Chapter 2- 11:02

288 22 4
                                    

Chapter 2

16 years ago

"Hindi mo naman kailangang gawin ito." sambit ng isang lalaking hawak- hawak ang aking kamay.

"Patawad, Ginoo. Patawad."  Napayuko ako dahil tumulo nang lubos ang aking mga luha. Unti-unting bumagsak ang aking katawan sa malamig na sahig. Nakita ko siyang naglalakad papalayo bago tuluyang lumabo ang aking paningin.

"Patawad. . ." 

Nagising na lamang ako sa kotse kung saan dumudugo ang gilid ng aking noo. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at kitang kita ko ang pagbanggaan ng mga modernong karwahe. Nasa harapan ako at may isang lalaki na nakayuko na ngayon at mukhang wala ng malay.

Bigla na lang sumakit ang ulo ko at tila naghahalo-halo ang lahat ng aking ala-ala mula sa nakaraan. Napahawak ako sa dalawa kong tenga at pinikit ang aking mga mata.

"Mahal kita." Napadilat ako at napahawak sa dibdib ko. Ang huli ko na lang natandaan ay orasan. Napatingin ako sa mga kamay ko at doon ko nakita ang aking sarili dahil sa isang basag na salamin. Napahawak ako sa bibig ko at noo kong nagdurugo.

"Ezra, Gumising ka!" rinig kong sigaw ng babae bago ko pinikit ang aking mga mata. Sandali, Sino si Ezra?

Minulat ko na ang mata ko. Nagising na lamang ako sa isang kwarto na puti ang  mga kurtina.  May naamoy akong tubig na ang sarap sa pakiramdam at napakahalimuyak.

"Doc! Gising na po siya!" Nagmamadaling tawag ng babae na ngayon ay nangiyak-ngiyak na. Dumating naman agad ang doktor at lumapit sa akin na may hawak na panulat at papel na nasa isang matigas na kahoy ngunit manipis.

"Ezra? May naalala ka na ba?" diretsong tanong niya sa akin.

"Nasaan ako at sino si Ezra na tinutukoy mo?" nauutal kong sabi ngunit gusto ko itong sabihin ng diretso.

Bigla na lamang nagbago ang kanilang emosiyon. Nagulat ang doktor at lalong umagos ang luha ng babae kanina.

"Ikaw si Ezra Villamor! Nakita ka ng iyong ina na naaksidente pagkatapos ng iyong klase at ihahatid ka na sana sa inyong bahay! Wala ka pa rin bang naalala? Nasa ospital ka ija!" kunot na noo na pagpapaliwanag ng doktor.

"Wala. Wala akong naalala," diretso kong sagot. Bigla na lamang siyang nadismaya at unti-unting hinarap si Mama habang nakatingin parin sa akin.

"Hayaan niyo nalang po muna siya magpahinga. May posibilidad rin pong magkaroon siya ng amnesia dahil na rin sa pagkabagok kung di maagapan," malungkot na sabi ng doktor at tuluyan nang umalis.

Tumingin naman agad sa akin ang babae na ngayon ay namamaga na ang mata saktong pagkalabas ng doctorn. Ngayo'y unti-unti niyang hinahawakan  ang aking isang kamay.

"Ezra! Hindi mo ba talaga ako naalala? Ako ang iyong ina!" mahinang sabi niya at umiyak na naman muli. Agad naman akong nakaramdam ng lambot sa puso. Dapat siguro'y maging handa na ako sa posible pang mangyari sa akin.

When The Clock TicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon