➸11 | narration

173 17 24
                                        


Riexha's POV

Pagkatapos ng call ay nagpalit na ako ng damit at kinuha yung wallet ko at phone tsaka ginising yung driver. "Ah yes Ms Riexha??" Tanong ng inaantok ko pang driver. Hehe bastusan na kung bastusan pero para kay ju—joke lang.

Nag-aalala lang naman ako kasi baka mapalo ako ni mama Zheng kapag nalaman niya sa waiter na ako yung tinawagan hehe

"Pwede mo ba akong samahan? May susunduin ako sa Producer Bar"

"Sige po"

Naglakad na kami papunta sa sasakyan at umandar na ito papalabas ng bahay

Mga 30 minutes bago kami nakarating ng Producer Bar. "Sige. Kahit dito mo nalang iparada yung sasakyan kuya" Tumango naman yung driver ko at nagpark nalang siya malapit dun sa bar. Pagkarating ko dun ay may waiter sa labas na buhat buhat si Justin. Bait naman neto. Lumabas na ako ng sasakyan at pinuntahan ang waiter. Pagkalapit ko dun ay bigla niya akong tinanong

"Ah kayo po ba si Ms. Riexha?"

"Oo. Ako nga"

"Mabuti naman ho, pasensiya na po sa abala. Magsasarado na po kasi kami"

"Ahh sige sige. Salamat..??"

"Yanjun ho" Sabi ni Yanjun sabay kindat. Pota akala ko mabait pero tangina, malandi ata to

"Ah sige salamat Yanjun ha. Mauuna na kami" Pagpapaalam ko kay Yanjun bago kinuha sa kaniya si Justin at inilagay ang kanyang kanang braso sa aking balikat. Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming naglakad papunta sa kotse, pero dahil mabigat si Justin para sakin ay mabagal kami maglakad.

"Hmmm riexha..."

Huh?

"J-justin"

Tangina bat ako nauutal?!?!

"Riexha mahal pa rin kita riexha"

Natigil naman ako sa paglakad dahil sa sinabi ni Justin

"Justin lasing ka lang"

"Riexha hindi. Totoo to"

Nang makita kami ng driver ko na naglalakad papunta sa sasakyan ay lumapit agad ito samin at tinulungan ako magbuhat kay Justin. Pagkarating namin dun sa sasakyan ay isinakay na namin agad ito sa passengers seat at tsaka kami pumasok sa loob ng sasakyan


"Ms. Riexha, san na po tayo papunta??" Tanong ng aking driver. Napaisip rin ako hanggang sa tinext ko nalang si Zhengting

____________________________________________________________

Zhu Zhengting

Active Now

4:57 am

Riexha: mama zheng

Zhengting: BAKIT ONLINE
KA PA HA

Zhengting: UHUH BIJJ
LAST TIME I CHECKED
U WERE ACTIVE 3 HRS AGO

Riexha: stalker foker

Riexha: b00m rhyming

Zhengting: tangina mo

Zhengting: ano meron bat
ka napa-chat

Riexha: kasama ko si Justin
ngayon. sinundo ko sa
producer bar. san ko iuuwi

Zhengting: kAYA PALA
NAWAWALA SA CR

Zhengting: sa bahay niyo
na yan iuwi

Riexha: aNO

Zhengting: syempre joke lang
baka makagawa kayo agad
ng milagro uleul ba u

Riexha: saan nga kasi
gusto ko nang matulog
lam mo yun

Zhengting: ihatid mo
dito sa dorm
message mo nalang
ako kapag nasa tapat
ng dorm ka na

Riexha: 👍

Jiang Riexha was active 47 seconds ago

Zhengting: aba puta
likezone pa aKO!?!??!

____________________________________________________________

Matapos kong i-message si Zhengting ay sinabi ko na sa driver na ihatid naman si Justin sa dorm nila

--

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa dorm nila. Binuksan ko ang pintuan ni Justin at binuhat siya papalabas ng sasakyan. Habang naglalakad kami papunta sa pintuan ng dorm niya ay nagsasalita siya

"Riexha hindi ka ba naniniwala sakin?"

"Justin matagal nang nawala ang tiwala ko sayo"

"Simula kelan Riexha?!"

"Simula nung naging tayo"

Nanahimik naman si Justin

"Sa tingin mo ba hindi ko alam yang mga pandaraya na ginagawa mo sa likod ko?! Ha?!"

Nanatili naming tahimik si Justin

"Justin hindi ako bobo para malaman yang mga pinaggagawa mo"

"Pasalamat ka nga at natiis pa kita ng dalawang taon eh!"

"Kung hihingi ka man ng tawad, pwes wag na!"

"Wala rin naming magagawa o maibabalik yang sorry mo diba?"

'Wala nga ba?'

"Riexha—"

Naputol naman ang sasabihin ni Justin nang lumabas si Zhengting

"JUSTIN!!! TANGINA MONG BAKLA KA!! KUNG SAN SAN KA NAGPUPUPUNTA!! PAG NALAMAN TO NG MAGULANG MO ABA"

Nilapitan naman ni Zhengting si Justin at hinila ang tenga nito ng biglaan

"Aray!"

"Yan ang dapat sayo!! Baklang lumalabas ng hating gabi?! Aba yung totoo, tao ka pa ba!?"

"Zhengting ang ingay mo. Madaling araw na oh"

"Tangina mo rin Riexha. Tara na nga Justin" Pgkasabi ni Zhengting non ay hinila na niya si Justin "Riexha salamat ha!!" Sigaw ni Zhengting mula sa loob ng dorm "Zhengting paglutuan mo yan ng soup!! Painumin mo rin ng gamot tas wag mong papalabasin ng bahay ha!!" Sigaw ko naman pabalik

"Hmm sige! Umuwi ka na! Baka hinahanap ka na!! Goodbye Riexha!!"

"Bye!!"

Tae mukha kaming mga tanga dito. Magkalapit na ngalang kami pero nagsisigawan pa

Sumakay na ako ng sasakyan at kumaway kay Zhengting bago umalis ang sasakyan pauwi ng bahay. Pagkarating ko sa bahay ay nagpasalamat muna ako sa driver bago umakyat ng kwarto. Humiga ako sa kama at inalala lahat ng nangyari ngayon.

Justin pinag-alala mo ako, anong ginagawa mo sakin?

======

Hey frens

1:55 am update

nIcE oNe

so ayun baka

mapuyat ako sa

kakanuod sa

playlist global

HAHAHHAA

ngayon q nalang

ulit itue ginawa

sHuXSvCzXz

======

NEXT UPDATE

TODAY

second | JUSTINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon