The Band of Friendship. (4 of 5)

7.1K 225 22
                                    

The Band of Friendship. (4 of 5)

The friend, the listener, the selfless, the brother and the hurt .


SEAN. The Brother.


Nakaharap lang sa bintana ng eroplano si Kari. Kanina pa umiiyak. Gusto kong yakapin tong kapatid ko pero alam kong kelangan muna niya ng space.



Siguro maraming nagtataka kung bakit pumayag akong umalis kami ni Kari. Matagal ng nakaplano yung pag-alis namin. Elementary pa lang yata, balak na kaming kunin ni Papa na nasa New York nga nakabase. May-ari si papa ng restaurant sa states, ewan ko pano niya naipundar. Basta alam ko pinaghirapan niya yun para sa amin nila mama.



Chef siya, kaya siguro sa kanya namana ni Kari yung galing sa pagluluto. Wala naman kasi akong hilig sa kusina. Sa pagkain, oo, marami.



Kaya ako pumayag na pumunta na kay Papa kasi nalaman naming nahihirapan na siya magisa. Panay ang usap nila ni mama. Si mama sure naman yung pagpunta niya dito. Kami ni Kari ang alanganin. Ayaw kasi naming iwan sana yung banda.



Pero sabi ko nga, hingi lang kami ng sign.



Actually, mababaw lang yung sign na hiningi ko.



Sabi ko lang, may marinig lang akong boses ng babae na kumakanta. Aalis ako.



Weird ba?



Kaso nung time bago yung performance namin sa school fair. Nakatambay lang kami ng banda nun. Walang magawa tapos puro booths lang yung nasa field.



FLASHBACK FEW HOURS AGO.


Eh biglang may nag-announce dun sa isang Your Song booth. Ang korni nga ng pangalan eh.



“Hi Good afternoon everyone! This is Erin Dizon, your DJ for the rest of the day since break na ng pakner ko. And we are giving chances to everyone who wants to sing to their special someone. Wala ng requests but you can sing. It’s up to you if you want to sing anonymously para secret admirer ang dating. Pero pwede ring magpakilala para ramdam yung effort.”



Ang korni naman.



“Pre, kantahan ko kaya si Kari?” Tanong ni Dale na nasa tabi ko.



”Wala kaya si Kari dito, nasa bahay.” Sagot ko.

Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon