Chapter 9

53 3 0
                                    

Khielle POV

Lumipas ang isang linggo ng hindi ko namamalayan. At yung King na yun, nangungulit pa rin sa akin, walang sawa. Kesyo pinagyayabang sa akin na swerte daw ako kase siya pa lumalapit sa akin, like duhh.. hindi ko siya sinabihan na lapitan ako. Naturingan na SSG Pres pero makaasta ganun. Ano kaya pangalan nun..

Sabado ngayon at may usapan kame nila kuya na pupunta kame ng Mall kasama ang mga pinsan ko.

Lumabas na ako ng kwarto upang magtungo sa kusina at ng makapag breakfast na. Pagkadating ko sa kusina inabutan ko doon sila Kuya Brix kasama sila Lolo at Mommy. Nakalabas na pala si Lolo ng Hospital kahapon lang, okay naman na daw ang lagay niya.

"Good morning" agaw ko sa atensyon nila. Lumingon naman agad sila sa akin at ngumiti. Isa isa akong lumapit sa kanila upang humalik sa pisngi nila.

Naupo ako sa lagi kong pwesto dito at kumuha na ng pagkain, maya maya pa ay may narinig akong dumating.. sabay sabay kame na lumingon doon at nakitang ang mga pinsan ko pala.

"Good morning po." Sabay sabay na bati nila.

"Good Morning din mga apo, kumain na ba kayo? Halina kayo at kumain kayo." Sabi sa kanila ni lolo; agad silang pumwesto sa mga bakanteng upuan at nagsimula na rin na kumain.

"Oo nga pala, mommy, daddy at lolo. Aalis po kame mamaya nila kuya at ng mga pinsan ko." Sabi ko sa kanila, hindi naman na sila nagtanong pa dahil alam naman na nila kung ano ang dahilan.. like what we are before.

Pagkatapos namin ay agad na kameng nagsigayak at naghanda sa pag alis. I wear simple v-neck shirt at pants para komportable naman ako sa paggalaw mamaya. Lumabas agad ako ng kwarto at nakita ko sila na nakaayos na na rin at mukhang ako na lang ang inaantay.

"Yan na pala si Ielle, tara na" sabi ni kuya Van, kinuha naman ni Kuya Brix ang bag na dala ko.. Iisang sasakyan lang ang gagamitin namin, para naman daw maenjoy talaga ang bonding, actually they are planning na after namin mamili sa Mall, we will go to Baguio.

Habang nasa biyahe papunta ng mall, masaya lang kame na nagkukwentuhan. Si kuya Brix ang nagdrive kahit ayaw niya ay wala na siyang nagawa. Sa harap din nakaupo si Kuya Van.

**

Nang makarating kame sa mall, ang mga mata ay nasa amin. Lahat sila ay nakatingin sa amin,

Ang ganda naman nung kasama nilang babae..

Oh my gee.. ang gwapo nila mga bes.

Swerte ni ate girl..

Ilan yan sa mga naririnig ko, may mga naririnig pa ako na tumatawag kila kuya Brix, siguro ay taga LA(Lim Academy) din sila.

Nagpunta kame sa supermarket para mamili ng mga snacks namin mamaya sa biyahe at saka pagkain na rin pagdating doon.

"Uy.. sungit, Hi" biglang may nagsalita, at sa tawag pa lang na iyon alam ko ng siya yun. Hanggang dito ba naman, wala ba talagang kasawaan itong lalaki na toh. Kasama ko sila kuya at ang mga pinsan ko ngayon eh..

"Uy.. Vonn pare, kamusta" sabi ni kuya Angelo.. So Vonn pala ang name niya, bakit niya kaya ayaw ipaalam ang name niya? Eh kasing gwapo niya rin naman ang pangalan niya... wait!!
Anong sinabi ko??? GWAPO?? Oh my gee.. Khielle.. what happened to you.

"Uy. Sungit.. iniisip mo na naman ako noh?" Sabi niya sa akin na dahilan upang bumalik ako sa ulirat.

"Kapal ng mukha mo!" Sabi ko sa kanya sabay talikod, nauna na akong maglakad. Nagkukwentuhan pa sila doon.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ng kasunod ko na ulit sila kuya. Agad silang sumabay sa paglalakad ko at kumuha ng mga pagkain.

"Bunso.. hindi mo naman sinabi sa amin na close mo pala si Vonn, crush mo pa daw siya.. ikaw ha" nagulat ako sa narinig ko kaya't agad kong hinarap si Kuya Angelo.

"What?? No way!! Yong lalaki na iyon? Si King? Hindi ko close yon at mas lalong hindi ko crush yon!" Pasigaw na sabi ko sa kanila, lalo pa akong nainis ng tinawanan nila ako.

Iniwan ko sila doon dahil sa inis ko, ang kapal talaga ng mukha nung lalako na iyon! Bwisit siya.. wala talaga siyang magandang nagagawa kundi ang guluhin ang buhay ko.

Nauna akong lumabas ng supermarket, bahala sila doon! Naglakad lakad muna ako saglit, nakita ko yung DQ, natakam naman ako bigla.. agad akong bumili at sinimulang kainin iyon habang naglalakad, pantanggal inis ko talaga ang Ice Cream.

Ilang minuto din ako na naglakad lakad bago tumawag sa akin si kuya Brent at sinabing tapos na daw silang mamili, pinuntahan ko agad sila dahil kailangan na daw namin magbiyahe.
Nagkita kame sa malapit sa Exit, natanaw ko sila na nag aantay doon habang bitbit ang 5 plastic na naglalaman ng mga babaunin namin sa biyahe at pagdating doon.

Nang marating ko sila ay agad na kameng lumabas upang bumalik sa sasakyan, hindi ko sila pinapansin dahil naiinis pa rin ako sa pambibwisit nila sa akin kanina. Kung ano man ang iba pang sinabi ng letseng King na iyon.. Humanda siya sa aking bwisit siya.

Agad akong pumwesto sa dulong bahagi ng van at nagsuot ng earphone at pumikit para hindi na nila maabala pa. Hindi naman na nila ako kinukulit, siguro ay alam na nila na naiinis ako sa kanila.

Pinili kong matulog muna dahil mahaba pa naman ang aming biyahe. Tinignan ko muna sila saglit at nakitang nagkukwentuhan pa rin sila, agad akong sumandal sa bintana at ipinikit ang aking mata....

She Is The HeirWhere stories live. Discover now