayaring nangyari kanina. Nakakashookt lang. Wala akong ginagawang masama pero nangyari sa akin yun. Mga hayop sila. Sarap nila gantihan pero mali kasi ang pag ganti. Hahayaan ko na lang muna sila, may araw rin sila sakin.

Habang nakatingin ako sa kisame naramdamam kong nagvibrate yung cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan ito. Nakita ko naman na nagtext si Alex sakin.

From: Alex

Nat nakauwi kana? Bakit bigla kang nawala kanina? Nagaalala na ako baka may nangyari na naman sayo. Text back.

Hindi ko siya pinansin at nagbihis na lang ako ng pambahay. Pumasok naman sa isip ko yung Dummy account ko. Ano na kayang nangyari dun? Miss ko na mga kaibigan ko na siraulo sa pekeng mundo. Kaya binilisan ko ang pagbibihis at bumaba ako para mahagip ng phone ko ang signal ng wifi.

Nang buksan ko ang Dummy account ko ang daming friend request at messages. Pati notification sumasabog sa dami. Nakakatuwa naman dito, feeling ko kasi may kwenta akong tao. Hakhak. Binuksan ko ang friend request at inaccept lahat ito pero may isang lalaki ang naka agaw ng atensyon ko. Siya ay si  R'Aced Chaser. Ilang segundo kong tinitignan ang dp nito, alam ko naman na hindi talaga siya yan pero kasi ang pogi nung pictures bes! Yummy hehe.

Pero maya maya nagmessage ito. Nag Hi siya. Ako naman nag hello ako. Nagtuloy tuloy lang ang paguusap namin. Umabot kami ng madaling araw dahil nakakaengganyo siya kausap. Sana imessage niya pa rin ako sa susunod na araw.

Nagising ako sa ingay ng Papa ko. Kinakalampog niya yung pinto ng kwarto ko. Nakngtokwa ang aga pa!

"Taling gumising kana jan! Tanghali na! Sabihin mo lang kung dika papasok para di na kita bigyan ng baon!" Sigaw ng Papa ko habang kumakatok sa kwarto ko kaya ginawa ko tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. Kung hindi ko lang Papa to baka tinadyakan ko na to sa hagdan.

"Papasok ako Pa, iwan mo na lang sa lamesa baon ko" sabi ko at tinalikuran siya para kunin ang tuwalya na nakasampay sa hagdan ng Doble Deck namin. Maliligo na ako. Malelate na ako, anong oras na pala.

**********
Habang nagaabang ako ng jeep binuksan ko ang data ng phone ko. Makapagmessenger muna gamit ng Dummy Account ko. Panigurado nagchat na si Ace sakin hihi.

At tama nga ako nag chat siya, nag good morning lang naman siya with emoji na kiss nakakakilig. Habang nagbabasa ako ng messange niya may bumusina sa harap ko tinignan ko naman ito at si Alex pala. Nakasakay siya sa Kotse niya.

"Nat sabay kana sakin malelate ka na oh. Magseseven na" anyaya niya sakin pero ako tong si gaga inirapan lang siya at naglakad palayo sa kaniya. Pero ang kulit talaga niya, pinaandar niya ang kotse niya at sinundan ako.

"Nat tara na! Parang tanga naman to" abat, minura pako. Diko siya pinansin at mas binilisan pa ang lakad ko. Bahala siya sa buhay niya manigas siya kakasunod bwiset siya. Pagkatapos niyang sapakin si Rex kahapon.

"Sige bahala ka jan. Sana may humintong puting Van sa harap mo at kuhanin ka ng mga lalaki tapos bubuksan yang tiyan mo at kukuhanin yang laman loob mo tapos ibebenta nila. Yang katawan mo naman isasako nila at itatapon sa ilog. Tapos mababalitaan na lang namin na patay kana at makikita ang katawan mo sa ilog na inuuod" mahabang sabi niya. Napatigil naman ako sa paglalakad at tinignan siya, dali dali akong sumakay sa passenger seat at yumakap sa braso niya.

"Tangina ka Alex paandarin mo na! Pag ako nakuha ng nangunguha ng bata gago ka" mangiyak ngiyak na sabi ko sa kaniya at pinaghahampas siya sa braso. Siya naman tumawa lang at pinaandar na ang kotse. Siraulo talaga.

"Nat nageenjoy ka ba sa braso ko at ayaw mo ng bitawan?" Nakangising sabi ni Alex habang nagmamaneho. Nagulat naman ako sa sinabi niya at tinignan siya, tangina bat nakayakap ako sa braso nito? Leche

"Kapal ng mukha mo" sabi ko at lumayo sa kaniya. Tumingin na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin. Malapit lang naman ang school kaya nakarating kami agad. Pagpark ng kotse niya bumaba agad ako dahil nakita ko Rex naglalakad papasok sa gate.

"Rexxxx!" Sigaw ko at tumakbo papalapit sa kaniya. Hihingi lang ako ng tawad sa nangyari kahapon. Narinig ko naman si Alex na tinawag pangalan ko pero diko siya pinansin.

"Rex sorry ulit sa nangyari kahapon" nakatungong sabi ko habang sinabayan siya maglakad papasok sa campus. Hindi siya umimik pero binilisan niya lakad niya. Hindi ko na siya hinabol dahil wala naman ako sa lugar. Hayst.

"Nat" alam kong si Alex yan kasi siya lang naman tumatawag sakin ng ganiyan. Hindi ko siya kinibo at tinignan. Hinawakan niya ako sa balikat at ginulo buhok ko.

"Huwag mo na habulin yun Nat, di siya worth it" seryosong sabi niya at nginitian ako. Inirapan ko lang siya at siniko sa tagiliran.

"Wampake Alex kras ko yun. Magiging akin din siya" sabi ko medyo tinulak siya dahil kinilig ako mismo sa sinabi ko. Natahimik naman si Alex kaya tinignan ko siya. "Anyare sayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, sige una na ako" sabi niya at naglakad palayo sakin. Tinignan ko lang siya habang papalayo siya sakin. Wala akong ginagawang masama ah. Napano kaya yun? Naglakad na lang ako papunta sa classroom namin. Late na ako shit.

Dahan dahan akong pumasok sa pintuan ng room namin. Nagsusulat sa board si Sir, sana di niya ako mahalata shettttt. Diko naman napansin yung plastic bottle na walang laman sa sahig kaya naapakan ko tom pag minamalas ka nga naman. Napangiwi na lang ako at lahat sila dahan dahan na tumingin sakin.

"Ahh g-good morning Sir" napakamot ako sa ulo habang binabati siya. Kalma lang Sir wag kang sisigaw. 1 2 3 4----

"Bakit late ka Miss Judgerrrr!!!" Napapikit na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko dahil sa sigaw ni Sir. Tangena namannnnn.

"A-ano kasi Sir may ano dun sa ano kaya ano na ano ko sir" kamot ulong sagot ko sa kaniya. Jusko anong sinabi ko. Patay na.

"Anong na ano mo?! Puro ka na ano! Sit down!" Sigaw na naman niya. Makasigaw naman tong kalbo na to bwiset. Kaltukin ko sa bumbunan to eh. Nakakaputa. Nagtawanan naman mga kaklase ko kaya mas lalo akong nahiya. Jusmiyo.

Agad din naman natapos ang subject na yon kaya lumabas ako saglit sa room namin. Toxic sa bwiset na room na yon puro landiannnnn. Nagtutukaan jusko. Habang nakasandal ako sa pader namin at nakapikit ako may pumitik sa noo ko. Kaya napadilat ako sino naman ang sirauling pumitik sa noo ko. Nakng

"Lalim ng iniisip Nat ah" natatawang sabi ni Alex. Kung di ko lang bestfriend to baka sinapak ko na to.

"Lumayas ka nga jan" sabi ko sa kaniya at umupo sa sahig.

"Harsh mo naman sakin Nat" malungkot na sabi niya. Diko siya pinansin pero naupo siya sa tabi ko.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kaniya. Tss. Ano na naman kaya plano netong ugok na to?

"May sasabihin ako Nat" dahan dahan niyang sinasabi sakin yan habang inaakbayan ako. Napatingin naman ako sa seryoso niyang mukha at nagtaka. Ano bang nakain nito.

"Ano?" Clueless na sabi ko.

"G-gusto k-----" natigil siya sa sasabihin niya ng inalis ko bigla ang braso niya sa braso ko. Si Rex kasi paparating jusko. Bat ang pogi niyaaaa? Para siyang anghel na pinadala dito sa lupa para maging Boypren ko. Hihi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dummy BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon