The Band of Friendship. (5 of 5)
The friend, the listener, the selfless, the brother and the hurt .
DALE. The Hurt.
Wala akong ibang mapuntahan. Pagkagaling ko sa bar, bumalik lang din ako sa tapat ng bahay nila Kari. Walang ilaw na nakabukas. Lahat patay. Sobrang dilim.
Parang yung buhay ko ngayon. Yung nararamdaman ko.
Sobrang lungkot. Sobrang sakit.
Mahal ko siya. Sobra.
Sinipa sipa ko yung kotse. Walang epekto. Mas nasasaktan pa rin ako sa pagalis niya. Sa pagtanggi niya sa akin.
Akala ko pa naman eto na yung pinakamasayang gabi ko. Ngayon na dapat ako magtatanong eh. Dapat kasama ko siya ngayon at nagcecelebrate kami dahil finally, kami na sana. Pero wala, pumitik.
Nabalik lang ako sa huwisyo ng magring ang phone ko. “Bubwit, uwi na.” Seryosong sabi ni Papa sa kabilang linya.
“Pero pa, baka bumalik siya..” Nanginginig pa boses ko.
”Umuwi ka na. Hinihintay ka na ng mama mo. Kanina pa nag-aalala si bebs. Anong oras na oh? Umuwi ka na, dito natin pagusapan problema mo.” Nagpaalam na rin ako. Wala naman akong laban kay papa. Lalo na kay mama.
Tinignan ko ng huling beses ang bahay chaka sumakay sa kotse at umalis na.
Hindi ko alam kung kaya kong alisin si Kari sa sistema ko. Nagawa ko kay Roxanne dati.
Hindi ko alam kung magagawa ko sa kanya.
Dahil ngayon ko lang ’to naramdaman eh.
Pagdating ko sa bahay naabutan kong nakaunan si Mama sa lap ni papa. Nakakainis. Hindi ko na yata mararanasan yung ganyan.
”Bebs, dito na si bubwit.”Dahan-dahan namang nagigising si mama. Pagkakita sa akin agad akong niyakap.
“Baby, wag ka ngang ganun. Magpaalam ka kapag late kang uuwi. Tignan mo oh, madaling araw na.”Sabi ni Mama sa akin. Himala nga hindi siya hinila ni papa palayo eh.
”Dale, sumunod ka sa ’kin.” Ngayon ko lang narinig si papa na ganito kaseryoso. At lalong madalang niya kong tawagin sa pangalan ko.
”Bebs..”
”Bebs, maguusap lang kami nitong anak mo. Usapang lalake, okay? Matulog ka na.” Hinalikan pa ni papa si mama sa noo tapos sinenyasan na ko ni papa na sumunod sa kanya. Hay nako, kelan ko kaya mahahalikan ng ganun si Kari?
AH ANO BA.
Kari ako ng Kari dito.
Eh wala na nga yung tao.
Iniwan na ko diba.
Tinanggihan na yung pagmamahal ko.
Bwisit.
Ang sakit.
”Oh.” Inabutan ako ni papa ng beer in can. Ewan ko san niya galing. Baka pinaghandaan niya ‘to.
“Sa susunod kung gusto mong maglasing, dito na lang sa bahay. Wag mo ngang pinag-aalala mama mo.” Sabi ni Papa.
”Sorry, pa.” Nakita siguro ako kanina nila Tito Keen sa resto. Nagsumbong. Pambihira.
”Pa, paano mo nagawa yan? Paano mo nakaya yung sa inyo ni mama?”Tanong ko habang nakatitig lang sa pool namin dito sa bahay.
“Lahat naman kinakaya basta mahal mo eh.”
”Paano kung mahal mo nga, pero di ka naman mahal?” Tanong ko kay papa na nagbabad ng paa sa pool.
”Bubwit, yang pagmamahal na yan, di naman yan basta-basta. Pinaghihirapan din yan. Si Kari, baka mahina lang loob non ngayon. Siraulo ka kasi eh. Pero ayaw ko ng ipamukha sayo, supalpal ka na eh.” Sabi ni papa at parang naiinis sa akin.
”Kapag may mahal ka, gagawin mo lahat wag lang siyang mawala. Gagawin mo lahat para mahalin ka niya pabalik. Ngayon kung wala talaga? Suko na. Tama na.” Dagdag pa niya.
”Mahal ko naman siya eh. Pero bakit kung kelan okay na ang lahat, dun pa siya sumuko?”
”Siguro kasi napagod na siya. Bigyan mo lang ng panahon, baka pagbalik niya, malay mo, ikaw pa rin?” Sabi ni Papa at tumayo na.
”Pano kung hindi na? O kaya pano kung sumuko na lang din kaya ako?”
”Nasa sayo yun. Pero isipin mo.. sa buong panahong nasa tabi mo si Kari, kelan ka niya sinukuan?”
Tumalikod na si papa at pumasok na sa bahay.
Badtrip.
Lalo lang akong nasaktan.
Tama bang iparealize pa ni papa yung katangahan ko? Tama bang ipamukha niya sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit wala na si Kari?
Siguro, oo.
Ako naman talaga eh.
Pero mahal kita, Kari.
Mahal kita, kaya hihintayin kita.
Hihintayin kita, dahil mahal kita.
____________________________________________________________________________
Sa sarili ko 'to dedicated. Ako na kasi ang loveteam ni Dale. HAHAHA. Shempre ako lang walang pakner. =_= Hahaha. Kainis.
BINABASA MO ANG
Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)
Fiksi RemajaDalawang pusong pinamanhid ng kahapon. Dalawang pusong pinatigas ng mahabang panahon. Dalawang pusong pinagkaitan ng huling pagkakataon. My Ex-Suitor Season 2: Happy Never After. Erin Dizon © 2012 All Rights Reserved.