Chapter 4 - The Four-eyed Jerk

14 1 3
                                    


Zarah's POV

Hello! Ako nga pala si Zarah Gonzales. Bespren ng loka-lokang katabi ko ngayon. Yes. You read it right. Isa po siyang loka-loka. Sad to say ako lang ang normal sa aming dalawa. Kaya maswerte talaga siya sa akin.

"Hoy! Umayos ka nga!" Pabulong na sigaw ko kay Alyssa. Nasa classroom kami ngayon. "Baka mamaya palabasin ka ng gurang ba yan!"

Pero hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pagtunganga at paghinga ng malalim na parang pasan niya ang buong mundo. Hala. Baka tuluyan nang nabaliw ang bespren ko?!

"Ma'am!" Tawag ko sa gurang na nagsasalita sa harapan. Nasa gitna kami ng klase kaya napatingin ang lahat sa akin. "Alyssa's not feeling well. Can I take her to the infirmary?"

"You can go, Ms. Gonzales." Masungit pero kalmadong sabi ng gurang naming guro. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi naniwala siya agad sa sinabi ko. Iba talaga pag ako ang nagsalita! Nyahaha.

Hindi nila natiis ang kagandahan ko.

"Thank you po." Siyempre, kunwari magalang daw ako. Hahaha. Pero sa totoo lang kanina ko pa siya pinapatay sa isipan ko dahil sa sobeang boring ng klase niya. Buti na lang may dahilan ako ngayon para makalabas kahit saglit.

"Saan tayo pupunta?"

"Seryoso ka ba?" Hala. Malala na yata ang saltik sa utak ng babaeng 'to. Mukhang kailangan na niya talagang ipasok sa mental eh. "Samahan mo 'ko sa cafeteria! Nagugutom ako!"

Hala. May pinagdadaanan yata ang babaeng 'to kasi wala siyang kabuhay-buhay na nagpahila sa akin hanggang sa umabot kami.

"Diyan ka lang ha." Pinaupo ko siya sa may sulok. Tumango siya sa akin bago bumalik sa pagtunganga. Naku naman! Mukhang mahihirapan ako rito pero wag kayong mag-alala!

Pagkain lang ang katapat niyan!

Pumila ako sa pinakadulo. At dahil mahaba ang pila, medyo nabagot ko sa paghihintay. Napansin kong panay  sa paglingon ang mga babaeng nasa harapan ko, pero mas pinili kong magkibit-balikat at makinig ng music sa earphones ko.

"Hello, beautiful lady." Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan nang isang mainit na hininga ang tumama sa may batok ko. Wala tuloy sa oras na napasigaw ako at nasapak ang walang hiya na nasa likuran ko.

"Ikaw na naman?!" Bakit nandito ang lalaking 'to? Akala ko ba malinaw na ang lahat sa amin? Bakit ginugulo na naman niya ako?! "Anong ginagawa mo rito?!"

"Uh, pumipila?"

Napasimangot ako nang ngumiti siya. Oo, aaminin kong gwapo ang four eyes na'to. Pero hindi ibig sabihin nun hahayaan ko na siyang makalapit sa akin ng tahimik na walang dumadanak na dugo.

"Subukan mo lang gawin ulit yun, makakatikim ka talaga sa akin." Babala ko sa kanya at pinakita ang kamao ko. Tumawa siya kaya napakunot ang noo ko. "Anong tinatawa mo diyan? Gusto mong sapakin kita?"

He raised his both hands at medyo lumayo sa akin.

"Woah, kalma ka lang." Shit, mas lalo siyang gumagwapo dahil sa dimple niya. Ang cute kasing tignan- teka nga! Umayos ka Zarah! Andito ka para kumain! Hindi makipaglandi sa nilalang na'to! "Natutuwa lang ako kasi mas lalo kang gumaganda kapag nagagalit."

"Alam kong maganda ako, di mo na kailangan sabihin." Pinilit kong magmukhang masungit at tinalikkuran siya. Deym. Bakit namumula ako? Anong nangyayari?!

Magugunaw na ba ang mundo?!

"Wow." Napahanga ako nang nawala ang mahabang pila kanina. Yung mga babaeng nasa unahan ko, nagbigay daan habang naghihintay sa may gilid. Tuluyan na ba silang nasilaw sa kagandahan ko?

"Teka lang." Didiretso sana ako sa may counter nang humarang sa akin ang tatlong babae. "Si Calyx lang ang pwedeng dumaan rito."

Tumaas ang kilay ko at pinameywangan sila.

"Padadaanin niyo ba ako o sisirain ko yang mukha niyo?" Kalmado kong tanong sa kanila pero sa totoo lang naiinis na ako dahil kanina pa ako nagugutom.

"S-Subukan mo lang! Magagalit sa'yo si Calyx!" Tignan niyo, masyadong obvious na natakot siya sinabi ko. Hahahaha. "Sino ba kasi ang Calyx na yan ha? Tawagin niyo nga't para matapos na ang kagaguhan na 'to!"

Hah. Hindi kaya ako magpapatalo.

"Are you looking for me?" Nasapak ko ulit siya. Ang kulit eh. Ayokong aminin pero kahinaan ko yang ginagawa niya. Lalo na pag tumatama ang hininga niya sa balat ko. "Aray ha! Nakakadalawa ka na!"

"Ano ba kasi ang ginagawa mo?!"

"Tinawag mo ako?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ikaw si Calyx?!" Tanong ko at tinignan niya ako ng masama.

"Tinatanong pa ba yan?"

"Sorry di kasi kita kilala." Sabi ko habang tumatawa, pang-iinis sa kanya. Alam kong kaibigan niya yung bruhong Claude pero hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. Kaya medyo nabigla ako sa sinabi niya. Iniwan ko na siya at nagpatuloy papunta sa may counter. Sinadya ko talagang banggain yung tatlong babae kanina.

"Ang kapal talaga!" Rinig kong sigaw nila pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa pag-order ng pagkain. Hintay lang kayo mga babies ko. Makakaraos din tayo.

"Pagsisisihan mo talaga ang ginawa mo sa akin." Binalingan ko si Calyx na nakatayo malayo sa akin. Natakot yata na baka masapak ko ulit! Hahaha. Mukhang natrauma siya sa ginawa ko."Talaga? Sige nga, anong gagawin mo?"

"You're gonna fall for me, Zarah Gonzales. At sisiguraduhin kong ikaw mismo ang magmamakaawa sa harapan ko."

Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Sorry, but that would never happen." Sabi ko at naglakad palayo nang matanggap ko ang pagkain. Hah! Fall for him? Nababaliw na ba siya? Sa ganda kong 'to? Akala niya yata ganun kadali ang lahat.

He called out my name. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

Shit. He's smiling at me.

"You're wrong Zarah! Because starting from now, you're already falling for me!" Sigaw niya kaya napailing ako, kahit sa totoo lang ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Gago ka talaga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming the Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon