Chapter 1 - Wrath Meets Angel

20 2 1
                                    


Alyssa's POV

"Zarah! Dito!" Tawag ko sa babaeng palinga-linga sa paligid. Kulang na lang humaba ang leeg niya sa kakahanap sa akin sa loob ng malaking cafeteria.

"Hoy bruha!"

I said the magic word and as if on cue lumingon siya sa direksiyon ko. Tignan niyo naman o. Nasanay yata sa endearment ko sa kanya. Hahaha.

"Walang hiya ka, Ally! Matapos mong mag-order ng ganito ka rami, iiwan mo ako?!" Reklamo niya sa akin at umupo sa tabi ko. Ngumisi lang ako sa kanya at kinuha ang dalawang fries, isang chicken sandwich, cheeseburger at orange juice. Gusto kong tawanan ang mukha ni Zarah dahil para siyang takas sa mental sa itsura niya.

Pero wag na. Baka lalong mabadtrip at masapak pa ako nito.

"Whoo! Muntik na akong maubusan ng hangin kanina! Biruin mo? Parang mga asong ulol ang mga tao kanina kung makipag-agawan sa pagkain. Mga patay-gutom talaga. Buti na lang maganda ako kaya ako yung unang pinansin ng babae sa counter." Lintaya niya tapos tinignan ako ng masama nang may maalala. Inosenteng tinignan ko siya habang ngumunguya sa sandwich ko na para bang wala akong kasalanan. "Isa ka pa! Ako na nga ang nag-order ako pa ang pinagbayad mo! Wala ka ba talagang konsensiya?"

"Eto namang si bespren!" Natatawang inakbayan ko siya. "Wag kang mag-alala, babayaran kita pag nakaluwag na ako."

"Naku! Pasalamat kang bruha ka at kaibigan kita! Kung hindi lang talaga kanina pa kita nasapak eh."

Buti na lang naiintindihan ni Zarah ang sitwasyon ko ngayon. Lumayas kasi ako sa amin kasi di ko na kaya ang trato ng asawa ni Daddy.

Bata pa lang ako nang mamatay si Mommy dahil sa isang aksidente. Hindi ko kinaya ang nangyari at isang taon akong nagkulong sa kwarto ko noon. Masakit eh. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang sa wala na akong mailuha.

Mahirap pero pinilit kong isipin na magiging okay ang lahat.

Pero di pala.

Dumating ang araw na ipinakilala sa akin ni Daddy ng isang babae na mukhang palaka (sa tototoo lang), siya na raw ang magiging mommy ko. Akala ko noong una mabait siya, pero habang tumatagal lunalabas ang totoong ugali niya.

At nang hindi ko na matiis ang pinaggagawa sa akin ng palakang yun, mas pinili kong maglayas sa amin.

Kaysa makagawa ng masama, mas pinili kong lumayo muna. Kasi, baka di ko na mapigilan ang sarili ko at maupakan ko pa ang babaeng yun.

So ayun nga. Hehehe. Kasulukuyan akong naghihirap ngayon habang nakatira sa maliit na apartment na inuupahan ko. Mabuti na lang kilala ko yung landlady kaya medyo mababa ang singil niya sa akin.

Hay nako. Kailan pa kaya ako makakaraos sa pagsubok na'to?

Joke lang. Hahaha.

"Wag mo nang isipin yang problema mo." Sabi ni Zarah nang mapansing tulala ako. Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. "Bakamastress ka lang at mas lalo pang pamanget yang mukha mo."

Tignan niyo, naghahanap talaga ng gulo ang babaeng 'to. Buti na lang may utang pa ako sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya.

"Andito na siya!"

"Kyaaaah! Lumingo siya sa atin!"

Tumaas ang kilay ko nang marinig ang sigawan ng mga babae sa cafeteria. Medyo nacurious ako kung ano ang nangyayari pero dahil mas importante ang pagkain, pinili kong lantakan ang cheesesburger na hawak at hindi sila pinansin.

Balakayojan.

"May artista ba?" Isa pa 'tong si Zarah. Magkakasundo talaga kami pagdating sa mga sitwasyon na'to. Wala rin siyang pakialam sa paligid at ninanamnam ang paboritong ramen niya.

"Ewan ko. Baka napapraning lang sila."

Nagpatuloy ako sa pagnguya. Ang sarap talaga ng burger nila. Kung pwede lang umorder ng marami kaso baka lalong mamulubi ako eh.

Sa susunod na lang. Pag nakuha ko na ang mana ko kay lola. Bwahaha. Humanda kayo sa akin.

"Buti na lang maganda ako."

"Kanina ka pa, ah. Wag mo ngang isingit ang kagandahan mo at baka bumagyo rito."

"Inggit ka lang eh." Ipinaglihi yata sa libro ang babaeng to kasi ang kapal talaga ng mukha. Palagi na lang ipinaglalandakan ang ganda niya. Hmpf. Kulang na lang ipamukha na sa akin na siya ang dyosa at ako ay isang hamak na tao lamang. (Naks, Hahaha.)

Eh di siya na!

"Bakit biglang tumahimik?" Tanong niya sa akin nang nawala ang mga sigawan kanina. Nagkibit-balikat lang ako at nagsign of the cross sa harapan niya. "Lumindol yata eh."

"Baliw. Eh di sana naramdaman nating dalawa."

"Oo nga no." Ba't di ko naisip yun?

Tumigil kaming dalawa sa pagkain nang may humintong lalaki sa harap ng mesa. Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Zarah at muntik ko nang mabitawan ang burger nang makita kung sino yun.

"Alis." Teka, hindi ko pala siya kilala. Sino nga ulit ang lalaking 'to? "Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?"

Naasar yata sa amin si koya kasi nakatunganga lang kaming dalawa sa kanya. Napaiksi tuloy kami nang ibinagsak niya ang tray sa harapan namin.

Uminit ang ulo ko nang mapansing natapon ang ilang piraso ng pagkain sa damit ni Zarah. Galit na tumayo ako at hinampas ang mesa kaya mas lalong tumahimik ang buong cafeteria.

"Gago ka ba, ha? Kami ang nauna rito." Hinawakan ni Zarah ang kamay ko para pakalmahin ako pero ningitian ko lang siya at hinarap ulit ang walanghiyang lalaki. "Magsorry ka."

Itinuro ko ang damit ni Zarah. Tinignan naman ako ng lalaki na parang di siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Kasalanan ko bang bingi kayong dalawa?" His piercing eyes glared at me. Pero hindi ako nagpatalo at tinignan rin siya ng masama.

"Ang sabi ko, magsorry ka." Kinuwelyuhan ko siya. "Kung hindi, sasapakin talaga kita."

Mas lalo akong nainis nang tumawa siya. Inuubos niya talaga ang pasensiya ko. Sasapakin ko na sana nang bigla akong hilahin ni Zarah palayo. Magrereklamo sana ako nang bigla niyang isinaboy sa mukha ng lalaki ang juice ko.

Wala sa oras na napanganga ako.

"Cool." Kinuha niya ang mga bag namin at hinila ako palabas ng lugar na yun.

"Bilisan mo nga!"

"Teka lang! Katatapos ko lang kumain eh!" Binawi ko ang kamay mula sa kanya at tumakbo pabalik. Naalala ko kasi ang burger na naiwan ko. "Teka! Balikan natin yung pagkain! Sayang naman kung itatapon lang yun eh!"

Humarang si Zarah sa harapan ko.

"Baliw ka ba? Gusto mong makalbo ng wala sa oras?"

"Eh sa naghihirap ako ngayon eh." Pagpupumilit ko. "Saka ano ba yang pinagsasabi mo? Wala namang-"

Napahinto ako nang makita ang cafeteria. Nang dahil sa glasswall, kitang-kita kong nakatingin sa direksiyon namin ang mga babaeng nagsisigawan kanina. Napalunok tuloy ako nang maramdaman kung gaano kasama ng tingin nila sa aming dalawa.

"May ginawa ba tayong masama?"

"Ang manhid mo talaga! Tara na nga!" Hinila ulit ako ni Zarah. Pero bago pa kami makalayo, lumabas yumg lalaki kanina at kitang-kita ko ang ekspresyon sa mukha niya.

Nakangisi siya.

Jeez. Looks like I'm in deep trouble.

Taming the Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon