Once Upon A Time.
DALE
Hay. Two years na.
Two years na kong naghihintay na parang ewan. Pero eto.. naghihintay pa rin.
Panay pa rin ang message ko kay Kari sa FB lalo na tuwing nagpopost siya ng bagong album. Di naman kasi yun nag-o-online. Banas.
Or kung mag-online man siya, malamang invisible. Tapos sa twitter, gumawa pa ko ng twitter @PrinceDale para sa kanya. Finollow ko siya @PrincessKari. Madalas ko nga siyang imention pero wala, deadma. Di yata tumitingin yun sa interactions niya. Bwisit.
Makapagstatus nga
Dale Romero: I miss you. Come back, Princess. :(
Mga ilang minutes after eh ang daming naglike. Nagtatanong sino si Princess. Malamang sino pa ba yun diba.
Sean Valencia: Soon, bro. Soon.
Kenneth Espiritu: Ikaw si, Princess, Sean? Miss you brad, pakiss nga. Sapatos ko ah? Chaka pirma ni John Lennon.
Sean Valencia: Gagu. Si Michael Jackson lang napapirma ko. Astig ng moonwalk, brad!
Parang ewan mga ‘to, patay na yung mga pinagsasabi eh.
Carlo Cruz: Bro, pakiss ako kay Justin Bieber.
Mas marami pang naglike sa comment ni Carlo kesa sa status ko. Ang gugulo ng mga ‘to eh. Hindi naman sila yung pinapatamaan ko dun eh. Dapat tinag ko na agad yung prinsesa para di na nagreact yung mga baliw.
Maya-maya may nagchat sa akin..
Luke Jaleco: Check mo status ng prinsesa.
Di ko na nireplyan si Luke at dali dali kong hinanap yung profile ni Kari.
Kari Valencia: Home, baby. Soon.
BINABASA MO ANG
Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)
Teen FictionDalawang pusong pinamanhid ng kahapon. Dalawang pusong pinatigas ng mahabang panahon. Dalawang pusong pinagkaitan ng huling pagkakataon. My Ex-Suitor Season 2: Happy Never After. Erin Dizon © 2012 All Rights Reserved.