Mariella's POV
Discuss
Discuss
Discuss(Next Subject)
Discuss
Discuss
Discuss(RINGGGG)
Nag-ayos na ako ng aking gamit at lumabas ng room para pumunta ng canteen at maglunch. Habang kumakain ako nakita ko sa harapan kong nakatayo si Christian.
"Pwede bang makiupo dito?" Christian.
"Sige, patapos a rin naman ako."
"Sige" tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. Pupunta muna ako sa library hanggang di pa nagkaklase.
"Mauuna na ako Christian."Ako
"Sige! Mag-iingat ka Mariella" si Christian.
"Salamat"
Napagisipan kong pumunta sa library maghahanap ako ng libro tungkol sa English Literature at Mathematics 9. Nagbabasa na ako ng may nakita akong nakatayo sa harapan ko.
"Miss, pwede makiupo?" di ko siya kilala pero matangkad, gwapo, maputi, pink ang labi na parang nang-aakit. Mukha siyang mabait.
"Sige" Maya-maya naisipan ko ng umalis ng library kase magsisimula na ang klase ko.
Tumingin-tingin ako sa ibang lamesa pero maraming bakante pero hindi dun umupo ang lalake nakakapagtaka lang na umupo siya sa harapan ko at mukhang ngayon ko lang siya nakita sa school na ito.
Naglalakad na ako sa corridor papunta ng room namin nasa second floor lang naman ang room namin kaya narating ko agad. Ng makarating na ako ng room namin magkasunod lang kami pumasok ni Mr. Jao. Napansin kong kasunod rin ni Mr. Jao si Christian. Umupo na ko sa aking upuan ganun din si Christian.
"Oh? kakarating mo lang?Kala ko kaya ka umalis kanina dahil pupunta ka dito?" si Christian
"Oo eh! Kakatapos ko lang magbasa."Tumahimik na kami ng magsimula ng magklase si Mr.Jao.
Madaling natapos ang klase buong klase nga 1st day of school wala pang masyadong ginagawa.
Napagdesisyonan kong umuwi na kase wala naman akong gagawin.Pumunta na ako sa parking lot ng school para kunin ang kotse ko. Nagdrive na ako pauwi at ng magpark ako ng sasakyan sa garahe nakita ko na dun ang kotse ni Kuya. Pagkapasok ko ng mansion nakita ko si Manang Fe na nagluluto ng miryenda.
"Oh Iha,andiyan ka na pala.Halika magmiryenda ka muna" si Manang Fe ang nag-aalaga samin ni kuya pag wala sina mommy.Matagal na rin siya dito.Simula bata kami andito na siya.
"Opo Manang"umupo na ako sa lamesa at hinanda ni manang ang miryenda may brownies at orange juice.Ito ang paborito kong miryenda.
(^_^)
"Ang sarap po" tuwang-tuwa na sabi ko.
"Dahan-dahan lang iha baka mabulunan ka!" Medyo may pag-alala sa sinabi ni manang pero kita ko sa kanya na tuwang tuwa siya habang tinitingnan akong kumain.
"Asan po pala si Kuya?"
"Nasa taas na ang kuya mo nauna lang siya ng ilang minuto bago ka dumating." si Manang.
Inubos ko ang kinakain ko at pumunta ako sa kwarto.Kahit wala akong ginawa feeling ko pagod na pagod pa rin ako. Kinuha ko ang aking laptop at nagopen ng aking facebook. Isang linggo na pala akong hindi nakakapag-open.
1000+ friend requests
51+ messages
99+ notificationsInopen ko muna lahat ng notifications, messages, at friend requests. Nagtitingin ako sa news feed ko ng maramdaman ko ang antok. Isasara ko na sana ang aking laptop ng biglang may lumabas na notif sa messenger ko.
Christian James Torres:
Hi Mariella:)Mariella Czarina Lopez:
Hello Christian.Christian James Torres:
Anong ginagawa mo?Mariella Czarina Lopez:
Wala naman.Christian James Torres:
Sige magpahinga ka na lang muna.Mariella Czarina Lopez:
Sige.Nakatulog ako sa aking kama nagising ako ng 9:02 p.m. Naisipan kong bumaba dahil nagugutom na ako nakita ko si manang sa kusina nagaayos ng pinagkainan.
"Manang?dumating na po ba sina daddy?" Nagtitingin ako sa ref ng kakainin pero kumuha na lang ako ng gatas.
"Oo iha, kanina pa sila nandiyan ng mommy mo." Si manang.
"Oh sige po." Ininom ko na ang isang basong gatas at naisipang umakyat na lang ulit sa aking kwarto.
Naisipan kong tumulog na lang ulit para magising ako ng maaga bukas.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please Vote, Comment and Follow the story. Thankyou!:)
Please visit the Following if you want fast updates!
Facebook:
Marielle Buhay Maming
Twitter:
@buhay_marielle