Kabanata 1- Liham

523 18 17
                                    

(A.N- Dedicated kay @enzoTY or Rhenzo Alcantara na siyang palaging nangungulet sakin na mag-UD na dito. Isa kasi siya sa cast kaya ganun. Hahahaha! So, hi there @enzoTY! Sana magustuhan mo ‘to and sana lage mo pa rin akong kulitin para makapag-UD agad ako. Hahahaha! Pero joke lang. Baka masapak na kita pag ganun. XD)

 

---

International University- Isang unibersidad kung saan nag-aaral ang walong estudyante.

Star section- Ang section kung saan ang walong estudyante lang ang estudyante doon.

Star house- Isang parang mansyon na nasa loob ng unibersidad. Tanging ang walong estudyante lang ang pwedeng pumasok doon. Ang Star house din ang nagsisilbing tirahan ng walong estudyante simula lunes hanggang byernes. Pag sabado at linggo ay nag-uuwian ang walo sa kani kanilang bahay. Ang Star house ay pinagawa ng mga pamilya ng walong estudyante para sa kanila lang.

Star students- Sila ay sina Carla Borden, Kaye Gardiola, Winona Louise Castro, Jewelyn Mansia, Clark Delos Santos, Alfred Dona, Rhenzo Alcantara at Louiji Angeles.

---

Nasa dining area ng star house ang walong star students. Kasalukuyan silang nag-aalmusal nang pumasok ang professor na in charge sa kanila.

“Good morning!” Masiglang bati ni Mr. Tan. Ang in charge sa mga star students.

“How’s your sleep?” Dugtong ni Mr. Tan nung wala siyang matanggap na bati galing sa walo.

“What brings you here Mr. Tan?” Walang ganang tanong ni Carla pagkatapos inumin ang isang basong gatas na iniabot ng personal maid niya.

“Nice question dear. Pumunta lang naman ako dito para dito sa mga dala ko.” Sagot ni Mr. Tan na iwinawagayway pa sa ere ang mga kulay itim na sobre.

“Ano naman yan?” Mataray na tanong ni Kaye na nagsisimula na namang mainis sa baklang propesor.

“Letters!” Mr. Tan.

“Yes. Alam naming mga sulat yan. Hindi kami kasing bobo mo. Ang tanong namin, ano yan? Anong laman niyan? Para san yan?” Si Winona na tuluyan ng nainis sa propesor na nasa harap nila.

“Itong mga letters na to ay pinadala ng isang sikat na grupo sa bansa.”

 

“Grupo ng mga ano? Baka naman grupo ng mga kulto yan?” Si Louiji na nagsisimula na naman sa kanyang mga biro.

“Lols! Naniniwala ka pa pala dun bro? Sabagay! Ganyan naman talaga pag mga galing probinsiya! Hahaha!” Si Clark na humagalpak pa ng tawa.

“Gago! Hahaha!” Tanging nasabi ni Louiji habang binabato ng tatlong malalaking slice ng ham si Clark.

Madugong Kumbensyon (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon