Leonne's POV
Kita mula sa burol na kinuupuan ko ang kubuuan nang maliit na bayan namin.
Malamig ang simoy nang hangin, dahilan para maibsan ang init mula sa kakatirik lang na araw. Napakamot pa ako sa mga kamay ko dahil sa mga damong dumadampi dito.
Kaarawan ko ngayon pero bakit malungkot ako?
Bumuntong hininga ako at tumayo.
"Nasan naba sila?" hindi ba nila ako kukunin? Kung kukunin nadinlang, sana bilis-bilisan nila.
Bumaba ako sa bayan at nagtungo sa dulo nito kung nasaan ang bahay ko. People around stare at me as if asking kung bakit nandito pa ako. Dapat nga kanina pa nila ako kinuha. Maybe they have some errands to solve first. At sana, sana lang... makalimutan nila ako. I don't want to go there.
My father died there.
Nagkakilala sina mama at papa sa loob nang Academy. They became friends and soon inlove with each other. At dahil atat silang dalawa, agad nila akong ginawa. Kaya ayun, it became a big issue sa mga taga Academy. They want me dead pero ayaw nang mga magulang ko. So the Academy end with an agreement. I will live if my father will work for them, so he did, he was sent to missions and always come home with bruises. Hanggang sa hindi na nakauwi si papa. Napakasakit nun kay mama. At dahil sa nangyari, nagbago si mama. Naging mainitin ang ulo niya. At namatay nang maaga.
Naputol lang ang mga tingin nilang yun sa akin nang nakapasok na ako nang bahay. My house is made of wood, may mga butas na ito at maypagka luma na. Mukhang dina din to tatagal nang ilang linggo dahil sa mga anay na sumisira nang bahay.
Tahimik ang bahay tanging ang pag-crack lang nang kahoy na sahig ang madidinig.
Pumunta ako sa kwarto ko at umupo sa higaan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Nung namatay si mama ito lang ang kasama ko. Ang bahay na ito, ang mismong kwartong ito.
Nakarinig ako nang mga yapak mula sa labas. Mukhang nandiyan na sila. Tumayo ako at dinala ang bag na sa higaan ko iniwan kanina bago ako umalis.
I'm ready.
Pero nagulantang ako nang hindi mga taong nakasuot nang bakal na armor ang nakita ko. Bahagyang kumirot ang puso ko nang makita ang ilan sa mga kaibigan ko mula sa bayan.
Si lola Linda na tendera nang prutas sa palengke sa bayan. Si Angelo na kapit-bahay ko. Si Aling Flora na kababahay ko rin. At marami pang iba. They're here carrying a cake na may nakasulat na Happy Birthday!
"Happy Birthday Leonne!!" Sabay-sabay nilang sigaw.
Napaiyak ako nang di oras.
Sa mga oras nayun, nasabi ko sa sirili ko na hindi ko pa kayang umalis. Akala ko ok lang kasi wala naman akong maiiwan. Pero nakalimutan kong may mga kaibigan padin pala ako dito.
Mistulang may isang maliit na fiesta sa loob nang bahay ko. Maliban sa cake may dala din silang ibat-ibang putahe. Masaya ang lahat, kain dito kain doon. Usap dito usap doon. Ganun lang ang nangyari buong araw.
Dumating ang gabi at hindi parin sila nagsi uwian.
"Gabi na pero wala parin sila" napatahimik ang lahat dahil sa simabi ni lola Flora.
"Baka naman hindi kana nila kukunin Ate Leonne!" Sabat naman ni Kiko na apo ni lola Flora.
Napaisip ako sa sinabi nila, maari nga baka naman hindi nila ako kukunin.
Pero may parte sa utak kong nagsasabi na hindi, na kukunin nila ako.
Naghiyawan sila bilang pagdiwang sa hindi pagkuha sakin nang mga taga Academy.
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy: School Of Creatures
FantasiFaries, Elves, Dwarves, Legendary Wizard Spirits, Mermaids, Dragons. Ilan lang yan sa mga makapangyarihang nilalang sa mundo na pina niniwalaang nasa paligid at nagtatago lang called mythical creatures. Pero sa mundo namin wala sila sa paligid. Dahi...