(A/N- Dedicated sa makulet na si @GwenMadylinePadilla na si Winona Louise Castro dito sa Madugong Kumbensyon. :) Hi Awi! Uhm... Wala lang! XD)
---
Nakatingala ang lahat ng bagong dating na mga star students sa convention house. Ang lahat ay manghang mangha sa disenyo nito. Hindi lang sa disenyo kundi dahil sa laki nito na parang hindi naman convention house kundi kastilyo.
“Ito na ba yung convention house?” Tanong ni Beauty na katatanggal lang ng shades at headset niya sa kambal niyang kanina pa nakatingala sa convention house.
“Siguro. Sige na. Kunin na natin ang mga gamit natin nang makapasok na tayo.” Si Pretty na agad na bumalik sa van nila. Agad rin namang sumunod si Beauty sa kambal.
“Sis, umuwi nalang kaya tayo?” Beauty
“Bakit?” Tanong ni Pretty na abala sa pagkuha ng mga bagahe nila ng kambal.
“Masama kasi ang kutob k—“
“Ayan na naman iyang pagiging weird mo! Pwede ba Beauty, kahit 2 weeks lang, itago mo muna iyan?” Pretty
“Pero—“ Hindi na naituloy ni Beauty ang dapat sana ay isasagot sa kambal dahil agad na ibinato nito sa kanya ang shoulder bag niya.
“Ilagay mo sa tamang lugar iyang pagkaweird mo Beauty kung ayaw mong mapahiya.” Si Pretty na agad na tinalikuran ang kambal.
Napabuntong hininga nalang si Beauty pagkatapos ay sinimulan na din ang pagkuha sa mga bagahe niya. Pagkababa niya sa van ay sinulyapan niya ulit ang convention house.
“Sana nga, mali ang kutob ko. Sana nga, bunga lang ito ng pagiging weird ko.” Bulong niya pagkatapos ay huminga ng malalim at hinila na ang bagahe niya palapit sa kambal niya.
---
“Seriously? Dito ba talaga tayo mag-i-stay ng 2 weeks?” Si Japs na nakalean lang sa van habang sinusuri ng tingin ang convention house.
“Oo.” Sagot ni Jeff habang humihithit ng sigarilyong marlboro black.
“Parang di ko ata kakayaning magstay dito ng matagal dude!” Japs
“Di mo nalang sana tinanggap yung invitation.” Jeff
“Akala ko kasi, sa isang island tayo pupunta! Tangna! Sa isang liblib na lugar pala!” Japs
“Edi umuwi ka na.” Maikling sagot ni Jeff pagkatapos na itapon ang hindi pa nangangalahating sigarilyo. Pumasok siya ulit sa van at paglabas niya, dala dala na niya ang bag at bagahe niya.
BINABASA MO ANG
Madugong Kumbensyon (ON HOLD)
Misterio / SuspensoHuwag mong hayaan na mahuli ka nila! Tumakbo ka! Magtago ka! Iligtas mo ang sarili mo hangga't kaya mo pa! Huwag mong hayaan na maging isa ka sa mga biktima nila!