Leonne's POV
Dinala nila ako sa isang parang selda sa likod nang isang karwahe. May pagkahilo parin ako dahil sa paghampas nila sa ulo ko. What just happened?
Yung braso nang lalake? Ako ba ang may gawa nun? Gawa bayun nang creature ko? Ano bang nangyayari?
Puno ang utak ko nang mga tanong sa mga nangyari kanina. Hindi ko na napansin kung gano na ako katagal sa seldang yun. Gumagaan-gaan palang ang pakiramdam ko nang huminto sandali ang karwahe.
Pagtingin ko sa labas nasa isang bayan na kami, ang bayan nang Academy. Malapit sa dagat ang bayan kaya pangingisda ang pangunahin nilang hanap-buhay. Maguumaga palang kaya wala pa masyadong tao sa paligid.
Puno nang sementadong mga kabahayan ang academy at mga naglalakihang buildings. Nasa tabi nang dalampasigan ang mismong academy.
Pumasok ang sinasakyan ko sa isang malaking pinto na gawa sa kahoy at bakal. Nandito na talaga ako, this is it. Mabuti pang sa misyon ko nalang muna ako magfocus kaysa sa mga nangyari kanina. Nang huminto ang karwahe isa sa mga kawal ang binuksan ang lock nang selda kung saan ako kinulong.
Poposasan sana nila ako nang isang babae ang sumulpot at nagsalita.
"Hindi na kailangan, edtudyante siya hindi bihag" she stared at me for a while saka sinabing sundan ko siya.
May mahaba siyang itim na buhok at sexy na katawan. Siguro ay kaedad lang ito ni mama kung buhay pa siya, mga nasa 40's pa ata siya.
Pumasok kami sa isang malaking building malapit sa mismong academy. May mga magagarang gamit na halos lahat ay kulay ginto at mga paintings sa gilid nang hallway na dinaanan namin. Huminto kami sa sala kung saan siya naupo sa isa sa mga sofa, tumikhim muna siya bago nagsalita.
"I'm Professor Rachel" Agad niyang pagpalakilala at tinignan ako mula ulo hangganng paa.
Pinaupo niya ako sa katapat na sofa na inuupuan niya, tanging isang mesa lang na gawa sa glass at kahoy ang pagitan namin. May kinuha siya sa ilalim nang mesa sa harap at inabot ito sakin.
"Those are what you'll need here, keys, brochure about what you need to know, and a badge." Kukunin kuna sana yun nang mapansin ang mga makahulugan niyang titig.
"Is something wrong ma'am?" She snap out of it saka umayos.
"No- Yes! Uhmm it's just you really look like your mother"nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, kilala niya si mama?
Magtatanong sana ko pero inunahan niya ako at mukhang alam na ang itatanong ko at ayaw niya lang sagutin.
"Your schedule is in the last part of the brochure and the map at the first page and the rest are guides. Naghihintay na ang karwahe sa labas na maghahatid sa titirhan mo" Yun lang ang sinabi niya at tumayo.
"Uhm ma'am?!" Napatayo ako at halos abutin na siya dahil sa kating-kati na akong malaman kung bakit niya kilala si mama.
Huminga siya nang malalim saka hinarap ako. "If this is about your mother, I'm just her classmate nung nandito pa siya that's all" at saka tuluyan nang umalis.
Nanatili pa ako roon at ni-recall ang mga sinabi niya. I have more questions for her na siguro ay sa susunod nalang naming pagkikita ko itatanong.
Sumakay ako sa karwaheng naghihintay at hinatid ako sa dulo nang bayan, sa mga kakahuyan.
The forest is empty. Wala ni isang bahay akong nakikita. Tatanungin ko sana ang nagpapatakbo nang kalesa pero umalis na pala ito.
Ilang sandali pa ay may nakita akong umilaw sa ibabaw nang mga puno sa may di kalayuan. Papalapit palang ako nang may nakasalubong akong bagong gising lang na babae.
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy: School Of Creatures
FantasyFaries, Elves, Dwarves, Legendary Wizard Spirits, Mermaids, Dragons. Ilan lang yan sa mga makapangyarihang nilalang sa mundo na pina niniwalaang nasa paligid at nagtatago lang called mythical creatures. Pero sa mundo namin wala sila sa paligid. Dahi...