•Entry 7•

22 0 0
                                    

Dear Diary,

Ngayong araw ay balik eskwela na ko. Nakita ko kanina si Kenneth dahil may mata ko. Hahahaha joke lang. Yun nga nakita ko sya tapos tinanong ko kung nakapunta ba sya sa debut ko kase hindi ko sya nakita.

"Hindi ako nakapunta kase may mas mahalagang akong bagay na pinuntahan." sinabi niya yan in a cold tone at umalis na lang bigla sa harap ko. Natatae siguro yun.

Kaya yun dumiretso ko sa room namin at nagturo na yung teacher ko sa Filipino. Nakakabagot kaya ang ginawa ko ay naghagis ako ng binilog na papel sa ulo ng kaklase kong si Dave.

"Sino yun?" tanong niya, sa napakalakas na boses kaya napukaw niya ang atensyon ni Maam.

"Anong nangyare sayo Mr. Santos?" Maam said.

"May bumato po kase sa akin ng papel." sabi niya habang nakayuko.

"Sino naman ang bumato kay Dave. Umamin na kayo dahil ipapadala ko kayo sa guidance sa pangiistorbo sa klas----"

"Maam,  hindi po talaga ko yun." sigaw ko dahil nagha-hallucinate na ko.

"Miss Dela Cruz hindi kita sinisisi."

"Ay hindi po ba ko. Pero hindi po talaga ako yun"

"Okey okey. Dumako na tayo sa ating lesson dahil alam na natin kung sino ang bumato" bumalik na kami sa klase namin pero lutang pa rin ako sa nangyare kanina. Bigla na lang akong kinalabit ng katabi ko at sinabing tinatawag daw ako ni Maam.

"Anong nangyayare sayo Ekang. Bakit ka tulala. Naka-apat na tawag na ko sayo." malungkot na sabi ni maam. Hindi sya madaling magalit dahil matanda na sya at baka atakihin sya.

"Maam, iniisip ko pa rin po kung bakit niyo nalaman kung sino yung bumato kay dave kahit wala pa naman pong umaamin." pagkasabi ko nun nagtawanan ang mga kaklase ko at sumigaw na naman sila ng favorite line nila.

"BOBITANG EKANG, BOBITANG EKANG"

"Miss Dela Cruz maupo ka na." hinihilot ni maam ang sintido niya habang sinasabi yan.  Umupo na ko at hinintay matapos ang klase.

Nambato ng papel,
Bobitang Ekang

Diary ng Bobitang si EkangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon