Chapter 3- 11:03

183 19 6
                                    

Nakita ko si Justine na nakatalikod at mukhang naghihintay sa labas ng simbahan kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. Akala ko siya lang mag-isa pero nakita ko si Tita na kausap siya sa labas. She's still wearing her wedding gown. Siguro kinausap niya muna   si Justine saglit bago magpatuloy sa reception. Nakita kong nayuko lang si Justine habang kausap ang nanay niya kaya hindi muna ako lumapit.

"You're not answering my calls and my messages. You're also not receiving my packages for you. What's wrong, Justine? Don't you want to study in the States? Your step dad also has a son the same age as you. Don't you think you can get together? Anak, Come with me. Please? You can now stop leaving with your tita Stella." Tita stated and smiled. Umiling si Justine at tinanggal ang pagkakahawak ni Tita sa kamay niya.

"I prefer leaving with them. By the way, Best wishes." He replied. Tumalikod siya sa nanay niya at doon niya ako nakita na nakatayo sa may pader. I saw her mom cried as she watched Justine's back walking away from her. Lumapit siya sa akin at ngumiti. Naglakad na rin kami paalis at hindi na lumingon. Justine just decided to live in our house for good. I'm sure he's pretty uncomfortable to live at his mom's place.

"What took you so long?" Nakarating na kami sa labas ng simbahan. Kumain muna kami ng fishball sa gilid bago tuluyang umuwi.

"I met Blake." sagot ko. Napatigil siya sa pagkain at biglang natawa. Hindi ko alam kung ano na namang trip nito. Kanina umiiyak tapos ngayon tumatawa.

"Ayan, suotin mo pa ang dress na bigay niya. Oh, Anong nangyari?" He grinned. I gave him a glare and he stopped laughing.

"I don't know. Baka iniisip niya na gusto ko pa rin siya 'no. Duh, sa tingin mo pagkatapos ng ilang taon siya pa rin?"  sabi ko at kinain ang fishball.

"Pst, Speaking of the devil." tumango si Justine at ngumisi. Pagtalikod ko ay natapon ang sauce ng kinakain ko dahil nakita ko siyang nasa likuran ko na agad. Napunta ang mantsa sa damit ko kaya agad lumapit si Blake sa akin at kinuha ang panyo niya. Pinunasan niya ang damit ko. Tinulak ako ni Justine kaya napahawak ako sa balikat ni Blake.

"Blake, I'm s-so sorry."putol-putol na sambit ko. Tinapakan ko ang paa ni Justine at umayos ng tayo. Tinawanan niya pa ako kaya sinamaan ko siya ulit ng tingin.

"Blake, I have to rest. I'm tired. Take me to the hotel you have booked." sabi ni Ghaele na girlfriend daw ng bestfriend niya. Binigay sa akin ni Blake ang panyo niya at sinamahan niya si Ghaele na pumara ng taxi. Nakatayo lang kami ni Justine habang pinapanood silang dalawa.

"May girlfriend na siya?" tanong ni Justine. Nagkibit-balikat na lang ako. I don't think I can trust Blake's words. Paano kung nagbibiro lang siya? Besides, I heard Ghaele said that they're going to the same hotel. Argh, bakit ba ako nagpapa-apekto?

Huminga na lang ako ng malalim at tinapon ko ang pinagkainan ko sa basurahan kasabay ng panyo ni Zion. Umalis na kami ni Justine para umuwi. Nasa terminal na kami at nagulat na lang ako nang makita ko ulit si Blake. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla na lang akong napahinto at napapikit.

It was beautiful, cozy and clean. Nasa silid ako ngayon na sobrang ganda at linis. Nakita ko si Blake pagpunta ko sa counter table. Nakahanda ang mga damit at nakangiti siyang sinalubong ako.

When The Clock TicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon