•Entry 8•

19 0 0
                                    

Dear Diary, 

Sow yun na nga. Matapos ang pangyayare kahapon sikat na naman ako. Dahil tuwing dadaan ako lagi silang tumatawa at sasabihin "Hello Bobitang Ekang" tapos tatawa ulit. Oh diba instant sikat ako.

Tsaka diary may another news ako sayo, hihihi may natutunan kase ko kay mommy. Tungkol sa pagiging malinis.

*****

Nagising ako dahil sa lakas ng bunganga ni mommy kaya bumaba ako.

"Bakit naman nakalimutan mong magbayad ng tubig. Binigyan kita ng pambayad diba?" pinapagalitan ni mommy si manang dahil hindi pala to nakapagbayad ng tubig.

"Eh maam,  pasensya na po. Nagkaroon po kase ng sakit yung asawa ko sa probinsya kaya po naipadala ko dun yung pera. Wala naman po kayo ni Sir David kaya hindi ko po nasabi. Pasensya na po mam. Ndi na po mauulit." mahabang litanya ni manang. Tumingin ako kay mommy at nakita kong hinihilot nito ang kaniyang sintido.

"Sige sige okey lang. Umuwi ka muna sa probinsya niyo at ng maalagaan mo yung asawa mo. Ako na lang ang magbabayad ng tubig. Tsaka manang, may stock ba tayong tubig? " tanong ni mommy.

"Maam wala na po e.  Nagamit po kanina ni Sir David. Maaga po kase syang pumasok." nakyukong sabi nito. Sumingit na ko dahil baka magalit ulit si mommy.

"Mommy, wag ka ng maligo. Kahit naman hindi ka maligo you look like a fresh. " sabi ko at bahagya naman itong natawa.

"Anak! You look fresh lang." nag peace sign lang ako. "O siya sige hindi na ko maliligo. Manang sumabay ka na sakin at ng maihatid kita dun sa sakayan ng bus." sabi ni mommy kaya kinuha agad ni manang ang ilang piraso niyang damit.

"Ikaw naman Francheska maging independent ka ngayon dahil wala yung iba nating katulong. Nag day off sila kaya wala kang kasama dito sa bahay. Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kabobitahan." sabi ni mommy habang tinatahak ang daan patungong garahe.

"Yes mommy!!! " wika ko at nag salute pa. Pumasok na si mommy sa kotse at dumiretso naman si manang sa shotgun seat.

Nang makaalis na sila ay pumasok na ko ng bahay at nakaramdam ako ng gutom. Dahil hindi naman ako sanay magluto at naubos na kagabi ang cereal at milk sa ref,  kailangan ko na lang mag init ng tubig. Magkakape na lang sana  ko kaso naalala kong naputulan nga pala kami ng tubig kaya pumunta ko sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin.

Nang makapagtimpla na ko ay biglang dumating si mommy. Tinimpla ko na rin sya pero nakita ko yung mukha niya na parang nagtataka.

"Bakit mommy?" tanong ko.

"San ka nakakuha ng tubig? Gayong naputulan tayo ng tubig. Nasa bakasyon din ang mga kapitbahay kaya hindi ka makaka hingi sa kanila. So tell me,  san mo nakuha yang tubig na ininit mo. Siguraduhin mong hindi ka na naman gumawa ng kabobitahan ha." sabi nito. Napangiti ako at tinanguan sya. Inabot nya na ang kape mula sa akin at dahan dahan syang humigop.

"Mommy hindi naman po diba kabobohan yung pagpapakulo ng tubig gamit ang tubig sa inidoro diba?" tanong ko pero imbis na sagutin niya binugahan niya ko ng kape at dire-diretsong nagtungo sa lamesa at tinapon ang kape ko.

Hala! Sayang naman. Dumiretso ulit sya cr at nagtooth brush ng tatlong beses habang sinasabayan ng pag mumumog ng mouth wash.

Pagkatapos ay humarap sya sakin habang nanlilisik ang mata.

"FRANCHESKA DELA CRUZ!!!!! ano sa tingin mo ang ginawa mo? Anong kabobohan na naman to? Alam mo bang napakadumi ng tubig na yun. Naghalo-halo ng ang mga germs dun tapos ipapainom mo sakin. Listen to me! Pag alam mong madumi ang isang bagay wag mong gagamitin sa pagkain o inumin. Pwede kang magkasakit dun. Hay! Francheska pinapasakit mo ang ulo ko." sinasabi yan ni mommy habang patungo sa kinaroroonan ko.

"Sorry Mommy. Hindi na po talaga mauulit. Sorry po talaga. " sabi ko pero umiling lang si mommy at nagtungo sa kwarto niya.

**********

Grabe diary! Madumi pala yun. Hindi ko na talaga uulitin yun. Baka magalit ulit si mommy sakin. Ayos na kami ngayon kaya hindi ko na sya gagalitin.

Nagpakulo ng tubig galing sa inidoro,
Bobitang Ekang.                 

Diary ng Bobitang si EkangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon