•Entry 1•

3K 58 2
                                    

Dear Diary,

Napaka boring nang araw na to. Pano ba naman hindi pa rin nahahanap si X. Nung Grade 7 pa lang ako hinahanap ko na yun pero hanggang ngayon hindi pa rin nila nakikita. Hay!  Enough na muna nga sa usapang X.

Alam mo ba diary nakita ko na naman ung crush ko na si Kenneth. Nakasabay ko syang pumila sa cafeteria. Kaso nung nakuha ko na yung order ko pagtalikod ko nasa likod ko na pala si Kenneth ayun tuloy nagulat ako kaya tumapon sa kaniya lahat nung inorder ko. Tinulungan ko naman syang magpunas tapos nag sorry pa ko kaso alam mo ba ang masakit diary. Yung sinabihan niya ko ng

" Bwiset ka talaga Ekang noh. Napaka bobita mo talaga" tapos sabay kuha ng juice sa katabi niyang table then binuhos niya yun sakin sabay alis. Pagka alis nya sabay sabay na sumigaw ung mga ka schoolmate ko ng " Bobitang Ekang, Bobitang Ekang" paulit ulit nilang sinabi yun kaya hindi ko na kinaya diary kaya umalis na ko. Kaso may nakalimutan pala ko. Yung tatlong piso kong sukli ay nakalimutan kong kuhanin sa cashier kaya bumalik ulit ako sabay sigaw ng:

"Oh! Diba sayang yung pag wawalk out ko. Sorry nakalimutan ko pala yung sukli ko. Weyt lang kukuhanin ko lang. Tapos pag nakuha ko na tsaka kayo ulit sumigaw ng bobitang ekang bobitang ekang tapos mag wawalk out ulit ako noh. Promise hindi na ko babalik. " pagkatapos ko yung sabihin alam mo ba tumawa sila tapos sumigaw ulit sila ng "BOBITANG EKANG" with matching tawa pa kaya nag walk out na ulit ako. Wala na kong nakalimutan kaya hindi na ulit ako bumalik dun. Hay! Salamat naman dahil sa pagkakataong ito hindi nasayang ang pag wawalk out ko.  ^_^

Yun lang naman yung importanteng nangyare ngayong araw. Wala na kong makukwento sayo diary ah. Bukas na lang. Babay.

                             Nag wawalk out,
Bobitang Ekang
                       

******

Author's Note:

First time ko pong gumawa ng diary kaya sana wag niyo po tong i-judge. End comment po kung gusto nyo ng entry 2.Just follow me and kindly read and vote my other stories. 

Diary ng Bobitang si EkangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon