O37 | narration

1.3K 47 13
                                    

lee felix.

well since madali lang yung dare, joke hindi talaga madali yun! bwiset naman talaga si jeongin eh! pero hindi na talaga ako nagdalawang isip na pumunta sa kanya since wala namang choice eh, lalo pa ako nila pipilitin kapag hindi ko ginawa diba?

agad ko namang hinawakan yung kamay niya nawalang pasabi-sabi para swag. ay hindi nga pala ako si suga sunbaenim noh? lakas ng trip ko.

hindi ko naman namakayan na ki init pala sa pwesto nila. aba pinapawisan na ako hindi ko naman matanggal yung kamay ko sa kamay ni sohyun eh sasabihin nila sakin hindi ko daw ginagawa yung dare.

mga ilang minutes naman ay nakita ko na pawis na pawis na din si sohyun. walanjo talagang pwestong ito ki init. oo nga, pawis na pawis na si sohyun pero wala parin akong ginagawa dahil hindi ako makakaalis dito pero parang nararamdaman ko na nahihirapan ng huminga si sohyun at— nahimatay siya.

"guys si sohyun!" sigaw ko at tumigil naman sila sa paglalaro at napatingin sila kay sohyun. "felix dalhin mo siya sa kwarto niya." utos naman ni chan hyung. "eh saan ba?" tanong ko. "Basta yung unang kwarto sa second floor." sagot niya at tumango ako. binuhat ko siya ng bridal style. at dinala ko siya sa kwarto niya at sumunod naman sila.

( a/n: lakas mo kay sohyun, felix! ako hindi maganyan ganyan ni hyunjin. hayst, qiqil si acoe! charot. )

pagkabukas naman ay namangha ako sa kwarto niya. maimis at color blue halos lahat ng bagay sa loob. inilagay ko siya sa kama niya at tiningnan yung kwarto niya. "uy may picture ni felix dito!" sabi naman ni seungmin at napatingin naman ako dun sa lamesa niya. oo nga picture ko nga nung pinost ko sa facebook ko.

pero nagtataka talaga ako kung bakit siya nagprint ng picture ko.

pumasok din naman si chan hyung na may dalang palanggana na may malamig na tubig at towel. ano may sakit lang ang peg? at pinunasan naman niya ang braso at noo ni Sohyun. "mainit talaga sa pwestong yun eh." sabi naman ni chan hyung at tumango kaming lahat.

hindi naman namin namalayan na mag hahating gabi na kaya dun muna kami nagstay sa kwarto ni sohyun. mag te-twelve na kaya mamaya-maya ay magchachat na ulit yung ateng bang na yun.

STALKER. felixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon