Chapter 3

73 14 9
                                    

Mariella's POV

Alas-singko na ng ako ay nagising pero masyado pang maaga para pumasok ako kaya naisipan ko munang libutin ang mansyon.

Pagkalibot ko ng mansyon ay nakita ko sina manang na naghahanda na ng umagahan para sa amin.

"Manang, tulong na po ako." Habang kinukuha ko ang mga plato kinuha ito sa akin ni manang.

"Hindi na iha, maupo ka na lang diyan at ipaghahanda kita." Nakangiting sabi ni manang sa akin.

Matagal na si manang na naninilbihan sa amin, siya rin ang nag-aalaga noon kay mommy kapag nasa ibang bansa sila lola dahil sa trabaho.Kaya naman itinuturing na namin na kapamilya si manang at ang mga anak niya kapag pumupunta dito sa mansyon.

Pagkatapos kong kumain naisipan ko ng maligo para makapagayos sa pagpasok.

Habang naliligo naalala ko yung lalaki sa Library.

(>_<)

"May girlfriend na kaya siya?" Sa isip-isip ko siguro wala naman. Hindi naman siguro siya uupo sa may upuan ko kung meron.

Natapos na kong maligo pero hindi pa rin nawawala sa isip ko yung lalaki.

Ang ipinagtataka ko lang bakit siya umupo sa may harapan ko kahit marami namang bakanteng upuan?.

(¤_¤)

"Hay Naku! Bakit ko ba siya iniisip? Napaparanoid ako sa lalaking yun."

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ko para kumain.

Kumuha na lang ako ng pagkain para sa school na lang ako kumain hindi pa naman ako ginugutom dahil kumain na naman ako kanina at saka wala naman sina Mommy kaya nagpasya na akong umalis, nagpaalam lang ako kay saglit Manang at umalis na ko.

Naglakad na lang ako papasok dahil ilang minuto lang naman ang paglakad papuntang school.

Pero habang naglalakad ako nakita ko si Christian.

"Oy, Christian sabay na tayo!" Sigaw ko kay Christian na nasa kabilang kalsada.

"Sige, saglit lang pupunta ako dyan!" Nakangiting sigaw ni Christian.

"Christian!!! Tabi!!!" Hindi napansin ni Christian ang mabilis na Van na paparating  tumakbo ako at tinulak siya papunta sa kabilang kalsada.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry po kung nabitin kayo sa update koooo.

Please Vote, Comment, and Follow! (^_^)

Please visit the Following!

Facebook:

     Marielle Buhay Maming

Twitter:

    @buhay_marielle

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinagtagpo, Pero Hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon