➸20 | narration

157 11 23
                                        

3rd Person's POV

"Ok Mr. Zhong, please answer question number 2"

"Ms. Zhou time na po eh huehue" Sagot ni Chenle. Napatingin naman si Ms. Zhou sa orasan at nakitang dismissal na nga. Napabuntong-hinga naman si Ms. Zhou bago magsalita. "Ok class dismissed" "Yes!" Sigaw naman ni Chenle

Nilapitan naman ito ni Riexha at binatukan "Ayan kasi! Puro ka iwas iwas kaya ka naulit ng grade 10!" Binatukan ulit ito ni Riexha. "Dapat 2nd year college ka na eh". "Chenle??" Hanap ni Renjun sa classroom. "Whoops nandito na sundo ko byeeee" Atsyaka tumakbo si Chenle papunta kay Renjun bago to hinila at tumakbo papalayo.

Riexha's POV

Kinginang bata yon. Bahala siya, susumbong ko yon kay tita. Nag-ayos na ako ng mga gamit, bago maglakad papalabas ng classroom. Pagkasara ko ng pinto ay nakita ko si Justin na nakangisi

Pota may 'date' pa nga pala kami

Hinawakan naman ako ni Justin sa kamay at hinila papalabas ng building. Teka parang mali tong nararamdaman ko. Pagkalabas namin ng school ay binawi ko agad ang kamay ko. "San mo ba ako dadalhin??"

3rd Person's POV

"San mo ba ako dadalhin?" Tanong ni Riexha kay Justin. Humarap naman si Justin kay Riexha "Sa puso ko" Pagkatapos ay kinindatan naman ito ni Justin. "Justin seryoso ako" "Seryoso din naman ako ah"

Natikom naman ang bibig ni Riexha sa sinabi ni Justin at inilipat ang tingin kung saan saan. "Tara na" Hinila ni Justin si Riexha at naglakad na. Hinayaan nalang ni Riexha na hilahin siya ni Justin dahil di niya rin naman alam kung san sila pupunta.

Napadpad naman ang dalawa sa isang cafe. Nanlaki naman ang mata ni Riexha.

Riexha's POV

Bakit niya naman ako dadalhin dito? Hinarap naman ako ni Justin at nginitian bago kami pumasok. Umupo kami sa dulo ng cafe kung san walang masyadong tao. "Ano gusto mo?"
Tanong ni Justin sakin. "Yung usual" "Okeeee" pagkatapos non ay tumakbo naman si Justin papunta sa counter.

Mga ilang minuto rin ay bumalik na si Justin at naupo. "Dadalin nalang daw nila yung orders"
"Ok"
Natahimik naman kami pagkatapos non, pero di ito nagtagal nung mag salita si Justin.

"Riexha"

"Ano?"

"Pwede bang-"

"Ano? Makipag-balikan sayo? Justin akala ko ba ayaw mo na kaya ka nakipag-break noon? Tapos ngayon binabalak mo pang manligaw ulit sakin? Yung totoo, ano ba talagang gusto mong mangyari ha? Sa tingin, mo ba nakakatuwa tong ginagawa mo?"

3rd Person's POV

"Riexha hindi naman yun-"

"Justin pwede ba umalis ka nalang sa buhay ko? Akala ko tapos na? Bat mo pa ba gustong ibalik?"

Pagkatapos magsalita ni Riexha ay tumayo ito sa kinauupuan niya at lumabas ang cafe, pagkalabas niya ay dumating yung waiter nila dala-dala yung pagkain

"Riexha teka lang!"

"Sir eto na po order niyo"

"Kingina bat ka nandito?! Donate mo na nga lang yan"

Lumabas si Justin at nilibot ang paningin baka sakaling mahanap pa niya si Riexha kaso wala na siya. Lumabas naman yung waiter na dala ang kaniyang inorder at nakalagay sa plastic. Tinapik niya naman si Justin na ikinuha ang attention nito.

second | JUSTINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon