Kabanata 2

1.1K 66 2
                                    

Kabanata 2

The class ended for this day. Walang naging imik ang katabi ko buong klase. He talked whenever I asked him but it's not him!

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Ang sungit sungit! Daig pa ang may dalaw.

Hindi naman sa gusto ko 'yong pang-aasar niya pero it's really bothering me. Hindi ako mapakali. Ilang beses ko na ring itinanong sa sarili ko kung may nagawa at nasabi ba akong mali kaya siya nagkakaganito?

"LQ ata." Rinig kong bulungan sa likod ko.

Bumaling ako sa direksyong iyon kasabay ng paghagikhik ni Mika at Paula.

Nahagip naman ng mata ko si Bryan. Kumaway siya at ipinakita ang cellphone niya. Namangha ako't malapad na ngumiti. He's currently watching anime I recommended him.

Nagthumbs up ako sa kanya habang nakangiti. Tumango naman siya. Hindi pa napapawi ang ngiti ko bago ibalik ang tingin sa katabing si Troy, gayo'n na lamang ang mapanlisik niyang tingin, tila inaakusahan na naman ako.

"Hay nako. Suyuin mo na yan, Lora. Nagseselos lang 'yan" Si Carlie na madalas mang-asar samin ni Troy. Medyo ka-close ko dahil nakakagroup ko siya sa mga reportings and activities.

Napabuntong hininga na lang ako't napailing.

Hindi pa rin talaga sila tumitigil sa issue namin ni Troy. Akala nila boyfriend ko siya. At hindi lang limang beses ko iyon kinumpirma sa klase o kahit kanino pa man kapag may nagtatanong. Wala nga lang maniwala dahil na rin sa lalaking 'to na nang-aasar talaga at pinapatulan ang mga sinasabi tungkol samin kahit hindi naman totoo. Nasanay na lang din ako dahil wala na rin naman akong magagawa.

Palihim ko siyang tiningnan at binalewala ang mga tao sa paligid. Seryoso at walang kahit na anong nababakas na emosyon sa kanya. Siguro ay kung ibang tao ang makakapansin, iisiping suplado siya't mahirap lapitan.

At ako naman itong si parang girlfriend nga na nanunuyo, hiyang hiya sa pangangantyaw ng mga kaklase. Ni hindi ko rin alam kung bakit ko siya pinagtitiisan. This is his first time to act like this and it frustrates me since I don't know how to handle him this way. Ang tindi magtampo, wala namang dahilan!

"What now, Lora? Are you going to say something?" Baling niya sakin, nakataas ang isang kilay, supladong suplado ang dating. Kainis!

Parang kasalanan ko pang naabala siya sa paninitig ko sa kanya. I mean I'm still analyzing and thinking of right words to say. 'Yong tipong bigla siyang magiging good mood sa sasabihin ko. Pero hindi kasi talaga ako sanay. I am just used of arguing with him every time kaya kapag mga ganitong klaseng sitwasyon, hindi ko alam kung paano siya ia-approach. Isama pa roon na hindi ako soft spoken na tao. I'm not a prim and proper person. Siguro dahil na rin kay Marco na parati kong ginagaya noong mga bata pa kami kaya lumaki rin akong ganito.

Huwag lang talaga 'tong iimik ng hindi ko magugustuhan dahil nasisiguro kong papatulan ko siya kapag hindi ko nakontrol ang sarili ko.

I can't afford to lose my poise for the nth time in front of so many people. Makaabot pa kina mom and dad lalo na kay Marco, oh God! No way. That's the least thing I wanted to happen in my life.

"Not yet done staring at me?"

Napataas ang isang kilay ko't nakipagtitigan sa kanya. Siya naman itong unang nag-iwas na ipinagkibit balikat ko.

"Aren't we going? Or should I go ahead without you?"

Saglit niya akong binalingan at walang imik na tumayo. Walang kahirap hirap na isinakbat ang bag sa likuran. Nauna pa sakin.

Napairap ako't tumayo na rin.

I was about to carry my things on the table when he effortlessly carry it. Medyo nagugulat pa rin ako sa pagiging ganito niya pero hinayaan ko rin. Madalas niya namang gawin iyon. Hindi lang din ako makapaniwala na sa kabila ng kalokohan at kayabangan niya, gentleman din siya.

All I Want (VS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon