(A.N- Dedicated ang chapter na ito sa babaeng siyang pinakaunang nagsubmit ng pangalan niya para maging cast dito sa Madugong Kumbensyon. Siya si Carla Borden dito. Also known as @CallMeBiatch former @MsDropItLow on wattpad. So, HI THERE GIRL! Salamat sa patuloy na pagsakay sa mga kabaliwan ko! :D :*)
---
Isang oras na silang nagbabyahe papasok sa isang makipot at bako bakong daanan pero parang walang katapusan ang daanan na iyon. Wala naring mga bahay sa paligid. Tanging ang nagtataasang mga iba’t ibang klase ng puno, halaman at mga ligaw na damo lang ang andun. Napakaliblib. Napakatahimik din ng lugar na tanging ang makina ng van at ang naglalakasang huni ng mga pang-umagang kuliglig at ibon lang ang maririnig. Napakatahimik.
“Anong klase ng lugar ba ‘to Manong? I mean, anong pangalan?” Basag ni Carla sa katahimikan na kanina pa naghahari sa loob ng van.
“Hindi ko nga po alam Ma’am eh! Sinusunod ko lang ho ang direksyon na nasa mapang to.” Sagot ng driver sabay wagayway sa hawak na papel.
“Baka naman mali tong napuntahan natin Manong. Parang wala na kasing magtatangkang magtayo ng convention house dito.” Si Rhenzo na nasa front seat. Nakadungaw lang ang lalake sa bukas na bintana ng van, sinusubukang maghanap ng bahay na mapagtatanungan.
“Hindi Sir! Tama ho talaga ang tinatahak nating daan.” Driver
“Manong, patingin nga muna nung mapa.” Winona
Agad naman na ini-abot ng driver ang mapang hawak hawak nito sa babae. Agad namang sinuri ni Winona ang mapa.
“Ang sabi dito sa mapa, nasa dulo daw ng daan na ito ang convention house. So, guys, relax lang. Aabot din tayo sa dun.” Si Winona na agad na ibinalik ang mapa sa driver pagkatapos itong suriin.
Naghari ulit ang katahimikan sa loob ng van pero binasag ulit iyon ng malakas na tunog ng kumakalam na sikmura ni Clark.
“Ano yun bro? Tiyan mo o utot?” Si Louiji na nakatakip na sa ilong ang palad.
“Gago! Tiyan ko yun! May patakip takip ka pa diyang nalalaman! Ang arte mo!” Si Clark na binatukan si Louiji.
“Haha! Sorry naman bro! Oh ito! Kaen!” Si Louiji na may kinuha sa bag pagkatapos ay inihagis iyon kay Clark.
Agad naman na binuksan ni Clark ang box na inihagis sa kanya ni Louiji.
“Cookies?” Clark
“Oo. Bakit?” Louiji
“Ikaw gumawa?” Clark
BINABASA MO ANG
Madugong Kumbensyon (ON HOLD)
Mystery / ThrillerHuwag mong hayaan na mahuli ka nila! Tumakbo ka! Magtago ka! Iligtas mo ang sarili mo hangga't kaya mo pa! Huwag mong hayaan na maging isa ka sa mga biktima nila!