Kabanata 14

21 0 0
                                    


Heartbeat 

"Andito na tayo!"

Nagising ako sa sigaw ng isang lalaki, nagpalinga linga ako at nakita ko si Aeron sa tabi ko na mahimbing pa ang tulog, Nakalagay na ang headset niya sa kanyang leeg at yakap yakap niya ang bag niya.

Nakita ko naman sa harapan ko kung nasaan si Mia at Lei na nag-uunat nang kanilang mga braso. 

Gusto ko pang matulog para kasing kulang pa yung tulog ko dahil sa pagpupuyat ko kagabi.

Sumandal muna ko at pumikit sandali. Kahit 5mins lang na idlip please.

"Sleeping beauty?" Narinig kong sabi ni Lei at napasmirk. 

Agad ko naman minulat ang mga mata ko at kinalabit na si Aeron para magising.

Kinuha ko ang bag at inayos ko na ito, Nag-aayos na rin ang ibang mga istudyante. yung iba ay nag-sisi babaan na.

Tumayo na ko para mag-unat.

Lumingon ako sa likuran ng seats namin ng napatingin ako kay Yuan na tulog na tulog at nakahalukipkip.

Yung heaset niya ay nasa leeg niya na at nakasandal yung ulo niya sa bintana.

Tinapik ko na siya para magising na siya, Nagising naman ito at bahadyang tumingin saakin. 

Nagpalinga linga siya at kinuha ang kanyang bag.

"Andito na tayo" Ngising sabi ko at inayos niya ang upo niya at tumingin sa wrist watch niya. Bumalik naman ako sa pwesto ko at kinuha ko na ang bag ko. 

Nagpaalam naman sakin si Mia at Lei na antayin na nila ko sa baba.

Sabay kaming tumayo ni Aeron at nag-unahan kung sino ang mauuna samin maglakad, Nasa likod niya ko pero pinauna ako nito.

"You first" Ngiting sabi sakin ni Aeron.

"Sige ikaw muna mabigat dala ko e" Ani ko at Ngumisi din ako sa kanya bilang ganti.

"Sige mauna ka na ako na magbubuhat ni--" Aniya

"Ako na mauuna, Excuse me" Mariing sabi ni Yuan at padabog siyang bumama ng Bus. Napirap nalang ako sa kawalan. Grabe ang topak ng isang to.

Bumaba na kami ni aeron at hinanap ang iba naming miyembro.

Diretso ang tingin ko at halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni Aeron.

Nilapag namin ang mga bag sa cottage at pinapunta na kami sa mga kanya kanyang grupo. 

Maganda pala rito mapuno at itsura nitong place na to ay pang-camp talaga. 

Dito masarap magmuni-muni, Masyadong tahimik! tila ba ibon lang ang maririnig mong nag-iingay dito.

Lumapit saamin ang mga nakapolo na yellow na mga kalalakihan.

Pinaupo kami muna kami at pinagsamasama ang magkakamiyembo at pinagsosoot kami ng handkerchief sa kamay.

Pinagpares pares din kami sa aming mga miyembro. Ang kapares ko si Aeron , ang silbi ng kapares mo ay dapat lagi kayo magkasama whether mag ccr o kung ano ano man.

Mapuno dito at bawal mag isa gumala. Pero kung si Aeron ang makakasama mo aba, mapapa "let's get Lost together" ka talaga charoot hahahaha.

"So you have 5 mins para matayo ang tent niyo at bumalik sa pila" Sabi ng aming facilitator.

Nang narinig naming ang pito agad agad kaming tumayo.

Ang unang activity namin ay pabilisan matayo ang tent, So bali apat na tent ang meron kami. 

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon