Alyssa's POV
"Nasa langit na ba ako?" Tanong ko sa sarili nang isang puting kisame ang sumalubong sa akin. Nanghihinang bumangon ako habang dinadama aking ulo.
Shit, ang sakit talaga.
"Tanga. Nasa clinic ka." Isang pamilyar na boses ang umepal sa paggising ko. Tinignan ko ng masama ang lalaking nakaupo malapit sa akin.
"Ang galing mo ring umepal no?"
"Tss." Walangya talaga. Inirapan ba naman ako? Naghahanap yata ng away ang lalaking to! Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya? Kahapon pa siya nambibwisit sa akin eh!
"Pasalamat ka nga at dinala kita rito."
"Whatever. Kupal mo."
Natahimik ako nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa akin. Hala! Napikon yata! Aalis sana ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya napilitan akong humiga.
"Aaaah! Binabalaan kita! Basagulero ang tatay ko! Saka pulis yung kapitbahay namin!" Napapikit ako kasi ang lapit masyado ng mukha niya at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Bwiset. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko. "Kapag may ginawa kang masama sa akin, hindi ka talaga makakawala!"
Hinintay kong may gawin siya kaso wala eh. Kaya napadilat ako.
"HAHAHAHAHAHAHA. "
Huh? Bakit tumatawa ang kumag na'to? Nakahinga ako ng maluwag nang binitiwan niya ako at lumayo siya. Akala ko titigil na siya sa kakatawa pero hindi eh. Ilang sandali ang lumipas pero tumatawa pa rin siya.
"Di ka naman kagandahan eh! HAHAHAHA!"
Ah ganun?
Nainis ako kaya ibinato ko sa kanya ang unan na hawak ko. Sapol siya sa mukha.
"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!" This time, ako na naman yung tumatawa. Hindi ko napigilan ang sarili at gumulong-gulong pa talaga ako sa higaan. Kasi naman, yung mukha niya biglang nasira. Gwapo na wacky kumbaga. Hahaha!
"Yung mukha mo bwisit! Masyadong nakakatawa! HAHAHAHAHA!"
"Sumosobra ka na!" Napsigaw ko nang tumalon siya sa higaan at dinaganan ako. Namumulang itinulak ko siya palayo kasi ang bigat niya talaga. Bwiset na lalaking 'to.
"Hoy! Wag mo kong pagnasaan!"
"Asa ka pa! Ang panget mo kaya!"
Ang childish niya, grabe! Biruin niyo, yung unan na tinapon ko kanina pinulot niya saka pinaghahampas sa akin. Etong mukhang 'to? Hahampasin niya lang?
Siyempre di ako nagpatalo at kinuha rin yung unan sa tabi ko. Inihampas ko sa mukha niya.
"Umalis ka nga sabi eh!"
"Ayoko! Kahapon pa ako naiinis sa'yo!"
Wow. Nahiya naman ako. Eh siya yung nauna kahapon tapos ngayon ipapamukha niya sa akin na naiinis siya? Nababaliw na ba ang kumag na 'to?
Nagtitigan kaming dalawa. Yung nakakamatay talaga kulang na lang gumunaw nasa ang paligid namin.
Hindi talaga ako magpapatalo.
"Alyssa?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Zarah. Pareho kaming napatingin sa pintuan at andun nga siya, nakanganga sa direksiyon naming dalawa.
"Oops, bawal manood ng porn." Tinakpan ng lalaking kasama ni Zarah ang mga mata niya. Ngumisi naman yung isang may pink na buhok na para bang may nakita siyang nakakatuwa. "What do we have here?"
"Shit." I cursed nang marealize ko ang posisyon naming dalawa. Nakapatong siya sa akin habang pinipigilan ng isang kamay ang kamay kong may hawak na unan. Tapos yung kabilang kamay niya nakahawak naman sa balikat ko kasi natapon ang unan niya kanina.
We made a mistake. A huge one. Kitang-kita ko na ang resulta mula sa reaksyon ng tatlo.
Hinding-hindi sila maniniwala.
"Mali ang iniisip niyo." Sabi ko sa kanila. Pinilit ko magmukhang kaawa-awa pero alam kong hindi to uubra sa kanila.
Kahit sabihin kong may pagnanasa sa akin ang kumag na 'to at siya ang nag-umpisa, hindi pa rin sila makikinig. Alam ko yun.
Lalo na ang bespren ko.
"Ah, sorry. Nakakaistorbo pala kami." Namumulang umalis si Zarah. Napanganga tuloy ako. Bespren naman! Huwag mo kong iwan!
Di pa nga ako nag-eexplain!
"Claude, akala ko ba magkaibigan tayo?" Sabi ng lalaking may pink na buhok. "Bakit mo nilihim sa amin 'to?"
Nagwalk out rin siya. Talaga naman o! Pwede bang magpaliwanag muna? Bakit kailangan nilang umalis? Tumikhim naman yung lalaking nakasalamin kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
Siya ang naiwan sa tatlo.
"Sorry ulit. Pwede niyo nang ipagpatuloy kung anong ginagawa niyo kanina. Kalimutan niyo na lang kami."
Ngumiti siya sa amin bago isinirado ang pinto ng clinic.
Tangina lang. Parang gusto ko silang kaladkarin dito pabalik.
"Teka! Bumalik kayo! Mali ang iniisip niyo!" Wala akong nagawa. It was too late. Masyado rin akong nagulat sa bilis ng pangyayari para makakilos.
Sirang-sira na ang reputasyon ko.
"Umalis ka na nga!" Itinulak ko si Claude palayo. Grabe talaga! Nakatitig pa rin siya sa pintuan habang nakadagan pa rin sa akin. Seryoso ba ang lalaking 'to?!
"Tss."
Buti na lang lumayo na siya at inayos ang sarili. Binibigyan pa niya ako ng kasalanan-mo-ang-lahat-look. Sarap niyang upakan. Pramis.
"Gago ka talaga. Ako pa ngayon ang sinisisi mo?"
"Kasalanan mo naman talaga eh. Kung di mo 'ko binato ng unan, di sana kita gagantihan."
"Seryoso ka ba?! Pwede mo namang ibato pabalik bakit kailangan mo pa akong daganan, ha?" Natigilan ako nang makita ang biglaang pamumula ng mukha niya. Our eyes met at mas lalo siyang namula.
Shit. He's so cute! Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Hahaha! Gusto ko tuloy kurutin ang pisngi niya!
"Wag ka nang lalapit sa akin." Sabi niya at lalabas sana nang tawagin ko ang pangalan niya. He stopped and look at me, annoyed. Pero nawala ito nang makita niya ang expresyon sa mukha ko. "Ano?"
"Bakit pamilyar ang pangalan mo?"
Claude. It reminds me of someone I know. That boy who used to play with me. He always wear a cheeky grin on his face each time he held my hand. Yung batang sunod nang sunod sa akin noon kasi nga gusto niya raw ako. Siya ba talaga 'to?
Pero imposible.
"Tinatanong pa ba yun?" Lumapit siya ulit sa akin. Akala ko mang-iinis siya pero isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Sikat kaya ako rito."
Ang yabang talaga!
Tama. Imposible nga.
Anghel yung Claude na kilala ko eh. Tapoa ang lalaking 'to? Walang kasing sama ng ugali.
"Ewan ko sa'yo! Aanhin naman ang magandang pangalan kung pangit ang ugali, di ba?" He sent daggers at me. Binelatan ko siya. Totoo naman eh. Humiga na ako at tinalikuran siya.
Bahala siya sa buhay niya.
I thought he already walked away pero hindi pala.
"Alyssandra Khylie Hawthorne ."
Napalingon ako sa kanya. Akala ko magyayabang na naman pero ngumiti lang siya. Yung totoong ngiti na minsan mo lang makikita.
Natigilan tuloy ako.
"It's for you to find out." Sabi niya at iniwan akong mag-isa.
Pero teka lang. Parang may mali rito.
Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko?!!
BINABASA MO ANG
Taming the Devil's Heart
Teen FictionClaude Sebastian Forteza. I used to hate that name.