Kabanata 6

30 1 0
                                    


Lei

"Help me" Ani nito at lumingon saakin. Ilang segundo ay nagsalita nanaman ito.

"I want some closure" Ha? closure daw gusto niya ng closure samin dalawa? shet nabigla ako perstym to.  Hindi man lang ako nakapaghanda sana naman nakapag-pengkay ako ng beri hard.

"Kanino?" Tanong ko. mas maganda ng magtanong baka mamaya mabigo ako hindi pala ko yung gusto niya. Baka pag nagassume ako tas nabigo edi beri cry ako.

"Kay Lei"

Naghalo ang emosyon ko sa sinabi niya. Natutuwa at nalulungkot, natutuwa dahil natupad ang kahilingan ni Lei na walang kaalam alam na may gusto din pala sa kanya si Nathan at nalulungkot kasi akala ko chance ko na magkalove-life hihihi.

"O-oo naman" Lumingon siya sakin at binigyan ako ng maalabot langit na ngiti. Napakagwapo ni Nathan kaya hindi na ko magtataka kung tinitilian siya ng mga kababaihan.

 Dahil sa mga ngiti niyang yon tilaý makukuha ka niya kahit man mapa-babae o bakla ka.

Sa ilang minutong pag-uusap din namin ni Nathan nakarating na kami sa resto. mukhang mamahalin dito. Pag-enter mo palang makikita mo na ang mga nagkikinang na chandelier at mga magagarabong lamesa na katulad din sa mga kasootan ng mga tao rito.

May nakareserba narin kaming lamesa ni Nathan. Kumuha rin kami ng order gusto ko sanang i-suggest kahit water nalang tas titigan ko nalang si Nathan magdamag habang kumakain siya dahil sa mukha niya busog na ko eh. Ang gwapo ng katapat ko!

"So bakit kailangan mo nang tulong ko?" Agad agad ko siyang tinanong habang hinihiwa ko yung steak. 

Bwisett ang hirap hatiin nito kutsilyo at kutsara kasi dito, samin sa bahay kinakamay lang namin to. hayst

"Unang kita ko palang sayo i know you and lei will be more close to each other" Ani niya at sinubo yung steak. Pati pag nguya ang hot, pag galaw ng bunganga ang hot!

"And besides i want to court her" Bumaling ulit siya saakin at yumuko pero may lungkot sa mga mata niya.

"Pwede mo naman siyang ligawan ah? Natotorpe ka ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Napasmirk siya sa sinabi ko.

Teka may nakakatawa ba?

"Hindi ako natotorpe, bawal lang talaga" Seryoso niyang sinagot bigla ang tanong ko. Anong bawal?

"Anong bawal pati pangliligaw bawal?" Tinigil ko muna ang paghihiwa ko sa steak at seryoso ko siyang tinanong.

"I mean, i want her so bad pero bawal talaga" Hindi niya ko tinitignan nakayuko lang siya habang busy sa paghiwa ng steak.

"Eh bakit nga bawal? sabihin mo para matulungan ki--"

"Dahil kay Yuan" Nagulat ako sa sinabi niya ano naman kinalaman ni Yuan dito?

Bumuntong hininga siya bago niya ko tignan kita ko ang mga seryosong mata ni Nathan.

"Anong kinalaman ni Yuan dito?"

"Kuya ni Lei si Yuan" Ani nito. Yung yuan na talaga yun pati buhay na may buhay pinapakialaman eh. 

"So gusto mo i-convince ko si Yuan?" Ani ko. Unti unti niyang tinaas yung ulo niya at sinalubong ako ng nakakapangloko niyang ngiti. Help me baka hindi ko matiis tong lalaking to ang hot!

"Ayok--"

"P-please!" Agad niyang hinawakan ang kamay ko at nagpout na parang asong nagmamakaawa sa pagkain. Mataas yung kulo ko kay Yuan kung sa mga gawain nga hindi kami nagkakasundo nag-aaway kami paano pa kaya kung i-koconvince ko siya sa kapatid niya.

"May gagawa pa ba ko?" Ani ko at nag roll ng eyes. hay bahala na.

Hinatid na ko ni Nathan sa bahay namin medyo ginabi na dahil sa sobrang dami namin pinagusapan. 

Bumaba na ko ng kotse sa tapat ng bahay namin.

Iniisip ko parin kung paano ko siya tutulungan kay Lei sobrang dami ko ng responsibilidad school works, yung sa kanila ni Lei at yung kay Yuan pa. hayst

Pumasok ako ng bahay at sinilip sila papa kung gising pa. Mukhang gising pa yata sila kasi bukas yung ilaw sa sala. Pumasok ako at sinalubong ako ni mama.

"Oh anak andyan ka na pala kanina ka pa hinihintay ng kabigan mo" Ani nito. Teka? Wala naan akong pinapunta dito bukod kay Nathan? Imposibleng si Lei din kasi hindi niya alam bahay namin.

Agad akong dumiretso sa sala kung sino ang nagatatawanan doon. Nakita ko si papa, si sander at si YUAN!!! pwe si Yuan? Teh si yuan! Anong ginagawa niya dito?

"oh anak andito ka na pala kanina ka pa niya hinihintay" Ani ni papa at binigyan naan ako ng nakakapanglokong ngiti ni Yuan. 

Gumwapo lalo siya ngayon sa gupit niya at nakakasilaw yung hikaw niyang kumikinang.

"Ah sige saglit lang pa ah kakausapin ko lang siya" hinila ko agad si Yuan sa kinauupuan niya at agad agad ko siyang dinala sa labas ng bahay. 

Naghuhurumentado ako paano niya nalaman yung bahay ko? kay tita? Nathan? Tska kahit saan ba susundan ako nito?

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman bahay ko? Kahit saan ba susundan mo ko? Stalker ka b-"

"San ka pumunta?" Humalukipkip siya makikita mo kung gaano ka maskulado ni Yuan dahil na naka crossed arm siya. Tamad akong tinignan nito at hinihintay ang sagot ko. Sa dami ba naman ng tinanong ko nagtanong din siya?

"Wala ka na d--"

"Saan ka ba kasi pumunta?!" Galit niyang tanong at napakamot siya sa ulo niya. Kung makapagreact naman siya ano ba siya tatay ko?

Bumuntong hininga ko "Nagdate kami ni Nathan" Pagmamayabang ko sa kanya at umirap pa ko. Well, minsan lang to noh! grab the oppurtunity.

Tinignan ko siya at napasmirk ito, kung kanina seryoso siya ngayon tumatawa ang mokong may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You & Nathan? i can't imagine" Tumawa na nga ang bakulaw. Hayst

Naglakad na kong papasok ng bahay iniwan ko yung bakulaw na nasa labas habang tawa ng tawa. Ganon ba ko kapangit? Kailangan ba ang maganda sa pogi lang kailangan ba ang pogi sa maganda lang?

Hinayaan ko nalang siyang magsawa tumawa diyan. Umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto, kailangan ko ng magpahinga.

Tulala kong tinitignan ang kisame naaalala ko parin ang mukha ni Nathan yung mukha niyang nakakaamo yung mga ngiti niyang mala-anghel.

Tinakpan ko ang mukha kong nanginginig. May gusto na ba ko sa kanya? Erase. Erase. Erase. Kailangan ko siyang tulungan kay Lei. Napatanggal ako ng kamay sa mukha ng may kumatok sa pintuan. Si mama.

"Anak, uuwi na daw yung kaibigan mo" Ani nito at nakasilip sa pintuan. Tumango nalang ako.

Mabuti naman aalis na yung mokong nagalit siguro yun kasi nag walk-out ako. Basta masaya kong araw na to kasi nakadate ko man lang si Nathan.

Tumunog yung phone ko, tinignan ko kung sino yung nag text. Si Nathan.

Agad agad kong tinignan ang text niya "Thanks for tonight, Sobrang saya mo kasama :)" Naghuhurementado ang puso ko alam ko na mali tong nararamdaman ko pero kinikilig ako.

Yung emoji na nakasmile, iba yung nakikita ko. Yung ngiti ni Nathan yung mala-angel niyang ngiti. Siguro nga nasasaktan ako kasi mali to. Kung alam niya lang na mas gusto ko siyang kasama higit pa sa sarili ko. Maling tao and im stupid because i'm falling inlove with the perfect person at the wrong time.  

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon