Khielle POV
Mabilis na natapos ang araw ng Linggo.. at ngayon ay ang unang araw ng pasukan. Sinabay ako ni Kuya Brix sa kanyang Ferrari hanggang sa makarating kame sa school at ang mga pinsan ko naman ay nakasakay sa kanya kanya nilang sasakyan.
Kyaahh Oh my ghad.. ayan na naman sila..
Brix... akin ka na lang..
Ilan yan sa mga bumungad ng papasok na kame ng school.. nakasunod lang kase ako sa kanila.. sikat pala silang lahat dito,.. sabagay, lahat sila gwapo.. syempre naman, nasa Lahi yata namin hahaha
Nakarating kame sa office para kuhanin ang schedule ko.. mag kaklase pala kame ni Dexter, buti naman at ng may kakilala ako.
Mamaya pang 9 ang klase namin ni Dexter, Samantalang sila ay may klase ng 8 kaya kame na lang ni Dex ang magkasama ngayon.. English ang unang subject namin mamayang 9.
"Behave ha, don't do anything na may maghihinala sayo." Bulong sa akin ni kuya Brix then nagpaalam na sila na pupunta na daw sila sa room nila.
Nagpalipas muna kame ng oras ni Dex sa isang garden. Nagkwentuhan lang kame ng kung ano ano, we are at the same age.. matanda lang sya sa akin ng 2 buwan. Nang malapit na mag 9 nagdecide na kame na pumunta sa room.
"Good Morning Class.. I am Mrs. Manalili.. your professor in ENG 001." Pakilala sa amin ni ma'am pagkapasok nya sa room. Inisa isa nya lang din kame na magpakilala. Tinitingnan ko lahat ng nagpapakilala, mahahalata mo sa kanila ang pagkakaiba iba ng kanilang mga ugali... ng ako na ang magpapakilala, agad akong tumayo at nagpakilala sa harap.
"Khielle Devonie Marqueza, 17 years old." Maikling pakilala ko at saka naupo...
Lumipas ang isa't kalahating oras ng klase. Ang susunod naming klase ay ang ART 001.. o Art, Man and Society. Sa klase na iyon, ang aming professor ay si Mr. Nelson.. nagpakilala lang din kame hanggang sa mag Ring ang bell na hudyat ng Lunch Break..
"Tara na Ielle dun sa cafeteria, baka inaantay na nila tayo dun." Anyaya sa akin ni Dex. Tumango lang ako at sumunod na sa kanyang maglakad.
"Pst.. Dexxxx.. Ielle... dito kayo" may narinig akong tumawag sa amin. Agad naming hinanap at nakita naming sila kuya Van.. magkakasama sila sa table nila na may dalawa pang bakante.
Girl.. look, bakit sila tinawag nila papa Van..
Oo nga sino ba yung girl na yan?
Kebago bago pa lang lumalandi na sa grupo nila..
Another bitch na nagpapapansin sa grupo nila Brix..
Humanda siya sa atin..
Inakbayan ako ni Dex at binulungan na wag ko na lang pansinin ang mga naririnig ko. Naglakad na lang kame papunta kila Kuya. Buti na lang at mahaba pasensya ko..
"Princess, inorder ko na yung paborito mo.. ikaw din Dex, andyan na pagkain mo." Sabi ni kuya Klein. Nasa pagitan ako ni Kuya Klein at Kuya Brix umupo.
**
Pagkatapos namin kumain, nagkwentuhan lang kame saglit at nagpasya ng pumunta sa kanya kanya naming classroom dahil 1:30 lang ang susunod na klase.
"Mamayang hapon after class, sa training house tayo." Pahabol na sabi ni Kuya Brix na sinang ayunan naman naming lahat.
Habang naglalakad kame ni Dex dahil magkaklase na naman kame, itinuturo niya na rin sa akin ang bawat building dito sa Academy.. may High School din naman dito.
Pagkadating namin sa room, like the usual happening in the first day of class.. puro "Introduce yourself" lang..
***
After 3 hours, we can go home na.. sabay kame na naglakad ni Dex papunta sa parking dahil nandun na daw sila kuya Brix.
"Princess, tara na. Sakay na.. you need some warm up haha" bungad sa akin ni kuya Brix. Agad naman akong sumakay sa ferrari niya at mabilis na nagdrive papunta sa training house daw. I haven't been there, kase bago lang daw yun.
After I think 30 mins, we arrived at a house that I think looks normal in the outside but when you get inside, it is like a training ground... And yes, I am going to train with them, we always do training before when I am still here in Ph and also when they go in Korea. Bumungad sa amin ang mga guards na nagbabantay at agad kameng pinagbuksan.
"Okay, princess now start your training. I will be the one na magtetrain sayo." Kuya Brix said.
Bago pa ako magsalita, agad na siyang sumugod na agad ko naman naiwasan. Kumuha siya ng katana na gagamitin niya, at ganun din ang ginawa ko.
After ng palitan namin ng atake, we decided to take a break muna.
"Bunso, mukhang gumagaling ka na ah.. pwede na talaga magmana hahaha" sabi ni kuya Van na tumabi sa amin para uminom."Mga kuya, how's your different group pala? How was it?" Bigla kong natanong sa kanila.
"We have some more members now, as of now wala pa naman gaanong kilos ang mga kalaban namin." Si kuya Brent na ang sumagot.
"Bunso, hindi mo ba papauwiin dito sila Mikee?" Tanong ni kuya Angelo. Haha sila Mikee, they are my best friends in Korea.. Mikee Kim, and Abegail Cortman.
"Ayiee si kuya namimiss na si Mikmik..."
"Oy hindi ah.. natanong ko lang.." biglang sagot niya na halata mong nahihiya dahil namumula siya.
"Naku Gelo.. umamin ka na kase, halata na bro.." pang aasar pa ni kuya Van sa kanya.. Napuno ng asaran ang buong training ground.
**
Pagkadating namin sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko at nag shower ng mabilis dahil super napagod talaga ako ngayon.After ko mag shower, agad kong inilapat ang katawan ko sa aking kama at ilang sandali pa lamang ay napikit na aking mata dala na rin siguro ng matinding pagod kanina....
YOU ARE READING
She Is The Heir
De TodoShe is The Heir (On-going) ---- Try to read and make comments, it is my first time to write story. Thank you - angl_rys ♡