---
Pagkatapos ng sayawan na ginanap sa malaking bulwagan ng malaking convention house ay dumeritso agad sila sa malaking komedor ng convention house sa tulong ng isang lalakeng isa sa mga taga entertain ng bisita. Nagpakilala ito sa kanila kanina at ang pangalan nito ay Henry.
Pagpasok nila sa komedor ay agad ulit na nagsilakihan ang mga mata ng labing anim na star students. Kung kanina ay namangha sila sa malaking bulwagan, ngayon naman ay namangha ulit sila sa napakataas na mesang kainan. May isang daan itong upuan na magkakaharap. Singkwenta na upuan sa kanang parte ng mesa at singkwenta din sa kaliwang parte. Hindi lang ang napakataas na mesang kainan at isang daang upuan ang nakapagpamangha sa kanila, nakaagaw din ng pansin nila ang mga kakaibang disenyong abstrak painting na nakakabit sa bawat panig ng komedor.
Pagkatapos nilang suriin lahat ng gamit at painting ay isa isa na silang nag-upuan sa mga upuan na nasa mahabang mesang kainan maliban kay Beauty at Jewelyn na nakatitig parin sa isang kakaibang painting.
“May napapansin ka ba sa painting?” Mahinang bulong ni Beauty Kay Jewelyn.
“Oo. Kakaiba ang kulay ng painting. Parang...parang—“
“Dugo.”
Parehong nagulat ang dalawang babae dahil sa biglang sumagot sa kanila. Si Henry pala iyon.
“Pero hindi talaga yan tunay na dugo. Mahal ang isang yan kaya siguro parang dugo talaga ang ginamit.” Dugtong ng lalake na nakatitig din sa painting.
“A-ah.” Maikli nilang sagot.
“Sige na. Magsi-upo na kayo at kakain na.” Si Henry na agad silang tinalikuran.
Nagkibit balikat lang si Beauty habang si Jewelyn naman ay sinulyapan ulit ang painting pagkatapos ay sabay na silang umupo. Kasabay ng pagkaka-upo nila ay nagsilabasan na ang napakaraming serbedora na may dala dalang tray ng pagkain.
“Tamang tama! Gutom na ako!” Si Rhenzo na agad na kumuha ng malalaking slice ng ham at hotdog. Siniko naman siya ni Winona na katabi lang niya.
“A-ano?” Utal utal niyang tanong dahil sa malaking ham na nasa bibig niya.
“Nakakahiya ka. Para kang patay gutom.” Bulong na sagot ni Winona sa kanya na halatang naiinis na.
“Eh s-sa gutom a—T-tubig!”
Agad naman na kinuha ni Winona ang juice niya at siya na mismo ang nagpainom nun kay Rhenzo.
“Ayan kasi eh! Ang takaw!” Si Winona na hinahaplos haplos ang likod ni Rhenzo. Nagtawanan naman ang mga serbedora at ang iba pang star students dahil sa nangyari kay Rhenzo maliban kay Jewelyn na marahas na tinutusok tusok ng hawak niyang tinidor ang hotdog habang nakatingin ng masama kay Winona at Rhenzo at kay Alfred na panay ang sulyap kay Jewelyn.
BINABASA MO ANG
Madugong Kumbensyon (ON HOLD)
Misterio / SuspensoHuwag mong hayaan na mahuli ka nila! Tumakbo ka! Magtago ka! Iligtas mo ang sarili mo hangga't kaya mo pa! Huwag mong hayaan na maging isa ka sa mga biktima nila!