Kabanata 5

36 2 0
                                    


Nathan

Ilang weeks palang ang nagdaan andami na agad gawain sa school, although na papayag naman ako na gawin ang kasunduan namin ni Yuan para hindi niya na ko kulitin ng kulitin pa.

 Sabado. Pumunta ko sa parlor ni tita georgina para magplantsa ng buhok.

"Oh magpapaganda ka nanaman" Hay nakong tong si chie ampangit ng bungad sakin lagi nito.

well sa totoo lang naman kasi yun talaga gagawin ko hahaha. Nakita ko si tita georgina at tinignan ako nito at bumalik sa panonood sa tv, sanay naman na si tita sa ginagawa ko alam niya naman kung anong gusto ko.

Dalidali akong pumunta sa upuan sa may kabila habang si chie nagugupit ng buhok ng customer, chill chill wala naman ako pasok e at wala naman na ko gagawin. 

Bumili muna ko ng shake sa labas para mawala yung stress ko galing sa school sandamakmak ba naman ng projects pinapagawa ng prof namin.

"Wala ka bang pasok?" Tanong ni tita, Habang pinaplantsa ko yung buhok kong pahaba na ng pahaba.

"Wala tita sabado ngayon"

"Good morning po" Napatingin ako sa lalaking pumasok sa parlor na ikinagulat ko.  

WHUTTTTTTTT? anong ginagawa niyan dito hanggang dito ba naman susundan ako ng hayop na to. kems assuming na ko hahaha!

"Oh, Yuan ang aga mo yata" Ani ni tita georgina. WHHHHHUUUUUUUUT? kilala ni tita si yuan? pero pano? eh hindi ko naman nakikita si yuan na nagpapagupit dito?

Napatingin si yuan sa kinaroroonan ko tumalikod ako at napaharap sa salamin shett!! dapat hindi niya ko makilala. 

Napayuko ako habang pinaplantsa ko buhok ko my god bes kakaibang talent ginagawa ko jusko!

bat pa kasi andito yung lalaking to.

"Papagupit po ako" Ani ni yuan. Napalinga nga ako kay chie na titig na titig kay yuan, crush niya ba yan lalaking yan. tss pag pogi talaga, kung alam niya lang ugali ng lalaking yan.

Tinapos ko na agad yung pagpaplantsa ko habang naguusap sila ni tita georgina, Napatingin ako sa harap ng salamin at nakatingin sakin si yuan habang kinakausap siya ni tita georgina.

Hay nako! hindi niya naman hawak buhay ko noh! Dedma! agad agad akong tumayo at binilisan kong lumabas pero tinawag ako ni tita georgina.

"oh sam, madaling madali ka ata?" Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan nila tita kung saan nakaupo sila at nakita ko ang mukhang mapang-asar ni yuan.

"Uh, tita baka magalit sakin si papa" Dahilan ko. kahit wala naman talaga si papa sa bahay.

"Ay teka lang may ipapakilala ako sayo" ganyan gawain ni tita tradisyon niya na yan lagi niya sakin pinapakilala kapag may close siya na lalaki.

"Yuan meet my pamangkin, teodoro" Ani ni tita. Napa smirk ang loko. hayst nako naman bad timing eh, Bat may kasama kasing teodoro sa pangalan ko jusko! sana sam nalang shout out kay papa.

"Nice to meet you TEODORO" Andiin talaga ng pagkasabi niya ng teodoro at binigyan nanaman niya kong ng nakakalokong ngiti.

Nagpaalam muna ko kay tita na may bibilhin ako sa labas hindi ko kasi matiis kapag nandoon si Yuan, lalo na yung nakakalokong ngiti niya parang hindi sariwa ang hangin kapag nandon yung lalaking yun psh.

Papalipas muna ko ng oras sa court kalapitan, Hindi ako manlalaki ah hindi ko lang talaga matiis na magstay sa parlor ni tita kasi ang andoon yung mokong nakakasawa na yung mukha niya e, sa school lagi na kami nagkikita tas kinukulit pa ko tas hanggang doon pa? hays

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon