Khielle POV
Oh my g.. nginitian ako ni King..
Kyahh. Am I in heaven...
Mga gagang to.. ako kaya nginitian niya, haha 'isa ka pang assuming' sabi ng isip ko.. ang bad.
"Hoy! Kumain ka na.. masyado kang nag dedaydream dyan." Agad akong nabalik sa wisyo ng marinig ang bose ni Dominic..
Tama na yan Khielle Devonie.. Wag ka masyado pa obvious, saka he said that you're not his type and he is not your type din naman,. And Maybe he has another girl of his dream na. Just act normal, he is not good for you.
*Bzzzzttttt Bzztttt*
Biglang nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Sino naman kaya itong tumatawag na ito.
[Are you in School?] Si kuya Klein pala.
"Mmm.. yes, why.. where are you?" Sagot ko sa kanya.
[We're just having meeting.]
"Meeting about what? Bakit hindi kayo pumasok.."
[No princess, just a little problem in our place. Inaayos lang namin.]
"Sabay sabay? Grabe naman yan. Heh! Don't fool me. Hindi ako ganun katanga para sa mga ganyang bagay."
Sabi ko sabay baba ng tawag niya. Sa lahat ng ayoko yung nagsisinungaling pa eh. Naglilihim pa sila sa akin,..
"Hey.."napatingin ako sa nagsalita at si King pala.
"What?" Mataray na sagot ko dito.
Bakit siya nilapitan ni King...
Huhuhu.. sana ako na lang sya..
Ang swerte naman niya..
"Sungit naman.. sabi nga nila, swerte ka.. kase nilapitan kita." Aba.. talaga nga naman, okay na sana.. gwapo, parang King.. pero King ina sa kahanginan...
"Pwede ba? I'm not in the mood. Don't annoy me." Sabi ko sa kanya sabay tayo at tumalikod na.
Pumunta na lang ako sa park na tinambayan namin ni Dex nung first day ko. Sana andito yung mga best friends ko.. I already missed them.
Pati sila mommy at daddy, sana umuwi na sila...****
Habang nagdidiscuss si Ma'am Edith, prof namin sa History.. nakatitig ako sa kanya pero ang totoo wala akong gana makinig,. Isa pa.. nagtataka kauo kung bakit parang puro minor subjects pa lang ang meron ako ngayon. Kase po next sem pa magkakaroon ng major subjects according sa prospectus na binigay sa akin.
Natapos yata ang klase ng hindi ko namamalayan, haha ako ay talagang lutang ngayon. I don't think makakapakinig pa ako sa next subject ko which is Algebra.
--------
Someone's POV
"Bilang isa sa anak ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tao at ang nag iisang tagapagmana din naman, nais ko sanang ipagkatiwala sayo ang aking apo." Sabi sa akin ng Don ng makausap ko siya dahil nakipagkita ako sa kanya.
"Makakaasa po kayo." Sagot ko naman sa kanya.
"Pero nais ko sana na wag mong ipaalam sa kanya na pinapabantayan ko siya, alam kong hindi siya mababantayan ng husto ng mga taong malapit sa kanya dahil sa kanya kanyang responsibilidad nila." Muling sabi ng Don.
"Makakaasa po kayo na babantayan ko siya sa lahat ng aking makakaya." Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos ng usapan na yun ay binigay niya sa akin ang folder na naglalaman ng mga detalye tungkol sa apo niya. At umalis na siya.
-----
Khielle POV
Agad akong umuwi pagkatapos ng klase. Ipinarada ko ang kotse sa garahe at pumasok na sa loob ng bahay.
"Oh anak andyan ka na pala.. teka at ipaghahanda kita ng miryenda." Tumango ako bilang sagot. Tinungo ko na ang kwarto ko at nagpalit ng damit..
Pagkababa ko, nakita ko sila kuya sa Sala kaya akmang babalik na ako sa kwarto..
"Princess halika na at mag miryenda tayo." Anyaya ni kuya Klein.
"No thanks, bigla ako nawala sa mood." Sagot ko at humakbang na pabalik sa kwarto.
"Si bunso naman eh.. Oo na, nagpunta kame sa Pampanga para tignan yung isa sa mga dapat bantayan dun." Biglang sabi ni Kuya Brix.
"Okay." Sabi ko at tuluyan ng umakyat....
Narinig kong sumunod sila sa akin at sabay sabay silang yumakap sa akin..
"Sorry na bunso, promise sa susunod hindi na kame magsisinungaling sayo." Si kuya Klein
"Oo nga, sorry na.. patawarin mo na ang mga gwapo mong kuya." Sabi ni kuya Angelo.
Natawa ako bigla sa sinabi ni kuya Angelo, kase naman.. okay na sana pero may kasama pang 'gwapo'..
"Oo na.. basta next time mga kuya, wag na magsinungaling." Sabi ko sa kanila..
"Oo promise, tara na at mag miryenda.. alam ko na gutom ka na." Tumango ako at sabay sabay kame na bumaba at nagmiryenda.
Hindi ko naman sila matiis eh... kahit gustong gusto ko na silang sapakin hindi ko magawa haha
YOU ARE READING
She Is The Heir
De TodoShe is The Heir (On-going) ---- Try to read and make comments, it is my first time to write story. Thank you - angl_rys ♡