Page 01 – Dale’s First Project.
SEAN
“Ano? Titigan na lang ‘to? Di ba kayo naiinitan sa suot niyo? San ba tayo sasakay? Dyan? Hanggang bahay? Seryoso?” Sunud-sunod kong tanong sa kanila. Nagjojoke lang naman ako. Masyado na kasing matagal ang titigan ng kapatid ko pati ni Dale.
“Dami mong tanong, brad. Halika na nga, iwan na natin yang dalawa. Dun tayo sa wheels ko.” Inakbayan naman ako ni Kenneth tapos dinala ko sa tapat ng silver montero sport.
”Sayo yan, brad?” Tanong ko. Ayos eh, ganda ng wheels tapos biglang may lumabas mula sa driver’s seat.
“Ken-Ken, dalian niyo nga, nagko-cause tayo ng traffic dito eh.” Babae? Ken-ken ang tawag sa tukmol na ‘to?
“Ah, girlfriend ko pala. Dee-dee, ‘lika muna dito. Ako na magdrive.” Pinakilala niya naman si Dianne na according to Kenneth eh one year girlfriend na niya. Akalain mong may lovelife na ‘to. Eh yung dalawa kaya?
Bigla namang may sumunod na isang McLaren at isang porsche ang dumating at nagpark sa harap at likod ng Montero.
“Hi guys!” Sigaw nung driver na nasa harap ng montero at nagbaba pa ng shades. Hanep, babae? McLaren? Porsche naman yun isa. Sht lang.
“Uy Erin! Buti nakasunod kayo. Pre, mamaya na namin papakilala mga chix namin.”Sabi ni Caloy dun sa babae sa may McLaren na binatukan naman ni Luke.
“Chix ka dyan. Nasa loob lang yung girlfriend namin ’tol. Pakilala namin mamaya, ayaw naming mainitan eh.” Sabi ni Luke.
”Luke! Andito si Cheska.” Sigaw nung mula sa Porsche. Bakit parang pamilyar yung boses niya? Tapos yung si Erin. Pamilyar yung pangalan.
“Pre, sa amin ka na sumabay. Dakilang driver yang si Erin at Roma ng dalawang lovebirds. Ewan ko pano sila magkasya dyan. Magkakandungan na lang siguro.” Sabi ni Kenneth na parang nang-aasar. Sakto namang pumunta sa harap namin yung Erin at Roma.
”Baliw ka? Sayo kami sasabay.” Sumakay naman agad-agad yung Erin sa back seat ng montero.
“Hay nako, ginawa pa kasi kaming driver eh. Sige na. Hoy Luke, alagaan mo Porsche ko ah.” Sabi ni Roma bago tumalikod. Pamilyar talaga yung boses niya.
“Caloy! May makita lang akong gasgas dyan, gagasgasan ko si Pat kala mo!” Sigaw ni Erin mula sa bintana. Sino naman yung Pat? Ah, baka yun yung chix nga ni Caloy.
Sumunod naman ako dun sa Montero. Eh si Dianne na yung pinasakay ko sa harap para taba sila ng KenKen niya. Kaya pagkasakay ko naman sa backseat, si Roma yung katabi ko.
”Uh, hi!” Sabi ko sa kanilang dalawa ni Erin.
”Hi din. Welcome home! Teka. Iiwan na ba natin si Dale dun?” Tanong ni Roma.
“Bahala na si Dale dun, diskarte na niya.” Si Kenneth ang sumagot.
”Sure kayo? Baka mapano si.. ano.. Ay ano nga pala pangalan ng kapatid mo?” Tanong pa ni Roma sa akin.
”Ah, Kari.” Sabi ko ng nahihiya.
”Roma nga pala. Sean diba?” Inextend niya yung kamay niya sa akin na pagkahawak ko eh parang may kakaiba. Hahanapin ko pa ba yung may-ari ng boses na hindi ko makalimutan? Eh parang di na kailangan eh.
BINABASA MO ANG
Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)
Fiksi RemajaDalawang pusong pinamanhid ng kahapon. Dalawang pusong pinatigas ng mahabang panahon. Dalawang pusong pinagkaitan ng huling pagkakataon. My Ex-Suitor Season 2: Happy Never After. Erin Dizon © 2012 All Rights Reserved.