Alyssa's POV"Zarah, sikat na ba tayo? Bakit maraming tao ang nakatingin sa atin?" Tanong ko sa kanya pagpasok namin kinabukasan. Ang weird lang kasi halos lahat ng estudyanteng dinadaanan namin pinagtitinginan kami. Nacoconcious tuloy ako.
"Tumahimik ka nga. Wag mo lang pansinin ang mga 'yan." Sabi niya pero may mali talaga eh. Hanggang sa makapasok kami sa room namin kanya-kanyang bulongan ang naririnig ko.
Hindi ko na natiis kaya siniko ko si Zarah pagkaupo namin.
"Ano?" Ang aga-aga bakit nagsusungit na naman ang bruhang 'to? "Wala."
Ngumuso ako. Wag na nga lang. Sa sama ng timpla ng mukha niya baka mamaya ako pa pagbuntunan ng galit eh inosente naman ako.
"Ally." Huminto sa harapan namin si Hazel, isa sa mga kaklase namin. Tumaas ang kilay ko nang ituro niya ang lalaking nasa labas. "May naghahanap sa'yo."
"Hindi ko kilala ang unggoy na yan." Pagtataray ko pero biglang tumahimik ang nasa loob ng room at napatingin silang lahat sa akin. Lalo na yung mga babae na para bang gusto nila akong kalmotin.
Teka, ano na naman ba ang ginawa ko? Bakit ang sama ng mga tingin nila?
"Tss." Wala akong magawa kundi tumayo. Magpapasama sana ako kay Zarah kaya lang natutulog na pala ang bruha. Walanghiya.
Di bale na nga. Haharapin ko siya ng mag-isa.
Ramdam kong nakasunod ang mga mata sa akin. Nacoconcious pa rin ako sa sarili baka kasi nakalimutan kong maghilamos kanina. Nilalagnat kasi ako kaya di na 'ko naligo.
Pinilit kong magmukhang masungit kahit di ako sanay at taas noong lumabas ng room namin.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko at nag-angat siya ng tingin sa akin. Aaminin ko, ang cool niyang tignan habang nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Napalunok ako nag magtama ang paningin namin.
Shit, ang ganda ng mga mata niya.
"Ally," nabura ang ngiti niya nang makita ako. Umatras ako nang sumimangot siya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Tinatanong pa ba yan? Eh may unggoy raw na naghahanap sa akin?" Sarkastikong luminga-linga ako sa paligid. Mas lalong nasira ang mukha niya. Pfft. Gwapo sana pero masama naman ang ugali. Sayang talaga.
"Ginagago mo ba ako?"
"Ano? Naghahanap ka ba ng gulo, ha?" Nagtitigan kaming dalawa. Yung tipong kulang na lang may kuryenteng dumaloy sa gitna sa sama ng titig namin sa isa't-isa. "Ikaw 'tong nagpatawag sa akin tapos aawayin mo lang ako?"
"Si Ally ang hinahanap ko, hindi ikaw.
"Ako nga! Tignan mo o!" Ipinakita ko ang ID sa kanya. "Alyssa ang pangalan ko pero Ally ang tawag nila sa akin!"
Tumawa siya at huli na nang marealize ko na mukha pala akong bubwit na kwago sa aking ID picture. Shit nakakahiya. "Wag ka ngang tumawa diyan!"
"Sorry to tell you, pero hindi ikaw ang Ally na hinahanap ko." Bulong niya sa akin at natigilan ako. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga kaya wala sa oras na napalunok ako. "I'm looking for Allyson Valdega, not you. And she's way prettier than you kaya wag masyadong lumaki ang ulo."
He smirked bago nilagpasan ako at pumasok sa room namin. Iniwan niya akong tulala at namumula dahil sa inis at hiya.
"Gago! Sana sinabi mo kaagad!" Naiinis na pinagsisipa ko ang pobreng trashbin na malapit sa akin. Iniimagine ko na mukha niya ang sinisipa ko. Walanghiya talaga.
Nadale ako dun, ah.
"Arrgh! Nakakahiya!" Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyanteng dumadaan. Akala yata nila nababaliw na ako. Oh well, malapit na talaga.
Malapit ko nang masapak ang lalaking yun.
Claude Sebastian's POV
"Bitiwan mo nga ako!" Nagpumiglas siya pero di ko siya hinayaang makawala. Dinala ko siya sa rooftop kung saan walang tao at pwede kaming mag-usap dalawa.
"Ally," hinila ko siya papunta sa akin at niyakap ng mahigpit. God knows how I miss her so much. Ramdam kong nagpupumiglas pa rin siya pero ilang sandali pa ay tumigil na siya.
"A-Ano ba, Claude? Baka may makakita sa ating dalawa."
"Kahit five minutes lang," bulong ko sa kanya. Wala akong pakialam sa kanila. Mas importante si Allyson sa akin. "Please."
"Okay."
Hinayaan niya ako. Hindi ko napigilan ang sarili at hinaplos ang buhok niya. I really miss her a lot. It drives me crazy knowing na iniiwasan niya ako nang dahil sa aking pamilya.
My mom threatened her na tatanggalin nito ang scholarship niya pag hindi siya nakipaghiwalay sa akin. At first, I tried to convinced her na tutulungan ko siya pero kalaunan wala akong nagawa kasi dinadamay ni Mom pati ang pamilya niya.
Just for that shitty marriage. Hindi ko aakalaing gagawin niya ang lahat para lumayo sa akin si Allyson.
"Claude, may fiancee ka na." She pushed me away. Nasaktan ako sa ginawa niya pero mas pinili kong ngumiti at hawakan ang mukha niya. "She ran away, Ally. She ran away from me."
Kung pwede lang kami mismo ang lumayo mula sa magulo kong mundo, gagawin ko. Kaya lang, takot si Allyson at hindi niya kaya.
"Sorry Claude, pero hanggang dito lang tayo. Wala nang magbabago." She coldly said at iniwan akong mag-isa. I stared blankly at her fading silhoutte. Pain started to consume me at napayuko na lang ako.
Damn. Bakit ang hirap? Bakit ako lang ang lumalaban sa aming dalawa?
Masakit. Ayokong sumuko siya. Hindi ko kaya. Ayokong bumitaw sa kanya.
Ayokong kalimutan siya.
"Wow." Natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Speaking of the devil. Tinignan ko ng masama ang babaeng lumabas mula sa bakal na pintuan ng rooftop.
What is she doing here?
"Nag-away ba kayong dalawa? Bakit umiiyak si Allyson?" Nainis ako nang makitang umaakto siya na parang walang alam sa nangyari. That's it. Ubos na ang pasensiya ko. Galit na lumapit ako sa kanya at dinuro siya.
"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo ang lahat! Nang dahil sa'yo, lumayo sa akin si Ally!"
"Woah! Teka lang dude!" Itinulak niya ako pero wala itong lakas kaya hindi ako natinag. "Hindi ko alam kung ano ang pinagdaan mo, pero kasalanan ko ba na parehong Ally ang tawag sa amin? Hindi diba? Saka si Hazel ang nagkamali! Bakita ako ang sinisisi mo?"
Fuck. She's acting innocent. Asar na naitulak ko siya papunta sa may dingding. Medyo napalakas ito at nakita kong nasaktan siya pero masyado akong galit para maawa sa kanya.
"You." Dinuro ko siya. "You are a goddamn bitch who destroyed everything."
I wanted to shout at her, cursed her, make her feel my pain pero di ko nagawa.
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Natigilan ako nang makita siyang umiiyak. Shit. I went that far. "Wala akong naiintindihan."
Natahimik ako. I know I'm a jerk pero kailan man hindi ko gustong magpa-iyak ng babae. Lalo na pag sa mismong harapan ko.
I hate it. It makes me weak.
"Nacurious lang naman ako kaya sinundan ko kayo rito. Pero wala naman akong narinig eh. Wala akong alam sa pinagsasabi mo."
Damn! Paano ba magpatahan ng babae? Allyson never cried infront of me kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
"Sorry-" Nagulat ako nang bigla siyang matumba. Buti na lang nasalo ko kaagad siya. Ngayon ko lang napansin ang pamumutla niya.
She's having a fever!
"Pero wala talaga akong narinig. Pramis." Sabi niya kahit nanghihina siya. Sinubukan pa niyang tumayo pero pinigilan ko siya. Then she passed out. Wala akong choice kundi buhatin siya papunta sa infirmary.
"Alam ko. But still, I won't forgive you. Kailangan mong bumawi sa akin."
BINABASA MO ANG
Taming the Devil's Heart
Teen FictionClaude Sebastian Forteza. I used to hate that name.