•Entry 4•

705 11 1
                                    

Dear Diary,

Naiinis ako ngayon na may halong tuwa. Gusto mo bang malaman kung bakit? Sigi sigi! Sabihin ko sayo.

Habang nag lelesson kanina si Mr. Fortalejo about sa bacteria bigla akong sumigaw.

"Ang sama mo sir! Pumapatay ka!" sigaw ko. Yung mga kaklase ko inaabangan kung ano ang susunod kong sasabihin.

"What's your problem Ms. Dela Cruz?" nagtatakang tanong sakin ni sir.

"Sir bakit mo nagagawa yun? Bakit ka kumikitil ng buhay? Buhay ang mga bacteria diba? Bakit mo sila pinapatay? " pagkasabing pagkasabi ko nun nagtawanan ang mga kaklase ko at sabay sabay sumigaw ng.

"Bobitang Ekang, Bobitang Ekang" hala! Bakit sinasabi nilang bobita ko eh tama naman ako ah. Pumapatay si sir!

"Ms. Dela Cruz get out of my class now!!! " gigil na gigil na sigaw ni sir kaya ngamadali akong lumabas. Pero sumigaw pa ko.

"Ipapakulong kita sir! " sabi ko sabay takbo. Rinig na rinig ko pa yung tawanan nila.

Habang tumatakbo ko nakabungguan ko si Kenneth. Kakausapin ko sana sya kaso nilagpasan niya lang ako.

Hala! Baka nabulag na rin si Kenneth. Bakit hindi niya ko nakita? Hay! Titigilan ko muna nga si Kenneth para makapagpahinga sya.

Alam mo diary mahal na mahal ko talaga si Kenneth. Tulungan mo ko ha diary. See you again.

Magpapakulong kay sir,
Bobitang Ekang.

Diary ng Bobitang si EkangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon