Chapter 1 - 11:01

335 29 4
                                    

Chapter One

Nakakatakot. Halos manigas ang buong katawan ko at manlamig ang dalawa kong kamay. Napapunas ako sa noo ko dahil sa pawis. Halos wala ng natira sa mga bahay na nakikita ko. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao. Lahat ay nagmamamdali at kaniya-kaniyang salba ng kanilang gamit. Lalo pang lumakas ang apoy. 'Ni, hindi ko magawang gumalaw. Ramdam ko ang init sa aking buong katawan at ang bawat pagpatak ng pawis ko sa daan.

Hindi ko namalayan na sa sobrang pagmamadali ng mga tao at hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta. Napaupo ako sa sahig at una kong hinanap si Justine. Sa kabila ng mga ingay sa paligid, nakita ko si Justine na nagmamadaling pumunta sa akin. Ang huli ko na lang natandaan ay may humawak sa kamay ko at inilayo ako sa lugar na 'yon bago ko pa siya makatagpo.

"Ezra!" Dinilat ko ang mga mata ko habang hinahabol ko ang aking hininga. Pagkagising na pagkagising ko ay agad kong kinuha ang papel at ballpen sa lamesa. Pangayayari na naman para sa aking panaginip. Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng mga ganitong klaseng pangyayari dahil simula bata pa lamang ako ay hindi ko na ito makontrol.

"SUNOG." Basa ko sa papel at dinikit ito sa pader. Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong gawin ko at gustuhin kong pigilan na huwag mangyari ang mga panaginip ko ay hindi ko ito magawa. Hindi ko alam kung paano at saan. Para ngang nararamdaman ko minsan na may kakaiba talaga. I was there pero kapag nangyayari 'yon ay hindi naman ako kasama.

When I did some research about this ability of mine, I learned about that word which describes a person who has the ability to see the future which they likely called precognition.

Some believe that it's also known as a prescience, future vision, or future sight, and a claimed psychic ability to see events in the future? With that case, As with other paranormal phenomena, there is no accepted scientific evidence that precognition is a real effect, and it is widely considered to be pseudoscience. Precognition also appears to violate the principle of causality, that an effect cannot occur before its cause.

In fact, precognition has been widely believed throughout history. Despite the lack of scientific evidence, many people believe it to be real. It is also  widely reported and remains a topic of research and discussion within the parapsychology community. In short, unexplained. 

Hindi ko alam kung paano 'ko 'yon at bakit nararanasan. Besides, the ticking golden clock was always on my mind. I have no idea kung saan ko 'yon nakita. Somewhere? Elsewhere? Or even Nowhere?

Bumangon na ako sa kama at nakasalubong ko si Mama. Kinusot ko ang mata ko habang naglalakad papunta sa lamesa. Nakahain ang iba't-ibang pagkain para sa almusal. Simula pa noon, masarap na talaga magluto si Mama ng agahan. Maraming masasarap na pagkain tuwing umaga. Sinubukan kong gawin para makabawas ng gawain niya pero palpak naman. Nakakadagdag lang ako lalo.

Tumingin sa akin si Mama at ngumiti na lamang ako pabalik. Simula kasi nang mawala ang tatay ko, mag-isa na lamang nagtatrabaho si Mama sa restaurant na itinayo nila noon. Maayos naman ang takbo gaya ng dati. Paminsan-minsan tumutulong kami ni Justine para mabawasan ang trabaho ni Mama. Mayroon namang mga empleyado roon, pero iba pa rin kapag ikaw ang mismong gumagawa at nararanasan ang gawain sa shop. Ang saya kaya.

Si Justine pala ang pinsan ko, He's so outgoing. Opposite to my attitude. Dito na siya nakatira dahil nagagawa niya ang gusto niya. Sabay na rin kasi  kami lumaki ng lalaking 'yon. We're the same age. Sadyang ayaw niya lang talaga tumira sa nanay niya dahil simula pa lamang ay si Mama na ang nag-alaga ay Justine.

When The Clock TicksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon